Napadilat si Alessandra nang makapa na wala si Zac sa gilid nya, tumatama ang sinag ng araw mula sa nakaawang na kurtina ng silid, nag inat sya ng mga kamay kasabay ng paghihikab. Bumangon sya at lumabas upang hanapin ang binata. Mula sa labas ay matatanaw muli ang payapang dagat at ang mga cottage na naroon. Mayroon isang mas malawak na bahay kubo at doon nya nakita si Zac na kasalukuyang naghahanda ng pagkain sa lamesa. Mag aalas-otso pa lang ng umaga kaya hindi pa masyadong masakit sa balat ang sikat ng araw. Napangiti sya habang pinagmamasdan ito, wala itong suot na pang itaas at nakashort lang. Abala ito sa ginagawa at paminsan-minsan ay lumalabas ng kubo upang tingnan ang iniihaw nito. Di nya maiwasang makaramdam ng kasiyahan. She's really in love with Zac Fuentabella, hindi nya

