Kinahapunan, pagkauwi nila sa mansion ay naroon na naman si Sabina "Oh? Hi, Kenzo and C-celine, right?" Bati ni Sabina habang nakatingin kay Celine na parang hindi siya nito natatandaan. Samantalang hindi lang naman yun ang una nilang pagkikita. Ngumiti lang ng bahagya si Celine. "Hello, Mrs. Walton." Balik na bati ni Celine ngunit hindi na siya pinansin ni Sabina at kay Kenzo na itinuon ang atensyon. "What brings you here again, Sabina?" Kenzo said coldly. "Umalis si Angelo. Isang linggo siya doon sa business meeting niya sa US. Nalulungkot naman akong mag-isa sa bahay. So, napagdesisyunan ko ng dumito na muna sa bahay mo." "Hindi pwede, Sabina. May bagay ka. At hindi bahay bakasyunan ang bahay ko. Umuwi ka na at doon mo hintayin ang kapatid ko." "Kenzo, am I not welcome her

