Ito na ang araw na hinihintay ko. Unang araw ng klase. Siguro ay nahawa na rin ako kay Luxxine dahil sa pagiging excited sa unang araw ng klase.
Sino ba namang hindi?
Excited nako na may matutununan na bago.
Sabay kaming pumunta ni Luxxine sa klase namin. Pareho kami ng section, nahahati lang kasi sa dalawa ang klase ng mga rookies. Sa unang linggo lang naman daw ito dahil pansamantala lang ang sections.
Kapag na-summon na raw namin ang mga familiars namin ay pwede na raw kaming sumali ng guilds.
Merong guilds dito na maari naming salihan, at doon kami makakakuha ng mga missions namin na kasama ang mga seniors at masters.
"Excited nako Cleofa!" Masiglang sambit sa akin ni Luxxine.
Napakapit ito sa braso ko. Napapaisip din tuloy ako kung ano gagawin namin ngayon araw.
Nang makarating kami sa klase ay may kanya kanyang buhay ang mga estudyante. Umupo kami sa bakanteng upuan.
Nagsiayos ang lahat nang pumasok ang unang guro namin. Isang matabang lalaki ang bumungad sa amin. He has a mustache and he's also wearing a jumpsuit. Kapansin pasin din ang kumikinang nitong noo.
"Goodmorning students! I'm Sir Saremo and I'll help you to have your familiars." Sambit nito.
Kani-kaniya kami ng mga reaksyon sa sinabi ni Sir Saremo, lahat kami ay excited makuha ang magiging familiar namin.
"Ahh!! Cleofa omg!!" Masiglang sambit ni Luxxine. Hindi ko mapigilang mapangiti sa reaksyon niya.
"Okay Class! Tara sa open grounds!" Muling sambit ni Sir Saremo.
Lahat kami ay nagsitayuan at nag-unahan sa paglabas, sa di inaasahan ay may nasangga ako.
"A-Ay sorry." Sambit ko.
"Bulag ka ba?" Giit ng babae.
Napasinghap ako sa sinabi ng babaeng nasangga ko. A girl with a fair skin and black hair with blue highlights. Her dark blue eyes matches her hair and enhances her long lashes. She's wearing a blue blouse dress.
"Oo, nandidilim ang paningin ko sayo eh." Walang takot na sagot ko rito.
"B-bitc-"
"Risca tara na."
Hindi na nito natuloy ang sasabihin niya nang hilahin na ito ng kaibigan niya. "Pasensya na sa kanya." Sambit ng kaibigan nito.
Isang tango ang sinagot ko rito.
Sa tingin ba nung Risca na yon ay magpapaapi ako sa kanya? Hindi niya ko kilala.
Nakarating kami sa open grounds at excited ang mga estudyante sa gagawin namin. Napunta ang tingin ko kay Risca na inirapan ako.
Sige lang sulitin mo, pag napuno ako sayo dudukutin ko yang mata mo.
"Okay Class! Find your happy place. Siguraduhin niyong may espasyo ang napili niyo para makapagsummon kayo." Sambit ni Sir Saremo.
Naghiwalay kami ng pwesto ni Luxxine at naghanap nako ng pwesto ko. Pumwesto ako malapit sa gubat sa likod ng kastilyo.
Ang gubat na ito ay nag-iiba ang mga kulay ng puno kada oras. Nakikihalo ito sa kulay ng kalangitan.
"Okay class! Now put your hands on the ground or water." Sigaw ng guro.
Nilalakasan ni Sir Saremo ang boses niya upang marinig namin siya kahit malayo. Sinunod ko ang sinabi niya. Tinignan ko rin ang iba at ginawa rin nila iyon.
"With all your heart and strength, repeat the words, sas kaló ypálliló mou." Sambit ni Sir.
Just like what he said. We all did the same.
"sas kaló ypálliló mou!" Sambit ko.
Napapikit ako at hinintay ang mangyayari. Pero nang inimulat ko ang mga mata ko ay walang nagbago. Wala nangyari.
Tinignan ko ang mga kaklase ko kung may nasummon sila ngunit wala ring nangyari.
Tila natawa si Sir Saremo sa mga reaksyon namin. "Sa tingin niyo ba ganon lang kadali iyon? Kung ganon lang kadali yon edi sana kahit hindi ka gifted ay makakapagsummon ka." Natatawang sambit nito.
Napasinghap ako sa sinabi ni Sir Saremo. He's right. Hindi lang basta basta ang pagsummon.
"You need to work for your familiar's trust and loyalty. Hindi niyo lang alam pero ang iba sa mga familiar niyo ay tinitignan na kayo ngayon at hinihintay ang tamang oras para makipagseal sa inyo. Try harder. Show them that you, as their masters, deserve their loyalty. Well, you don't have to worry. Meron kayong isang linggo para isummon ang mga familiar niyo. Goodluck." Pagpapaliwanag ni Sir.
Iniwan kami ni Sir Saremo sa grounds. May mga kaklase akong umulit at hindi sumuko sa pagtry na isummon ang mga familiar nila.
Huminga ako ng malalim at sinubukan ko ulit.
"sas kaló ypálliló mou!"
Gaya ng una kong pagsubok ay wala pa ring nangyari.
What do I need to do to have my familiar's trust?
Napagpasyahan kong bumalik sa loob ng kastilyo at mamaya nako mag-eensayo. Gusto ko munang mag-isip-isip.
"Cleofa! Babalik ka na?!"
Narinig kong tinawag ako ni Luxxine kaya lumingon ako rito. "Oo, goodluck!"
Bumalik ako sa loob ng kastilyo at napagpasyahan kong pumunta ng library. Kahit malaki ang kastilyo ay madali ko namang natandaan ang mga pasikot-sikot dito dahil naglibot kami kahapon.
Nang makarating ako sa library ay bumungad sa akin ang mga pixies na nag-aayos ng mga libro. Sila ang tagapangalaga rito sa library namin.
Kumuha ako ng mga libro na maaring basahin at merong kumuha ng atensyon ko. Isang libro tungkol sa mga Gods and Goddesses.
Kinuha ko ito at pumwesto ako sa dulo ng library.
Nang binuklat ko ang libro ay bumungad sa akin ang mga pinagmulan ng mga gifts. Totoo ngang galing sila sa mga diyos at diyosa, greek Gods perhaps.
Nabasa ko rin ang iba't ibang creatures na nag-eexist dito. Kabilang na roon ay ang mga nymphs. Meron silang kakayahan na makapangakit ng mga tao gamit ang boses nila at pinapapunta nila ito sa tubig hanggang sa malunod sila.
Doon ko natandaan ang muntikan ko ng paglublob sa lawa non. Kung hindi lang siguro dumating ung lalaking yon.
Eh! Nevermind! His attitude sucks!
Nagbasa lang ako ng nagbasa sa library at hindi ko napansin ang oras. Nagulat na lang ako nang may pixie na pumunta sa table ko at sumenyas na kumain na ko.
Natuwa ako sa inakto nito dahil ang cute niyang sumubo. "Thanks." Sambit ko.
Tumayo ako at binalik sa lalagyanan ang mga librong binasa ko. Napasilip ako sa bintana at bumungad sa akin ang dalawang bilog na buwan. Gabi na nga.
Pumunta ako sa Dining Hall at doon ko nakita si Luxxine na kumakaway sa akin. Kumuha muna ako ng pagkain ko at pumwesto sa tapat niya.
"San ka galing Cleofa? Sayang wala ka kanina." Sambit ni Luxxine.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito at mabilis niyang nakuha ang atensyon ko. "Bakit may nangyari ba?"
Bakas ang pagkaexcite ni Luxxine bago ako nito sagutin. "May nakapagsummon na ng familiar sa klase natin!" Masiglang sambit niya.
My eyes widened in surprise. Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Luxxine.
"Sino?"
May tinuro si Luxxine na lalaki sa akin na tinignan ko. A guy with a very fair skin and jet black hair. He looks like a kind-looking guy. His expressions were soft and light.
"He's Alvis, ang pagkakaalam ko ay heir siya ni Zeus." Sambit ni Luxxine.
Halos maibuga ko ang pagkain ko sa sinabi niya. I blinked thrice.
"Z-zeus?!" Hindi makapaniwalang sambit ko.
Isang tango ang sinagot ni Luxxine sa akin. Zeus is the God of thunder! Aasahan ko ng malakas ang gift niya.
"At alam mo kung ano ang familiar niya?" Dagdag ni Luxxine. Hinintay ko ang susunod na sasabihin nito.
"Ofcourse its no other than the pegasus."
Napaawang na lamang ang bibig ko sa sinabi nito.
"He named it Rio, ang angas diba? Ang swerte na niya sa gift niya lalo na sa familiar niya." Nakangiting sambit ni Luxxine.
Tanging pagtango na lamang ang naisagot ko sa sinabi niya habang nakatingin sa lalaking kumakain.
"Ay meron pa pala! Sa kabilang section daw meron na ring nakapagsummon ng familiar niya." Pag-iiba ng babaeng kaharap ko.
Muling bumalik ang atensyon ko kay Luxxine at hinintay ko itong magsalita. "He's the fire God's heir ata eh, di ko siya kilala pero malakas din ang nakuha niyang familiar." Sambit nito.
"Sino naman ang nasummon niya?" Tanong ko.
"Cerberus."
•••