CHAPTER 5

2975 Words
"Ano ready kana ?" Tinanguan ko naman si Zoe at isinara niya yung pinto ng kotse. Buti nalang talaga at hindi ko kasabay yung bubwit na Jacob na yun . Aba kanina balak pang sumabay sakin buti nalang at mas maaga ang pasok niya.  Makalipas ang ilang minuto, tumigil ang kotse sa tapat ng isang magarang paaralan , napakalaki at talagang mayayaman ang nag aaral. "We're here." Tinanggal ko yung seatbelt at huminga ng malalim "Susubukan kong sunduin ka mamaya. Goodluck sa first day mo", hinalikan niya yung pisngi ko, napapoker face na lang ako sa ginawa niya at bumaba na ng kotse. Pagkaalis ng kotse ay muli akong napahinga ng malalim at inayos ang damit ko. Naglakad ako papasok ng Academy , ito ang ayaw ko kapag transferee ka para kang alien kung tignan nila. Dati okay lang sakin makakuha ng atensyon dahil dancer ako., pero ngayon , na nasa teritoryo ako ng kaaway , ayokong mapansin nila. Diretso lang ang tingin ko sa dinadaanan ko. Tinignan ko yung papel na naglalaman ng schedule ko. Okay meron pa akong 5mins para maghanap ng room ko. "Unang araw mo sa klase late ka. Napaka gandang simula niyan Ms Yco" Bungad na sermon sakin ng Filipino teacher namin, nagulat naman ako na kilala niya na ako agad, pero bigla akong nakaramdam ng hiya dahil  halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin na sakin. Pano ba namang hindi ako malalate tuwing tinatanong ko yung mga estudyante kung saan ang room ng SP Section  iniiwasan nila ako. Wala akong makuhang matinong sagot sa kanila. Badtrip talaga. "Bago ka umupo ay magpakilala ka muna" "Hi. Ako si Johanne Jezreel Yco." Tapos umupo ako sa vacant sit na nasa unahan katabi ng bintana. Pinagpatuloy naman nung guro namin ang pagtuturo. "Hii ! Im Adriana Alvarez , you can call me Yhana" May kalahi pala si Zoe dito , parehas silang napaka jolly. Medyo may itsura si Adriana , makinis ang balat at palangiti. "Jezreel." "Yieee ganda mo Jez. Friends na tayo ah" "Okay." Kailangan kong kumilos ng normal na estudyante. Besides di naman porket pumayagan akong maging kaibigan niya ay pinagkakatiwalaan ko na siya. Sabi nga ni Zoe. Dont trust anyone. Ayan ang golden rule. Mabilis na lumipas ang oras at recess na ngayon. Sa wakas! Niisa sa mga tinuturo ng mga teachers wala akong nagets dahil lumilipad sa ibang bagay ang utak ko. "Jez sabay na tayo kumain!" Tinanguan ko nalang siya. "Tara na Adriana." Mahinhin na sabi nung katabi niya. "Hay ilang beses ko bang sasabihin ni yhana nalang abby. Nang aasar ka talaga eno?!" Tumawa naman ng pang asar yung abby , pero yung tawang mahinhin. Di ko alam kung pabebe o talagang ganyan siya eh. "Nga pala Jezreel , si Abby. Bestfriend ko" "Hi. Jezreel ! Abbygail Jones nga pala" Inilahad niya yung kamay niya at nakipagshake hands naman ako. Chubby siya , mala anghel ang mukha at maputi. Medyo mukha siyang nerd kasi nakasalamin siya tapos nakatali pa yung makapal niyang buhok. "Ayan friends narin kayo ah!" Hays why am I hangging out with this two freaks. "Si abby ang class vice president so kung may kailangan ka regarding dito matutulungan ka ni abby." Nakangiting sabi ni Yhana. "So tara na" Naglakad na kami palabas ng room. Katulad sa typical na school magulo ang corridor kapag recess may naghaharutan , naglalandian , nagtatawanan at kung ano ano pa, pero pansin ko lang kapag dumadaan kami gumigilid yung mga estudyante. "Talagang kinareer mo ang pagiging bestfriend ni abby no?" Mataray na sabi ng isang babae na humarang sa daan namin. Sa pagkakatanda ko kaklase rin namin siya kasi nahagip siya ng paningin ko kanina sa room. "Arianna.." Mahinanong sabi ni abby. "Bobo ka ba o sadyang tanga lang? Diba sinabi ko naman sayo na kami lang ni Abby ang magbestfriend! Lumalapit ka lang naman sa kanya para tumaas ang grades mo. USER! pwede ba layuan mo na ang bestfriend ko" Sabay hinigit niya paalis si abby. Wow. May bestfriends issue sila.  Nakita ko namang naluluha na si Adriana pero pinipigilan niya lang. Kinusot niya ang mga mata niya "Tara na." Nauna siyang maglakad papuntang canteen. Madali lang kaming nakaorder at nakahanp ng upuan kasi parang kapag nasa SP section ka may special treatment sila saamin. "Grabe pizza lang ang kakainin mo?!" Bumalik nanaman siya sa pagiging masigla niya. Para bang wala ng nangyari kanina. "Busog ako" Compare naman kasi sa inorder niya , spaghetti , burger, at pizza. Ka ganda gandang babae masiba. "Sino pala yung babae kanina?" Yung jolly niyang mukha napalitan ng lungkot. "Ah si Arianna yun. Arianna Del Valle , bestfriend ni Abby" Ayoko ng magtanong pa kasi mukhang nasaktan parin siya sa nangyari kanina. Nakakahiya kaya yun. Napaka war freak nung Arianna ah. Anyway , Pake ko ba? "Hindi ba't sinabi na naming walang haharang sa daanan namin!" Napatingin naman kami dun sa kaguluhan na nangyayari. Tinadyakan nung lalaking sumigaw yung lalaking nasa sahig. Samantala yung dalawa niyang kasama nakangiti lang habang nanonood. "Sorry na po. Sorry" Hays. Iniwas ko na agad yung tingin ko at kinain yung pizza na inorder ko. Lalamig na to. "Grabe talaga si Maxwell walang araw na hindi siya nambubully. Pero ang pogi talaga nila Clio at Jin." Kinikilig na sabi ni Yhana. Ang masasabi ko lang ay isa silang dickhead. "Hindi siya naguguidance?" "Hindi no." Napakunot yung noo ko. Wtf . Araw araw nananakit ng estudyante pero hindi naguguidance o pinapagalitan man lang ng principal?! "Ano ka ba kaklase natin yan." "So?" "SP section tayo , Special Program Section . Tayo ang pinaka sa lahat. Ibig sabihin advance lagi ang lessons natin compare sa normal na sections, special din ang treatment na pinapakita nila satin. Tayo ang pinaka matalino , pinakamagaling , at pinaka mayaman sa buong Shinzui Academy. Talagang makapangyarihan ang mga magulang ng bawat isa satin. Gaya nalang ni Maxwell , may ari sila ng maraming mamahaling hotel dito sa pilipinas at sa buong mundo." "So that gives them the authority to bully students?" "Yes. Takot lang nila mapatalsik dito no." What a jerk. Mga duwag sila , ginagamit lang nila ang kapangyarihan ng parents nila para magmukhang matapang sila. Tss. "Ikaw ano ang mga magulang mo?" "Hmm. Tao sila Jez. hahahahah joke! Ang grandpa ko alkalde sa Cebu. Samantala si daddy businessman. May factory kami ng pagawaan ng mga damit sa iba't ibang panig ng mundo. Siguro more than 1000 factories na ang natatayo ni daddy" Wow grabeee . Sila na ang mayaman , sila na may mga business. "Eh ikaw naman Jez?" "Ako?" "Oo ikaw. Siguro super yaman mo rin. Mas mayaman pa sakin. Kasi biruin mo pumayag silang magtransfer ka sa sa section namin eh 2nd quarter na. Well sabagay nabawasan naman kami ng dalawa" "What do you mean na nabawasan kayo ng dalawa?" Bigla naman siyang nataranta , para bang may mali siyang nasabi at gusto niyang bawiin. "Ah eh... yung dalawa naming kaklase umalis , ----nagdrop out. Oo nag drop hehe" Tumango tango nalang ako. Kunwari naconvince ako sa sinabi niya . Im not stupid para hindi maramdamang may mali. "So ano na yung iyo?" "Ah. My mom..." She's a detective ganyan ang gusto kong sabihin pero naalala ko na si Zoe pala ang kunwari kong nanay. "She's a doctor" Napakunot naman ng noo si yhana , para bang hindi makapaniwalang doctor lang ang mama ko. "Zoe Alexis Yco yung panga---" "Ohhh myyy si Ms. Z?! Napakasikat at magaling na doctor nun!! Bakit hindi ko ba agad narealize eh Yco pala surname mo" Kilala niya si Zoe? "Paano no nakilala si Zo-- I mean si mommy?" Hindi ako sanay na tawagin siyang mommy. "Well siya yung doctor ni Grandpa. Sikat na doctor siya no , lalo na sa ibang bansa. Tapos ang ganda ganda pa niya" Maganda ba yun? Ang childish childish nga . Tsss "Siguro super talented mo rin kaya ka talaga natanggap dito sa Shinzui" "Hindi naman" Nasa kalagitnaan pa kami ng pag-uusap namin nang magring ang bell. "Ayy bell na" Nagpout si Yhana. Inayos ko yung pinagkainan ko, at tumayo. "Ooyy Jez saglit lang antayin mo ko!" Naglakad na ako sa may field , may naglalaro mg soccer kaya gumilid ako. "ILAG!!" Pero bago pa man ako makailag naramdaman ko ng tumama yung bola sa mukha ko then everything went black. -- Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Aww sakit ng ulo ko. Pagmulat ko tatlong mukha ng lalaki ang bumungad sakin. Nakapaligid sila. Nanlaki ang mata ko at napaupo ako kaya nagkauntugan kaming apat. "Awww" "Ouch" "s**t!" Yan ang reaksyon nila , samantalang ako napalip bite nalang at napahawak sa ulo ko. The F. ! "Jace gising na siya" Binaba nung lalaking nakaupo yung binabasa niyang magazine. Bakit ganoon parang halos lahat ng mga tao dito magagada't gwapo. Tumayo yung Jace at lumapit sakin. Infairness sa apat na ito siya ang pinakanagstand out dahil sa kakaibang aura niya, hindi rin maitatanggi ang kakisigan niya katulad ng mga kasama niya. "Ang sakit ng ulo mo parang bato!" Reklamo nung lalaking light brown yung buhok. Ang aangas ng buhok nila, iba't ibang shade ng brown, may light brown , brown at dark brown. Ang naiiba lang ay si Jace dahil pure black yung kanya. "Sino ba kasing nagsabing tignan niyo ko?!" Irita kong sabi sabay inirapan sila. "Medyo may attitude ka ah" Nang aasar na sabi naman nung dark brown yung buhok. Samantalang yung kanong brown ang hair panay lang ang tawa. Baliw na sila. Tinignan ko naman ng masama si Jace na nakatayo sa gilid ko. "Are you okay? Sorry kung natamaan ka ng bola" Mahinanon niyang sabi. Duh? May magagawa pa ba yung sorry mo at saka nasaan na ba si Yhana bakit niya ako iniwan sa apat na ito. Hindi ko nga sila kilala. Tinignan ko siya ng nakapoker face sabay kinuha yung bag ko sa gilid at naglakad palabas. Paano na yung next subject ko? Baka mapagalitan na naman ako, first day na first day late ako. Habang naglalakad ako sa corridor napapansin ko namang yung iilang babae na nasa paligid ay kinikilig. Kaya napalingon ako sa likod ko , nanlaki ang mata ko nang makita ko yung apat na kasama ko sa clinic na nakasunod sa likod ko. Nang iinis ba talaga sila? Dahan dahan akong naglakad at nung natyempuhan ko ng malapit na sila hinarap ko sila. At halatang nagulat sila sa ginawa ko kaya napaatras sila. Ang sama nung tingin na pinukol ko sa kanilang apat "Anong ginagawa niyo?" "Hmm. We're walking" Pilosopong sagot nung kano.. tsss. Chill lang dapat. Malay natin hindi naman talaga nila ako sinusundan. Teka san naman galing yung idea na sinusundan nila ako?! Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa pinto ng room pero napansin kong nasa likod ko parin sila. "Sinusundan niyo ba ako?!" Nagkatinginan silang tatlo , Oo tatlo lang kasi si Jace nakatingin sakin habang nakalakagy yung dalawang kamay niya sa pocket niya. Sabay sabay na nagtawanan yung tatlo. Naglakad si Jace at tumigil sa harap ko tapos nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. As in yung sobrang lapit. Pinanatili kong naka pokerface yung reaksyon ko para kunwari hindi ako affected. "We're on the same room. Jezreel" Tapos binuksan niya yung pinto ng classroom at pumasok. Natatawa namang sumunod yung tatlong unggoy.  "Hi Classmate!" Talagang tumigil pa si boy light brown hair para lang sabihin yan sakin. Arrrrgh!!! Nakakahiyaaaaa. Pumasok na rin ako sa room at tahimik. Maingay ang buong klase , mukhang wala yung teacher namin ah . Sinubsob ko agad yung mukha ko sa desk ko. "Psst. Jez" Hindi ko pinapansin si Yhana. Akala niya di ko nakalimutan ang pag iwan niya sakin sa apat na unggoy na yun. Tsss. "Jeez!!" Kinakalabit niya ako pero di ko parin siya pinapansin. Masakit parin yung mukha ko dahil dun sa bolang tumama sakin. Hello ang sakit kaya nung bola ng soccer ang tigas.  "Jez sorry na kung iniwan kita kayla JD sabi kasi nila sila na daw bahala sayooo. Huhu pinagalitan ka ba nilaaaa. Sorry" Inangat ko yung ulo ko at umupo ng maayos. Sino sila para pagalitan ako? Sila nga itong nakatama saakin eh. "Okay ka lang ba? May sinabi ba silang masama sayo? Sa susunod talaga hindi na tayo dadaan doon sa field." Ang OA niya ah, parang anytime kaya akong kainin ng bubay ng barkada nila Jace . "Wala naman" Nakahinga siya ng maluwag. "Okay ka na ba? Nakakaloka ka ! Kinabahan ako kanina ah. Buti nalang binuhat ka ni JD agad at dinala sa clinic " "Sino si JD?" "Halaa kasama mo sila kanina tapos di mo pa sila kilala?" Umiling iling ako. Tumingin kami sa bandang likod kung nasan nakaupo ang grupo ni Jace. "Jace Dean Hayashi. Tinatawag namin siyang JD , Pero Jace naman ang tawag nung mga taong malalapit sa kanya. Pili lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng Jace" Tinignan ko naman si Jace na naka headset ngayon. Siguro half japanese siya halata naman sa name at physical appearance. Siguro kaya niya ako natamaan ng bola kanina kasi hindi ako nakita ng mga singkit niyang mata. Tsk. "Walang masyadong nakakaalam ng informations tungkol sa kanya. Basta tito niya ang may ari ng Shinzui Academy" Pake ko? Sapakin ko pa yan eh. Pero bigla kong naalala nung binigkas ni Jace yung pangalan ko. Kilala niya ako? Malamang nagpakilala kaya ako sa harap. "Yung lalaki namang light brown yung buhok , siya si Bryan Gabriel Fuertanilla , di ko pa nakikita ang parents niya simula first year kami. Lagi daw kasing busy . Nag mamay ari sila ng mga Hospital. Siya ang pinaka friendly sa kanilang apat. Close niya ang karamihan na nandito pero mapang asar yan sobra. Pero sweet siya" Oo halata nga. Kung hindi ko lang nakalma ang sarili ko kanina malamang sa malamang nasapak ko na rin yan. "next. Yung brown naman ang buhok yan si Adam Smith , sabi nila manwhore daw siya . Eh anong magagawa natin liberated sa ibang bansa. May ari naman sila ng mga sikat na gym. " Kaya pala ang laki ng katawan. "Lastly si Ahnron Montereal my labs " Nang banggitin niya yung pangalan ni Mr. Dark Brown hair este Ahnron pala parang naghugis puso yung mga mata niya. "Siya ang pinaka mabait , gentleman at cute sa kanilang apat. Marami silang condo as in . Lahat sila Soccer players" "Kaklase mo sila simula first year?" "Yep. Lahat kami dito magkakaklase simula first year , hindi kami nadadagdagan unless kaya nilang tapatan ang standards para maging SP section , hindi kami nadadagdagan pero nababawasan kami. Kaya nga sabi ko ang galing kasi nakapagtransfer ka dito." Kung titignan mo sila para lang silang normal na estudyante , bukod sa sobrang yaman nila. Pero grabe ang tingin ng ibang estudyante sa SP section para bang sinasanto na nila kami. "Hi." Napatingin kami ni Yhana dun sa babaeng nagsalita na nakangiti ng malapad. "Im Clea Paz" "Jezreel." Kinuha niya yung vacant seat na nasa tabi ni Yhana which is yung inuupuan ni Abby kanina tapos pinwesto niya sa tapat namin at umupo siya. "Nice meeting you Jezreel! Pwede bang makipagfriends?!" Masaya niyang sabi. Para siyang si Yhana. Baby Face si Clea at medyo brown ang mata. Siguro may lahi din to. "Yeah.sure. May lahi kang spanish?" "OMG. Youre so great how did you know?!" Nagkibit balikat lang ako. Wala lang hinulaan ko lang. "How's your first day ? Wala bang nanggugulo sayo? Hindi ka ba pinagtripan ng mga kupal na yun?" Sabay turo dun sa grupo na nasa kabilang dulo ng grupo nila Jace. "Well actually grupo nila JD ang naencounter niya. " "Really? Anong nangyari?" "Natamaan siya nung bola habang naglalaro sila pero okay na si Jez" "Yeah. Im fine!" "Mabuti naman kapag pinagtripan ka nung kabilang grupo" She's referring dun sa isang grupo. Natatandaan ko sila , sila yung nambully kanina sa canteen . Pero naging apat narin sila , nadagdagan sila ng isang intsik parang hawig ng onti ni Jace . "Akong bahala sayo!" Confident niyang sabi. Actually di ko magets yung pinagsasabi niya . Panay lang ang tango ko "Kapatid ni Clea si Clio" "Yeah. That bastard is my brother. Uunahan na kita, mga boss yan dito sa school. Mga basketball players sila at kinatatakutan dahil anak ng may ari ang team captain nila na kaibigan din nila" Kung may soccer players , yung kabila naman basketball players. Huhulaan ko yung singkit na kasama nila ngayon yung anak ng may ari ng school na to  na pinsan ni Jace. "Siya si Sceven Rasen Hayashi. Anak ng may ari nitong school at pinsan s***h mortal enemy ni JD" Hah. I told youuu. Pano ko nalaman? Wala lang sa ayos at tindig niya kasi mukha siyang anak ng may ari ng school  Tinignan ko ulit yung Sceven nagulat ako nang makitang nakatitig siya sakin. Kaya umiwas din agad ako ng tingin. Kinilabutan ako dun ah. "Yun naman yung kapatid ko" Tinuro ni Clea yung lalaking seryosong naglalaro ng rubiks cube "Kabaliktaran sila ng grupo ni JD. Masusungit sila at nakakatakot . Ang pinagkaparehas lang nila malakas silang mantrip at mang asar" "Grabe ka naman sis sa grupo ng kapatid ko " Nagtawanan silang dalawa. "Mababait naman sila no! Tsaka gwapo pa. Yan si Gynvilledrake  Sebastian. Kahit kaibigan siya ni Kuya wala parin akong masyadong alam tungkol sa kanya. Kilala siya bilang Mr. Smiley. Kasi sa kanilang apat siya lang yung madalas ngumiti." " oo pero nakakatakot siya magalit" Kontra ni yhana. "Yung isa naman si John Maxwell Villacorta , max ang tawag namin sa kanya. Kakambal niya si Jana Maxene member ng sossy girls" Tinuro naman niya yung babaeng nagmamake up ngayon. Si Max siya yung namahiya kanina dun sa lalaki. Tssk. "Kung gusto mo ng tahimik na buhay , wag na wag kang makikipagkaibigan o lalapit sa kanila" Tinutukoy niya yung grupo nung Jana. Wala naman akong balak no. Halatang maarte at matataray sila. Typical teenagers. "Cleaa" Sita ni Yhana "What? Sinasabihan ko lang siya. Masyado ka kasing naniniwalang lahat ng tao ay mabait. Hindi sila tao , demonyita sila kaya di sila mabait okay?" "Wag mong pansinin ang sinabi ni Clea. Sila ang Sossy girls mga volleyball players din sila. Ang leader nila ay si Therese Villaflores , may ari sila ng airports. Pinaka b***h sa lahat ng b***h. So yun kilala mo na si Maxene na kambal ni Max. Yung babaeng nagcecellphone , siya si Tricia Mae Gomez ex girlfriend ni Sceven." Biruin mo nagkaroon pala ng girlfriend ang nakakatakot na monster na yun. Inferness ang ganda niya as in parang perfect at hindi naman siya mahilig sa pink ah. Halos lahat ng gamit niya pink. "Lastly si Alexandria Maiden. Dati siyang dancer. Parang bestfriend na siya ni Therese." "Pero dont worry girl mas magaganda tayo sa kanila !" Naggiggle silang dalawa samantala akong katulad ng dati blangko lang ang emosyon ko.  Biglang pumasok yung next teacher namin kaya bumalik si clea sa upuan niya. ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD