3. Athena's Heiress

1146 Words
Napaawang ang bibig ko sa nangyari. Luxxine just summoned a sword! She summoned a freaking sword! "Naniniwala ka na?" Marahang tanong nito. Dahan-dahan akong tumango sa kaniya kahit hindi parin talaga ako makapaniwala. Biglang naglaho ang sword sa harapan niya. "Though kahit nasusummon ko sila ay di rin sila nagtagagal dahil nanghihina ako."  "P-Paano nangyari yon?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Hays, Cleofa! Wala ka ba talagang alam?" Iritadong sambit nito sa akin. Muli akong tumango rito na kinasinghap na lamang niya. Hindi niya ako masisisi dahil ngayon pa lang ako nakakita ng ganun. "Gosh, lahat ng nag-aaral dito ay mga gifted or merong gift. Ang mga gift nayon ay namana natin sa mga Gods and Goddesses." Pagpapaliwanag ni Luxxine. My eyes squinted in disbelief. "Paano naman nangyari yon? Tsaka ako! Wala ako nyan! Wala akong gift!" Giit ko. Napasapo sa noo niya si Luxxine sa sinabi ko. "Hey! Gaya ng sinabi ko, hindi ka makakapasok dito kung wala kang gift okay? Sa ngayon hindi mo pa alam kung ano ang gift mo at kanino mo ito namana pero meron ka."  "Pero nakakapagtaka kasi na hindi mo alam. Normally ang mga gifts natin ay napasa galing sa parents natin. Kaya dapat sinabi sayo ng parents mo kung ano ang gift mo. Nakuha ko ang gift ko kay mama eh." Tila nasagot ang mga tanong ko sa sinabi niya. No wonder why na hindi ko alam.  "My parents are both dead." Walang kaemo-emosyong sambit ko. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Luxxine sa sinabi ko. "S-Sorry."  "Its okay. Matagal naman na iyon." Naging tahimik ang buong silid pero agad ding binasag ni Luxxine ang katahimikan.  "Excited nako sa pasukan, tuturuan nila tayong imaster ang mga gifts natin!" Masiglang sambit niya. Parang kumikislap ang mga mata ni Luxxine dahil sa excitement. Tila meron akong natandaan kaya tinanong ko siya. "Oo nga pala, bakit nahahati pa tayo sa mga clusters?" Marahang tanong ko. Isa sa mga pinagtataka ko iyon. Bakit may master pa? Para saan iyon? "Ah, syempre, we're not ordinary people. Kada cluster ay merong mga missions na ginagawa, at nakadepende yon sa rank mo kung gano iyon kahirap. But as far as I know, hindi ka naman makakatanggap ng isang mission magisa pwera na lang kung master ka na." Pag-uumpisa ni Luxxine. Isang tango ang sinagot ko rito. Then I won't be alone during missions huh? "Nga pala! Tutulungan din nila tayo isummon ung mga familiar natin." Dagdag nito. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Familiar?" Tanong ko. "Yes! Yun ang mga makakasama natin sa mga missions natin. It could be a wild animal, or kung special ka, a mythical creature!"  Doon ko naalala ang lalaking nakita ko kagabi at ang malaking puting lobo. Sabi ni tito na maaring gifted daw iyon at siguro familiar niya ang kasama niya.  Pero bakit nananakit sila? At parang may hinahanap sila roon? "Cleofa! Gusto mo mag-ikot sa campus?" Biglaang sambit ng babaeng kasama ko. Nawala ang mga nasa isip ko nang nakuha ni Luxxine ang atensyon ko. "Game."  Hindi ko namalayan at hapon na pala nang lumabas kami ng kastilyo ni Luxxine. Gaya ng sinabi niya ay wala kami makitang ibang estudyante o tao man lang.  "Cleofa look." Sambit sa akin ng babaeng kasama ko. Tinignan ko ang tinuro ni Luxxine at nakita kong lumilitaw na ang buwan sa langit. T-Teka dalawa yung buwan? "W-Woah." Naglibot kami ni Luxxine sa hardin at iba't ibang klase ng bulaklak ang nakita ko. Even though its already night, its still bright here in the garden because of the fireflies. Isa sa mga kinahanga ko ay nahahati sa tatlo ang mga kulay nila. There are yellow, orange, and blue. Ang iba't ibang klase ng mga bulaklak ay nagsisilbing mga ilaw rin sa dilim ng paligid. They are freaking glowing in the dark. "Tara na Cleofa, dumidilim na. Baka makita pa tayo ni Xilah." Bilaang sambit sa akin ni Luxxine. "Sige mauna ka na, gusto ko pa maglibot." Hindi ko na hinintay na sumagot si Luxxine at tumakbo nako papalayo sa kanya. Gusto ko pang maglibot lalo na't wala akong gaanong alam dito.  Pumunta ako sa gilid ng kastilyo at hindi ako makapaniwala nang may nakita akong lawa rito.  Lumapit ako papunta sa lawa at pinagmasdan ko ang malinaw nitong tubig. Mga asul na alitaptap ang nagsisilbing liwanag sa lawa. Even the fishes are glowing. Doon ko napansin ang mga magagandang babae na nagtatalampisaw sa tubig.  Nymphs. Nabasa ko noon sila sa libro at hindi ko inaasahan na totoo sila. Nakakahanga talaga sa lugar na ito dahil walang imposible. Para akong naakit nang nagsimula silang kumanta at natagpuan ko na lang ang sarili kong palublob sa lawa. Tila natauhan na lamang ako nang may humawak sa braso ko. Sabay-sabay lumingon sa akin ang mga nymphs at parang nabahala sila at sabay-sabay silang lumangoy papalayo. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang dahilan ng pag-alis nila. May isang lalaking sumulpot sa kung saan. A guy with a dark brown hair with a really beautiful black eyes. It feels like his eyes are luring me when our eyes met. May nunal ito malapit sa mata na hindi masyadong nakikita dahil natatakpan ito ng buhok niya. Akala ko ay nanaginip lang ako nang mabilis akong natauhan. "T-Tsk! Tignan mo ung ginawa mo!" Giit ko sa lalaki na kinasimangot niya.  "Its not my fault that you're too stupid." Walang ganang sagot nito. My forehead furrowed and I gave him an irritated look. "Wag kang lumapit masyado sa lawa kung tatanga tanga ka." Dagdag niya. "Excuse me?!" "Stupid, you almost drown yourself because of your stupidity." Walang ganang sambit nito. Napasinghap ako sa sinabi ng lalaking kaharap ko. Anong tinutukoy niya ha? Eh ang natatandaan ko lang naman ay nakikinig ako sa pagkanta ng mga nymphs! "Pumasok ka na sa loob, bawal ng lumabas pag madilim." Sambit ng lalaking kaharap ko. "At bakit ako susunod sa'yo? Nasa labas ka rin naman."  Nakita ko ang pagkairita ng lalaki sa sinabi ko. Bakit? Totoo naman ah, sino ba siya para sundin ko? Tila nagbago ang ekspresyon nito at napalitan ng ngisi ang pagkairita niya sa akin. "Sige, ikaw rin. Mangmang."  Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. My eyebrows met and I nibbled my bottom lip. Mangmang?! Namumuro na siya sa paglait sa akin ah! Tumalikod na ito sa akin at nagsimulang lumayo. Pero hindi pa ito tuluyang nakakalayo ay kumuha ako ng maliit na bato sa gilid ko at hindi ako nagdalawang isip na batuhin siya. "Put-" Humarap ito sa akin na bakas ang pagkainis sa mukha.  "Bleh! Jerk!" Pang-aasar ko. Agad akong kumaripas ng takbo papalayo sa kaniya at pumasok na agad ako sa kastilyo. Buti na lang at hindi niya ko hinabol at pinagdasal ko na lang na hindi na pa magkrus ang landas namin. He's a jerk and I don't like him. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD