Minulat ko ang mga mata ko at nakiramdam muna. "Buti naman at gising kana Jez! kanina ka pa natutulog pinag-alala mo ko" Nag aalalang sabi ni Abby. Tatayo sana ako kaso pinigilan niya ako. "Wag ka muna kumilos , baka masakit pa." "I can manage" Dahan dahan akong umupo , inalalayan naman ako ni Abby at doon ko naramdaman ang sakit. Napapikit ako sa sakit ng katawan ko. Para akong binugbog ng 10 tao. "Halaa. Masakit ba Jez? Saan? Nako..May painkillers dito . Oo tama painkillers. wait kukunin ko" Natatarantang hinanap ni Abby yung painkillers. "No, Im fine." Medyo kumalma naman siya . Hindi dapat ako dumepende sa painkillers para mawala yung sakit sa halip dapat sanayin ko na ang katawan ko sa sakit. Malamang mas malala pa ang mararanasan ko sa susunod. "Anong gusto mo ? Naguguto

