"Hindi ko na kayang manahimik lang dito anak, mag-iisang linggo ng nawawala ang kapatid mo!" Ang nag-aalalang tinig ng kanyang ina ang bumungad kay Alexus habang tahimik syang nag iisip sa kawalan. Tinawagan sya ni Nicole kahapon at sinabi nito na nakausap nito si Alessandra ngunit hindi sya makapag-isip ng hakbang na gagawin. Sinasabi na nga nya tama ang hinala nya. Binalikan na sila ng anak ni Zandro, matagal na sila nitong pinag-babantaan. Makapangyarihan ang anak nitong si Zac Fuentabella, wala silang laban kahit magsumbong pa sila sa mga pulis. Walang alam ang ina nya sa mga nangyari noon at ayaw na sana nyang alalahin pa ang nagawa ng kanyang ama. Pero walang sikretong hindi nabubunyag, at kusang lalabas ang katotohanan pilitin man itong itago. Heto na ang oras na kinatatakutan ny

