CHAPTER 04

1617 Words
Hindi mapakali si Alexus habang nakatingin sa orasan, buong araw ng hindi umuuwi ang kapatid nyang si Alessandra, grabe na ang pag-aalala nila para rito. Nasaan na ba ito? "Kuya tinanong ko na ang mga kaibigan nila even Nicole pero wala daw doon si Alessandra, umuwi daw ito pagkatapos ng party," may pag-aalala na rin sa mukha ni Almond. "Wag mo na lang muna sabihin kay Daddy dahil baka makadagdag pa sa alalahanin nya, kahit si Mommy nag-aalala na pero hindi rin sinasabi kay Daddy ang tungkol dito, ang sabi lang namin eh busy si Alessandra dahil may mga inaayos ito sa trabaho," sambit nya. Marahang napatango tango si Almond, matanda lang sya ng isang taon dito at halos magkamukha sila at napagkakamalang kambal. Matangkad lang sya ng kaunti dito ngunit hindi naman mapapansin iyon kung hindi sila magdidikit. Nagpakawala sya ng buntong hininga, nasaan ka na ba Alessandra? Lahat na ng pwedeng kontakin ay pina-contact na nya kay Almond, lahat ng mga kaibigan nito ay pinuntahan pa nila ang iba pero hindi nila alam kung nasaan si Alessandra, nakapatay na rin ang cp nito at hindi na ma-contact ang number. Lahat ng kaibigan nito ay nag-aalala na din lalo na si Nicole. Bigla ay napaisip sya ngunit kaagad din nyang iniwas ang isiping iyon na ayaw nyang magkatotoo. Isang mapait na ala-ala sa nakaraan ang naglakbay sa isipan nya. Gumuhit ang pait sa dibdib  nya at naihilamos nya ang sariling palad sa mukha. No hindi pwede! - Hindi pa rin maalis-alis ang tingin ni Zac habang pinagmamasdan ang natutulog na si Alessandra, natulog ulit ito matapos nyang iwan sandali kanina dahil may inasikaso syang meeting mabuti na lang at maaga iyong natapos. Itinali nya ang mga kamay nito ngunit hindi naman natuloy ang binabalak nya dahil nga tumawag ang secretary nya. Pinapunta sya nito sa opisina. Ngayon ay nandito sya sa kwarto nya kung saan nya ikinukulong ang dalaga, mahimbing itong natutulog at tila isang anghel na walang kamuwang-muwang sa mundo. Bakit ang ganda nito? Bakit hindi nya maiwasang pagmasdan ito? Nakagat nya ang ibabang labi ng tumama ang mga mata nya sa hita nitong bahagyang nakaawang. Hindi pa rin pala ito nakakapagpalit ng damit. Ito pa rin ang suot nito nang dumating ito sa mansyon. Damn! nagbigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Tila sumikip ang suot nyang pang-ibaba. Mabilis syang nag iwas ng tingin. Tiningnan nya ang number ni Lucard sa cellphone nya at tinawagan iyon. Kailangan nya itong makausap dahil wala man lang kagamit-gamit ang babaeng nasa harap nya. Paano ito makakapagbihis man lang? Tsk! Dapat ay hindi na nya ito pinoproblema pero dumagdag pa ito sa isipan nya ngayon. "Hey Bastard," agad na sagot nito sa kabilang linya. Napabuga sya ng hangin. "f**k you Man! where's your wife?" masungit na sabi nya sa kaibigan. Kahit naiirita sya sa boses ni Lucard ay wala syang magagawa dahil kailangan nya ito ngayon. "Huh? Teka anong kailangan mo sa asawa ko-" "f**k! hindi ko aagawin sayo ang asawa mo!" singhal nya sa kabilang linya kaya rinig nya ang mahinang pagtawa nito. "Y-yeah relax, easy ka lang! Ito na nga tatawagin ko na, hey sweetie-" Bahagya nyang inilayo ang cellphone sa tainga dahil ayaw nyang marinig ang mga kasunod sa sasabihin nito sa asawa. Si Lucard ang uri ng lalaking malandi na nakilala nya. Mas malandi pa ito sa babae kapag kausap ang asawang si Keesha. Malakas syang mairita kapag sa mga ganitong bagay, ganoon na yata ka-bitter ang buhay nya. "Hey Mr. Fuentabella," bati ni Keesha sa kanya sa kabilang linya. Malamyos ang tinig ng asawa ni Lucard. "May kailangan ka?" dagdag pa nito. Hindi na sya nagpatumpik-tumpik pa. "Yes, I need some clothes for---" Natigilan sya nang maalala ang asawa nitong si Lucard, ano bang sasabihin nya? Paniguradong magtatanong ang gunggong nyang kaibigan kapag nagsabi sya sa asawa nito na kailangan nya ng mga damit pangbabae. "For?" paghihintay ni Keesha sa sasabihin nya. Ilang minuto syang natigilan bago napilitang magsalita. "Ah–ahm, kailangan ko ng mga damit pangbabae mga sampung pares-" Hindi pa nya natatapos ang sasabihin nang biglang sumingit sa usapan ang walang hiyang kaibigan nya na nakikinig pala sa usapan. Ito na nga ba ang sinasabi nya. "Oh man are you f*****g gay?!" bulalas nito, rinig nya ang mahinang halakhak ni Keesha. Rumehistro ang matinding pagkairita sa mukha nya. "f**k you Roscoe!" pagmumura nya gamit ang apelyido nito. Kung nasa harap lang nya ito ay malamang na kanina pa nya ito sinuntok. "Then why the f**k you need to-" "Shut the f**k up! I'm not talking to you, give the phone back to your wife I'm gonna kill you!" galit na wika nya. Hindi na nya nadinig ang boses ni Lucard dahil inagaw na ni Keesha ang cellphone dito. "Anong size ba ang kailangan mo and anong uri ng mga damit?" tanong ni Keesha. Matagal syang nag-isip. Wala syang alam sa mga ganitong bagay, paano nya malalaman iyon eh wala namang babae sa buhay nya. Wala nga syang nobya e, at wala din syang balak na tanungin pa ang babaeng nasa bahay nya ngayon kung anong mga damit ang tipo nitong isinusuot. Tsk! Napilitan na lang sya sumagot kay Keesha. "Kahit ano, mukhang magkasing katawan naman kayo ng babaeng nasa bahay ko so alam mo na yun. Ikaw na ang bahala, just name your price," sambit nya. Hindi na ito nag-usisa pa at nagpapasalamat sya na wala ng Lucard na nagsalita ulit. "Sure Mr.Fuentabella, Lucard will be there in a minute, bye!" paalam nito. Napabuga sya ng hangin dahil sa huling sinabi nito, ang walanghiyang si Lucard pa din pala ang magdadala ng mga iyon sa bahay nya! f**k! Kaibigan nya si Lucard since high school at may ari naman ng Boutique si Keesha na asawa nito, nagkakilala ang mga ito sa London dahil doon nag-aral si Lucard ng kolehiyo, alam nyang hindi basta-basta ang tinitinda ng babaeng ito dahil lahat iyon ay nanggagaling pa sa ibang bansa at alam din nyang halos may ginto ang presyo ng bawat isa. Knowing him, alam ni Keesha na hindi sya papayag bumayad sa mga cheap prices lang. Wala syang pakialam sa pera basta kailangan nya ang isang bagay. Mga dalawangpung minuto ang lumipas at bumaba sya dahil sa mga sigaw mula sa ibaba. "Hey you piece of s**t! Kaibigan ako ni Zac bakit ba ayaw niyo akong papasukin?!" gigil na gigil si Lucard habang nagpipilit na makapasok sa loob ng bahay nya. Ang bilis nitong nakarating agad, kabababa lang nya halos ng telepono. Malapit lang naman ang bahay nito sa kanya at hindi na sya magtatakha dahil byaheng impyerno din talaga kung magmaneho itong si Lucard. Ang sarap panoorin ng scene habang pinagmamasdan nya itong nagpupuyos sa galit at nakikipagtalo sa mga tauhan nya sa labas, napangisi sya pero pilit din nyang pinawi iyon. "Papasukin nyo sya." utos nya sa mga tauhan na nakabantay sa labas ng bahay nya, nakapalibot ang mga ito sa paligid ng mansion. Lahat ito ay mga armado. Muling tiningnan ng masama ni Lucard ang mga tauhan nya at may halong pagbabanta iyon. Inayos nito ang kuwelyo bago bumaling sa kanya at lumapit. Inilahad nito ang kamay sa kanya, hawak-hawak pa rin nito lahat ng paper bags. Kulay pink pa naman lahat yon. Pfft. Ibig nyang matawa sa kaibigan. Sino kaya ang mas mukhang bakla sa kanila ngayon? "See, mas mukha kang bakla sakin ngayon," pang-aasar nya dito. Umismid ito at napapasong inabot nito sa kanya ang mga damit. "How dare you?! matapos kong bitbitin sayo ang mga ito at pinagpawisan pa ang gwapo kong mukha dahil sa mga walanghiya mong tauhan ay gaganyanin mo lang ako?!" asar na sabi nito, napangisi sya. Ang sarap talaga tingnan ni Lucard kapag nabubwisit ito. Bawing-bawi sya ngayon sa lahat ng kabwisitang dinadala nito sa buhay nya. Maya-maya ay bigla na itong naningil. "One hundred thousand," inilahad nito sa kanya ang kamay. Nakataas pa ang isang kilay nito at ngumisi. "One hundred thousand for just ten pairs of clothes?" taas din ang isang kilay na tanong nya. Ayaw nyang isipin na baka ginugulangan na naman sya ng gunggong na ito. "Oh, nangungwestiyon na ngayon ang isang Zac Fuentabella?" ngumisi ang kaibigan niya. "f**k you!" Ibinagsak nya sa palad nito ang cheke. "Thanks my friend!" ang lapad ng ngisi nito, mabilis na nya itong itinaboy matapos makuha ang mga damit. Bago ito umalis ay luminga-linga pa ito sa paligid na animoy gustong usyosohin kung may kasama ba syang babae sa bahay. Kaagad naman nya itong sinigawan at muling itinaboy. "Get out kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga tauhan ko!" sigaw niya dito. Nagtaas lang ng middle finger si Lucard bago tuluyang lumabas ng mansion nya. Napabuga sya ng hangin, baliw talaga ang isang 'yon! Nang makaalis ito ay tiningnan nya ang mga paperbags na hawak nya at pumasok na sa malaking pintuan ng mansyon. Tumingala sya sa hagdanan at iniisip nya kung pupuntahan na nya ang babaeng natutulog sa silid nya. Sa huli ay nagdesisyon din syang akyatin na ulit ito. Marahan nyang binuksan ang pintuan ng silid mula sa itaas kung saan nya ito iniwan. Mahimbing pa rin itong natutulog at mistulan itong isang anghel sa kagandahan. Shit. Ang isang katulad nyang tinatawag ng iba na may sa demonyo ay may kasamang anghel ngayon sa kanyang sariling bahay. Nagdala sya ng anghel sa madilim nyang mundo at mistulang ito ang nagbibigay ng liwanag ngayon sa kanya. Bakit ba kasi parang nagliliwanag ang paligid kapag pinagmamasdan nya ito? May kapangyarihan ba ito kaya ganoon na lang ang epekto nito sa kanya? Inayos nya ang sarili at pilit iwinaglit sa isipan nya ang magagandang katangian na nakikita ngayon sa babaeng ito. Kailangan nyang alalahanin na may dahilan kung bakit nya ito kinuha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD