Sa loob ng dalawang taon pinili ni Zac ang mag-isa. Teenager pa lang sya ng mamatay ang Mama nya, ang kanyang ama na laging busy sa trabaho ay hindi na rin sya masyadong nabibigyang pansin noong bata pa lang sya. But he loves him. Hindi lang nito iyon masyadong pinapakita pero ramdam nya kung gaano nito kagustong maging matagumpay sya sa lahat ng bagay. Mayroong inampon ang mga magulang nya noon si Zeus, pero nang tumuntong ito ng highschool ay hinanap nito ang totoong magulang at mas pinili nitong bumalik sa tunay na kadugo. Nagpaparamdam man ito sa kanya ay madalang na dahil naging maganda na ang trabaho nito sa France at doon na nag-istay. Pakiramdam nya ay galit sa kanya ang mundo kaya naging mapakla ang paningin nya sa Diyos, maraming tanong ang naiwan sa kanya lalo pa ng mamatay an

