
"You used me to get everything. Now, watch me take it all back. . . and leave you with nothing."__Cherry Madrigal.
********
Ika-dalawang taon ng kasal namin ni Ashton. Aksidenteng natapon ng anak namin ang gatas nito at nabasa ang mga papeles sa mesa ni Ashton kasama na ang marriage certificate naming mag-asawa.
Sa takot ko, nagtungo ako sa civil registration para kumuha ng kopya ng aming papel. Ngunit ang inaasahan kong resulta. . . ang nagpabago ng lahat ng mga pinaniniwalaan ko.
Ashton and I. . . has no record. Walang record na ikinasal kami ng asawa ko. Mahirap paniwalaan dahil ikinasal kami--two years ago. Pero kahit paulit-ulit na tinitignan ng mga staff ang record. . . wala talaga.
Peke lang ang papel na hawak ko para matawag na asawa ni Ashton.
Ako nga pala si Lexi Lawrence. Ikinasal ako kay Ashton Valmont--tagapagmana ng Valmont Corporation. Ang totoo, napilitan lang si Ashton na pakasalanan ako. Dahil ako ang napili ng lola niya na ipakasal sa kanya. In short--hindi ako mahal ni Ash.
Pero sa loob ng dalawang taon naming pagsasama, inalagaan ko siya, minahal nang sobra-sobra. Dahil nangako ako sa lola niya na anuman ang mangyari. . . hindi ko iiwan ang apo niya, bago ito nalagutan ng hininga.
Pero sa araw mismo ng 2nd anniversary naming mag-asawa, sa isang espesyal na araw na pinaghandaan ko pa. Dito na pala ang simula ng unti-unting pagguho ng masaya, perpekto at iniidolong pamilya na itinayo ko kasama si Ash at anak namin.
Akala ko ito na ang pinakamasakit na matatanggap kong balita sa araw na ito, pero. . . simula pa lang pala ng mga patong-patong na kasinungalingan ng mga tao sa paligid ko ang matutuklasan ko.
Nang pauwi na ako sa mansion, nakita ko si Ash sa isang coffeeshop na may kasamang babae. Maganda, supistikada at mas matanda ito sa akin. Kahit kabado, lumapit ako at narinig ang usapan nila. Siya si Lucy, ang dating professor ni Ash at girlfriend nito.
Luhaan at biguan akong umuwi ng mansion. Gusto kong magsumbong sa mga magulang ko, kaya sa kanila ako tumuloy. Ngunit ang pagkampi na inaasahan ko. . . ay kabaliktaran ang nangyari.
Narinig ko ang mama at papa ko na nag-uusap. Umiiyak si mama. Sinasabing mis na mis na niya ang anak nila. At first, naguluhan ako. Dahil kasama ko naman sila sa mansion. Iyon pala. . . ibang tao ang tinutukoy nila. Iyong babaeng mahal ni Ashton, iyong Lucy. . . siya ang totoong anak nila.
Habang ako? Ginamit lang nila ako. Sinamantala nila ang kalagayan ko.
Two years ago, nagising ako sa isla na sila ang sumaklolo sa akin at nagpakilalang mga magulang ko. . . dahil wala akong maalala dala ng aksidente ng sinasakyan kong yate sa dagat. Nawalan ako ng ala-ala, maski pangalan ko ay hindi ko matandaan. Kaya nagtiwala ako sa kanila.
Ipinakasal nila ako kay Ashton para makakuha ng connection sa pamilya Valmont, naging kakampi nila si Ashton para makuha din nito ang pamana para sa kanya sa oras na ako ang pakasalan niya.
Akala ko may masaya akong pamilya, may supportive akong mga magulang, may asawa. Pero lahat ng ito pala. . . ay kasinungalingan lamang.
Hanggang sa susuko na sana ako sa buhay nang may matanggap akong tawag mula sa unregistered number sa contact list ko.
"Mrs. Lexi Valmont, this is Attorney Maple, legal counsel of the Madrigal family—the richest family in the country. I have something important to tell you. . . about who you really are. Can we meet?"
.....itutuloy......

