CHAPTER 05

1118 Words
Wala na ang tali sa mga kamay nya nang magising si Alessandra, tumambad sa kanya ang mga paper bags na nasa gilid ng kamang kinalalagyan nya. Maang syang napatingin sa lalaking nakatayo at nakatalikod ngayon sa kanya, nasa bintana ito at mukhang malalim ang iniisip sa kawalan. Naramdaman siguro nito ang prisensya nya kaya ito bumaling ng tingin sa kanya, sinalubong nya ang madilim na mukha nito. Sumulyap ito sa mga gamit na nasa tabi nya. "That's all yours magpalit ka na," utos nito saka napapasong tumingin ulit sa kawalan. Ang daming paper bags na nakalapag sa tabi nya, lahat talaga iyon ay para sa kanya? Pero bakit? "Gusto ko ng umuwi," mahinang sabi nya, hindi ito kumibo. "Please! pakawalan mo na ako gusto ko ng umuwi sa amin," pagmamakaawa nya pero hindi pa rin ito natinag. "Sino nagsabi sayo na makakauwi ka pa?" salubong ang kilay nito habang matamang nakatingin sa kanya. Napakasama nito, wala talaga itong balak pakawalan sya. Hindi nya kayang paniwalaan ang sinasabi nito na mamamatay tao ang ama nya, hindi iyon magagawa ng Daddy nya. Ano bang plano nito sa kanya? Ang ikulong sya at saktan? "Ano bang pwede kong gawin para lang pakawalan mo na ko?" nanghihina na ang tinig nya. Bumaling ito sa kanya at naglakad patungo sa kama kung saan sya nakaupo ngayon. Nagawa nyang pagmasdan ang mukha nito. Matangos ang ilong at moreno. Magandang lalaki ito at aaminin nya iyon. Wala ba itong asawa para hayaan ang lalaking ito na may ikinukulong na babae sa silid nito? Sa tingin nga nya ay wala dahil malaki at magara man ang bahay nito ay malungkot naman iyon, wala man lang itong kasama. Napa-atras sya nang lumapat ang daliri nito sa labi nya na animoy sinusuri iyon. Napapaso sya sa tingin na ibinibigay nito sa kanya. Mas inilapit pa nito ang mukha at bahagyang yumuko. Nagbaba sya ng tingin at pumikit, buong akala nya ay dadampi ang labi nito sa labi nya ngunit nang magmulat sya ng mata ay nakalayo na ang mukha nito sa kanya, tumaas ang isang sulok ng labi nito na tila nang-aasar. Jeez! Bakit ba kasi sya pumikit? "Magpalit ka na ng damit at kumain sa ibaba," sambit nito at tuluyan na syang iniwan sa loob ng kwarto, saka lang sya nakahinga ng maluwag nang mawala na ito sa paningin nya. Ang lakas ng t***k ng puso nya, hindi nya alam kung bakit lagi syang kinakabahan sa tuwing lalapit ito sa kanya. - Fuck! Napamura si Zac dahil sa labis na pagtitimpi sa sarili, kanina pa nya hindi maipaliwanag ang nararamdaman habang pinagmamasdan ang babaeng nasa silid nya. Bakit ba ang lakas ng epekto nito sa kanya? May bahagi ng katawan nya ang nabubuhay sa tuwing nilalapitan nya ito. Fuck! It's been 5 years ngunit ngayon lang nya ulit naramdaman ang pakiramdam na iyon. Sobrang pagpipigil ang ginagawa nya sa sarili dahil kung hindi nya gagawin iyon ay baka kanina pa nya inaangkin ang dalagang iyon. Tangina! Ano bang nangyayari sa kanya? Galit sya dito! Galit sya sa ama nito ngunit sa tuwing nakikita nya ang maamong mukha nito ay napapalitan iyon ng awa.  Hindi nya gusto ang nangyayari sa sarili nya, kailangan nyang makapag-higanti para mabigyan ng hustisya ang ginawa ng Daddy nito sa Papa nya. Humila sya ng upuan at hindi man lang nya nagalaw ang pagkaing nasa lamesa, unti-unting tumigil ang mundo nya ng mapatingin sa hagdanan kung saan bumaba doon ang babaeng kanina pa naglalaro sa isip nya. Basa pa ang buhok nito at nakapagpalit na ng damit, simpleng bestida na kulay berde ang suot nito ngunit sa paningin nya ay tila isa itong diwata. Fuck Zac! Lubayan mo nga yan! Kanina pa nya kalaban ang isip nya at kanina pa rin nya sinusuway iyon, nagtama ang paningin nila ng babae. Sunod-sunod ang pagkalabog ng dibdib nya lalo na ng makalapit ito sa kanya at humila ng upuan sa harapan nya. "Ano bang plano mo sakin?" Nagulat sya sa tanong nito, ang bango nito at amoy na amoy nya ang natural nitong dating, hindi sya makapag-focus sa mga isipin dahil sa babaeng ito. Tinitigan nya ito sa mukha, hindi ito nag iwas ng tingin at nilabanan ang matatalim na tingin nya. Tangina wala na bang epekto dito iyon?! Hindi na ito natatakot? Shit! "Anong gusto mo para lang pakawalan mo na ko?!" mas tumaas ang tinig nito. Sandali syang natahimik at kapagkuwan ay nagsalita rin sya. "Pagsilbihan mo ako sa loob ng dalawang linggo at ibigay mo sakin ang katawan mo kapalit ng kalayaan mo," kusang lumabas iyon sa bibig nya. Inasahan na nya ang pagkabigla sa mukha nito. "A-ano?! Nababaliw ka na ba?" "Yes." Umiling-iling ang dalaga. Hindi rin nya alam kung bakit nya sinabi ang mga iyon. Damn! 5 years na syang hindi nasasabik sa s*x, but look at him now para syang asong ulol na iwas ng iwas dito dahil nagwawala ang alaga nya sa tuwing makikita nya ito, f**k! "Ayaw mo? Then hindi mo na makikita ang pamilya mo, tumingin ka sa labas at bilangin mo kung ilan ang tauhan na nakapalibot dito. Wag mo tangkain tumakas dahil hindi ka magtatagumpay," banta nya. Hindi ito kumibo ramdam nya ang galit sa mga mata nito. "Napakasama mo!" sigaw nito sa kanya. "That's what your Dad taught me," "Huwag mong idamay ang Daddy ko dito!" "Why not? Sya ang punot-dulo ng lahat ng ito," Naglandas ang luha sa pisngi ng babae dahilan para mag iwas sya ng tingin, tumayo sya at pumasok sa loob ng silid. Hindi nya kayang labanan na makita ang mukha nito habang umiiyak. Fuck! Dapat ay hindi sya naaapektuhan, dapat ay matigas ang damdamin nya ngunit bakit hindi nya magawa ito ngayon? Nakakaramdam sya ng awa para sa dalaga. Malalaki ang hakbang na tinungo nya ang kabilang silid, doon ay nagdala sya ng alak upang magpakalango sa alak, kailangan nyang mag-isip. ISANG oras na syang umiinom at nakakaapat na bote na rin sya ng alak ngunit malinaw pa rin sa isipan nya ang imahe ng babaeng kasama nya sa bahay. Bakit ba hindi maalis-alis ang mukha nito sa isipan nya? Kinukunsensya naba sya ng Diyos?! Paraan ba nito iyon upang itigil na ang ginagawa nya? Hindi! Bumukas ang pintuan ng silid nya at nagulat sya dahil tumambad sa kanya ang babaeng kanina pa umookupa ng isipan nya. Napatitig lang sya dito at ganoon din ito sa kanya. Hindi ito nagsasalita. Umawang ang labi nya ng dahan-dahan nitong tinanggal ang pagkakatali ng suot nitong bestida at nalaglag iyon sa sahig. Maang na napatingin sya rito, nakatitig lang ito sa kanya habang isinusunod nitong tanggalin ang maliliit na saplot sa katawan. Napalunok sya. Tila naestatwa sya sa pagkaka-upo. "A-anong ginagawa mo?" Tuluyan na nitong nahubad lahat ng saplot sa katawan saka nilabanan ang tingin nya na ibinigay nya rito ngayon. Nasa harapan nya ngayon ang perpektong gawa ng Diyos. Ang makinis na kutis nito, ang malulusog na dibdib at magandang hubog ng katawan, Tangina! Parang bigla ay sumikip ang suot nyang pang ibaba. "Diba ito ang gusto mo? Ibibigay ko na sayo ang sarili ko palayain mo lang ako," Natigilan sya dahil sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD