Nakapakat sa labi ni Zac ang malawak na ngiti habang pasipol-sipol at nagluluto ng agahan. Wala syang suot na damit at nakaboxer lang, may nakasabit na apron sa kanyang leeg. Masayang-masaya ang pakiramdam nya, sino ba naman ang hindi? Kasama nya ang babaeng mahal nya at binalikan nga sya nito kahapon, at sa buong maghapon na iyon ay wala syang ibang ginawa kundi ang angkinin lang ito ng angkinin. Napatingin tuloy sya sa itaas, siguro ay pagod na pagod ito. Hindi pa rin kasi ito bumababa. Tinuloy lang nya ang pagluluto, sa loob ng ilang taon ngayon lang nya ulit naramdaman ang bagay na ito. Kampante, panatag, at nag-uumapaw sa kasiyahan. Matapos magluto ay pumanik sya sa hagdanan upang tawagin si Alessandra. "Good morning!" Kinintilan nya ng halik ang balikat nito, nakatagilid ito h

