"Breakfast is ready!" Ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Zac ang bumungad kay Alessandra pagkababa nya sa hagdanan. Hindi nya alam kung totoo ba ang nakikita nya or nananaginip lang sya, nagtataka sya dahil ibang Zac ang nakikita nya ngayon kumpara kagabi. Anong nangyayari? Nakita nyang nakahain sa mesa ang agahan, may bacon, itlog, sausage at sinangag. Mayroon ding nakatabing fresh milk sa gilid. Kinakabahan sya pero pilit nyang pinawi iyon. "N-nagluto ka?" napapantastikuhang tanong nya. "Yep pasensya kana yan lang ang nakayanan ko," humila ito ng upuan "Sit," sabi nito sa kanya. Nagtatakang nagpatianod sya kay Zac naupo sya sa tabi nito. Bakit parang ang bait nito ngayon? Anong meron? Kagabi lang ay takot na takot sya dahil sa mga nangyari pero ngayon heto sya sa tabi nito at

