Pagpasok ko ng classroom , sobrang baho , maingay at magulo. Nakita ko si Aly na nasa harapan at pinagbababato nila ng itlog. Mukhang hindi naman niya birthday kasi umiiyak na siya. "Mamamatay tao!" "Bagay lang sayo yan. Kasing baho ng ugalit mo!" What are they talking about? Dumaan ako sa gilid para hindi matamaan. Tuwang tuwa naman sa pambabato ang sossy girls. Wala pa ang grupo nila Sceven at Jace. Ang nandito palang ay yung Clio na kasalukuyang nakaheadphones at nagtatablet. At saka pala si Max na kasalukuyang tuwang tuwa rin sa nangyayari katabi ang mga Sossy Girls. "Yhana bakit nila----" hindi na ako pimatapos ni Yhana "Pinaghihinalaan nilang si Aly ang pumatay kay rain." Biglang pumasok si Drexel halatang nagulat siya. "Aly?!" Tumakbo siya sa gitna at hinarangan si Aly. Aww

