Pagpasok ni Celine sa kanyang silid ay agad niyang isinarado ang pinto. Dumiretso siya sa kanyang kama at pabagsak na inihiga ang katawan. "Ex-girlfriend pala, hah!" Naiinis na saad niya saka nagtalukbong ng kumot. She didn't understand herself. Naiinis siya kay Sabina pero ayaw niyang aminin sa sarili niya na nagseselos siya. Ayaw niya ring aminin sa sarili niya na may nararamdaman na siya para kay Kenzo. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mahinang katok mula sa pintuan. "Celine? Pwede ba tayong mag-usap?" Mahinahong saad ni Kenzo. Hindi siya umiimik. Hindi siya gumagalaw sa pagkakahiga niya. Gusto niyang magpanggap na lang na natutulog na siya para hindi siya pilitin na makausap nito. "Celine? Can I come in?" Rinig niyang sabi pa ulit nito. "No. I'm tired. Matutulog na ako

