3 pa oras bago magpasukan pero umalis na ako samin, hindi rin naman kasi ako nakatulog kakaisip. Grabe na yung mga nangyayari dati isang normal na teenager lang ako na nangangarap maging sikat na dancer, maliwanag ang buhay ko dahil sa pamilya ko ngayon nasa mundo na ako ng kadiliman kung saan wala na akong takas. Pagpasok ko ng room ay maingay at magulo. Ano bang bago diba! "Jezreel !" Napatingin ako sa tumawag sakin. Oh si Mr. Hambog! Tinignan ko lang siya ng poker face at umupo sa upuan ko. "Totoo bang patay na si Arianna?" medyo nabasag yung boses niya habang tinatanong ako. "Oo" Napatulala siya at napaupo sa tabi ko. "P-pano?" "Sinaksak siya sa puso." Napatingin naman kami sa babaeng nakayuko at naglapag ng bag sa tabi ng inuupuan ni Stephen , diba yan ang pangalan ng hamb

