CHAPTER 4

1363 Words
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tinignan ko yung buong kwarto. Nakakapanibago. From now on dito na ako matutulog , sakto lang yung laki niya. May kama na sobrang lambot , may malaking closet na nung binuksan ko kagabi may mga damit na. Para bang pinaghandaan na talaga. Kompleto rin yung mga appliances pero nakakabanibago talaga , hindi ko maiwasang hindi mamiss sila mommy at daddy, kahit tuwing umaga magsusungit ako sa kanila, sinasalubong parin nila ako ng ngiti. May kumatok sa pinto kaya napatigil ako sa pagdday dream. Tumayo ako at binuksan yung pinto. "Good afternoon mam jezreel pinapatawag ka na po ni Mam Zoe sa baba. Kakain na po tayo ng lunch." Lunch na pala. Napasarap ata yung tulog ko. Pero wait------ Jezreel? Kailan pa naging jezreel ang pangalan ko? Baka nagkamali lang si manang. Ginawa ko na yung morning rituals ko at bumaba. Pagkatapos namin maglunch , naligo na ako at dumiretso sa office ni Zoe pinapatawag niya daw kasi ako sabi ni manang. Bat hindi niya nalang sinabi kanina habang kumakain kami ..tsss talaga naman oh. "What?" Bungad ko sa kanya. "Nakaschedule ka ngayon para magpa parlor." "What the hell?" Sino siya para diktahan ako?! "May meeting ako kaya hindi kita masasamahan pero ipapahatid kita sa driver" Tuloy tuloy niyang sabi habang naghahanda samantalang ako nakakunot lang ang noo at nakanganga . Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya . "You need it Jez para hindi ka makilala ng mga humahabol sayo. Besides ikaw naman ang magdedecide kung anong gusto mo" Lumapit siya sakin at bumeso. "See you later. Take care " Napataas nalang ako ng kilay. Mukhang wala na akong choice dahil umalis na si Zoe. Alas 6 na rin ng hapon ako nakauwi. Masyado akong natuwa magshopping. Tsss. Balak ko nga sanang ubusin yung laman ng credit card ni Zoe para makaganti naman ako, kasi nakakairita siya tsk, pero dahil tinatamad ako kaya hindi ko na natuloy. Pagpasok ko sa mansion dumiretso ako sa kwarto ko at nilapag ang mga pinamili ko. Humarap ako sa salamin at tinititgan ang aking sarili. Yung dating hanggang balikat kong wavy hair ngayon lagpas na. Halos hindi ko na napansin ang paghaba nito. Pero okay narin , hindi ko na pinabawasan pinakulayan ko nalang ng maroon at pinalagyan ko ng bangs para matakpan yung nakaband aid na sugat ko sa parteng gilid ng noo. Lumabas ako sa kwarto ko at saktong nasalubong ko si Manang. "Nandyan na po ba si Zoe?" "Yes mam nasa office niya po" Tinanguan ko siya at dumiretso sa office ni Zoe. Pagbukas ko sa office niya wala akong nadatnan na tao. Pinagloloko ata ako ni Manang ah. Pumasok ako sa loob at lumibot. Maya maya narinig kong pumihit yung doorknob at dahan dahang bumukas. Iniluwa nito ang isang cute na batang lalaki. Maputi at halata ring may lahi . Nag sstandout yung light brown niyang mga mata. "Mommy?----" Napatigil siya sa paghahanap sa Mommy niya at napatingin sakin. Nagulat ako ng bigla siya tumakbo sakin at niyakap ako ng magihigpit ! "Waaah you're so pretty !!!" Napakalikot niya. Habang niyayakap niya ako ay nagtatatalon siya at kung ano ano ang pinagsasabi. Nakakairita. Masyadong maingay. Sa wakas humiwalay na siya sakin pero hiwakan niya yung dalawang kamay ko. "You must be my new ate ! Hi Im Jacob ! Nice to meet youuuu" Masigla niyang sabi habang nagpapacute. Yeah he's totally cute pero nakakairita siya kasi ang ingay niya. Ni ngiti o pag kurap ng mata wala siyang nakita sakin kasi naka porker face lang ako the whole time. "Aww why are you sad ate? Mommy said you'll be staying with us !! Im so happy.. Finally I have a sister na. You're going to read me some stories , play with me , go to school with me" Bakit ba mas madaldal pa siya sakin? Yung totoo san ba to pinaglihi ni Zoe? Sa p**e ng baboy? Manang mana siya sa ina niya. "Jacob . diba I told you not to----" Hindi na natuloy ni Zoe yung sasabihin niya dahil nakita niyang nakayakap si Jacob sa binti ko. "Mommy Ate Jezreel is so Gorgeous!! I like her!!" Why do they keep on calling me Jezreel ?! Freaks. "So nakilala mo na pala ang Ate mo" "Ate?!" Pilit niyang kinuha si Jacob na nakayakap sa binti ko. Tapos umupo siya para magkalevel sila ni Jacob "Baby, Mommy and ate will talk muna ah. You need to go back to your room." "Ehh I want to play with Ate jezreel !!" "Yes she will play with you later , okay?" Sinong nagsabing makikipaglaro ako dyan? Besides Im not her freaking sister. So why would I? Tsaka kahit maging ate niya ako never akong makikipaglaro sa kanya no. I hate kids , they're so annoying. I'm not used to them because I'm an only child at dahil na rin busy ang mga magulang ko sa work kaya hindi kami close sa mga kamag anak namin, hindi kami nakakapunta sa mga reunion kaya hindi rin ako close sa mga pinsan kong bata.  "Okay. I love you mommy!" Hinalikan niya si Zoe sa pisngi tapos lumapit siya sakin at niyakap ako ulit. "I love you ate Jezreel" Sabi niya habang nakangiti ng pagkalapadlapad. Yeah. Whatever. Tapos tumakbo na siya palabas ng room. "Oh Im sorry about that. Sweet lang talaga siya" Mukha nga. Tsk. Umupo siya sa swivel chair niya at umupo naman ako sa chair na nasa gilid ng table niya. "So pag uusapan natin ang pagpasok mo bukas. Tomorrow is your first day of school. Isnt it exciting?!" "No." "Wala ka na bang ibang emosyon bukod diyan? Nakakaloka. Anyway, okay na lahat ng requirements mo may uniform ka narin at na sakin na ang schedule mo." Inabot niya sakin yung papel na naglalaman ng schedule ko. "Bat ko pa kailangan mag aral?!" Irita kong tanong. 2nd quarter na , at ngayon lang ako papasok ang galing naman diba. "Well doon mo malalaman ang sagot sa mga katanungan mo." "What do you mean?!" "Ganto kasi yan..anyway bagay yung maroon sayo.." "Tsk" "Hindi ba't doon ka rin naman pupunta para alamin ang totoong nangyari sa mga magulang mo. Ayoko sana pero mukhang determinado ka kaya tutulungan na lang kita. I will tell you everything that I know,  two years ago may binigay na mission ang head ng  agency na pinagtatrabahuhan ng parents mo sa kanila. Yun ay ang imbestigahan ang Shinzui Academy at alamin ang sekretong tinatago tago nila, kasi sunod sunod ang kaso ng pagpatay ang nagaganap doon pero hindi ito lumalabas sa media o pulis dahil talagang makapangyarihan ang namamahala sa na sabing paaralan. " So iyon pala ang kasong hawak ng mga magulang ko. Nanatili akong tahimik at hinayaan si Zoe na magkwento.  "Hindi matiyak kung bakit at papaano kaya ipinagkatiwala sa mga magulang mo ang kaso. Ayon sa kwento ng daddy mo makalipas ang ilang linggo na pag iimbestiga nila may mga nakuha na silang mga clue pero hindi parin matiyak ang sekretong bumabalot sa paaralan. Hanggang sa pinatay ang mommy mo , ang sabi may nakaalam daw sa pag iimbestiga na ginagawa ng mga magulang mo. Kaya pinapapatay sila." Tumindig naman ang balahibo ko sa mga nalaman ko. What the F. Ano bang sekreto ng Shinzui Academy na yan na handa silang pumatay ng tao hindi lang malaman ng iba.  "Gusto ko ring bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko kaya kita tinutulungan kahit alam kong delikado ito" "Pero paano ko malalaman?" Wala pa akong plano kung pano ko sila haharapin. "Simulan mo sa umpisa. Malaki ang maitutulong ng magiging section mo , dahil sabi nila doon daw nagaganap ang p*****n ." Hindi ko akalain na ganto kalaki ang pinasok kong gulo. Masyadong maraming impormasyon ang nalaman ko ngayon. Para akong sasabak ng gera ng walang ka armas armas. Kailangan ko magplano lalo na't bukas na ako papasok. Hinawakan ni Zoe ang dalawang kamay ko "Mag iingat ka doon. At ito ang tatandaan mo. Don't trust anyone" Tinignan ko siya , ito ang unang beses kong makitang ganito kaseryoso si Zoe. Tinanguan ko siya at ngumiti naman siya. "Anyway , ikaw na ngayon si Johanne Jezreel Yco , ang panganay kong anak. Im sorry If I need to change it para naman to sa safety mo" Kaya pala Jezreel ang tawag nila sakin , siguro ayun ang sinabi ni Zoe na pangalan ko. Kahit ayaw ko wala akong magagawa , kailangan kong itago ang identity ko para hindi nila ako agad mapatay. "Go to sleep now. Maaga pa ang pasok mo" -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD