Chapter 4

1916 Words
"Buti nalang pinapasok tayo. Sabi ko naman sayo, e. Iwan mo si Lucas." sermon sa akin ni Missy. Nandito kasi kami sa mall. Ayaw ko namang iwan si Lucas nang mag-isa. Wala kasi si nanay Helen, perongayon naman ang uwi niya. Siya kasi yung tatayong guardian ko bukas kasi hindi makaka attend si papa. Kaya isinama ko nalang si Lucas. Buti nalang talaga pinayagan kami nung guard. Sabi nila okay lang daw yung aso, pag maliit. Si Lucas kasi malaki kaya nag alangan sila. "Nakapasok na tayo, okay na." Sana nga okay na. Lumuhod ako at humarap kay Lucas. "Lucas, you need to behave. Bawal malikot dito." utos ko dito. Tumahol naman ito. Okay lang naman si Lucas kasama sa labas. Hindi siya nangangagat. Minsan lang din siyang tumahol sa mga tao kaya nga nagtaka ako kung bakit niya tinatahulan yung lalaki nung nakaraan. "Miss promise hindi po yan nangangagat. Mabait po yan." narinig kong paliwanag ni Missy. Nasa harap kasi kami ng isang boutique dito sa loob ng mall. Lumapit si Lucas sa kanila at umupo sa harapan. Winawagwag niya ang buntot na at nakalabas pa ang dila. Parang pinapakilala niya ang sarili niya. Lumapit naman yung isang saleslady at hinawakan si Lucas. Si Lucas naman panay pabibo dun sa babae. Napairap nalang ako. "Sige po maam. Pero dito lang po siya sa tabi, bawal po siyang gumala sa loob." nakangiting saad ng saleslady habang nilalaro si Lucas. "Kami nalang po muna magbabantay sa aso niyo." "Nako boyfriend niya si Lucas, hindi aso." Agad kong hinampas sa braso si Missy. Tumawa lang siya sa reaksyon ko samantalang ako napasimangot ang mukha. "Pasensya na po. Siraulo po talaga tong kaibigan ko." saad ko sa mga saleslady at hinila na si Missy sa mga dress. "OMG! Nice, tingan mo! Bagay sayo 'to." patakbo niyang kinuha ang isang dress. Pinakita siya sa akin yun. It's a bodycon dress, kulay white yun at spaghetti traps. "Graduation ang pupuntahan natin hindi party. Saka hindi ako bibili ng dress, gagamitin ko yung binili sa akin ni mommy." kinuha ko sa kanya yung dress at ibinalik sa lalagyan nito. "Seryoso ka ba? Antagal na nun, ang liit na kaya ng mga dress na bigay ng mommy mo." angal niya. Pinagpatuloy namin ang pagpili ng dress ng niya. "May magkakasa siya pa naman ata. Hindi naman ako tumaas, eh." sabay kaming napatawa dahil dun. "Sira, nadagdagan naman yung height natin ah." Magkasing tangkad lang kasi kami kaya ganon. "Ah basta kailangan mo ng dress bukas. Oh ito, bagay din sayo 'to." kinuha niya ang dress at itinapat sa akin. Bodycon dress pa rin yun pero may sleeves na. Formal siyang tignan. "Diba may binigay yung papa mo for graduation allowance mo?" tanong niya. Tumango naman ako pero wala akong balak na gimitin yun. "Ayun ipambayad mo. Dali na isukat mo na!" itinulak niya ako papasok sa fitting room. Sinuot ko nalang yun para walang gulo. Above the knee yung dress pero hindi naman ganun kaikli, ilang inch lang yung layo niya sa tuhod ko. Sakto lang din ang neckline , hindi mababa kaya hindi masyadong nakikita cleavage ko, pero pag yuyuko ako, mapapansin yun. Lumabas na ako para ipakita sa kanya yun. "Bagay nga! Sabi na sayo, e. Akin na yan babayaran na natin 'yan." saad niya. May hawak din siyang isang dress para sa kanya siguro. Bumili na din kami ng heels. 2 inches lang yung pinili ko. Nakaramdam kami ng gutom kaya napagpasyahan naming kumain muna. "Kamusta nga pala sa apartment? May nagpapadala pa rin ba?" tanong niya. Natigilan naman ako dahil dun. Nakatingin lang ako sa kanya, 'di ko alam ang sasabiin ko. Ayoko siyang madamay. Nang hindi ako makasagot ay muli siya nagsalita. "Nagpapadali pa rin? Anong pinadala?" tuloy-tuloy na tano niya. Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. "Wala nang nagpapadala. Napagod na siguro." kibit balikat na sagot ko. Alam kong hindi siya naniniwala dun pero hindi naman siya nagsalita pa. Tinapos na namin ang pagkain namin bago niya ako hinatid sa apartment. "Salamat. Kita nalang tayo bukas." paalam ko kay Missy. Tumahol naman si Lucas nang makalabas siya sa kotse. Papasok na sana kami ng tinawag ako ni Missy. "Nice, sandali!" sigaw niya at tumakbo patungo sa amin. Akala ko may sasabiin siya sa akin pero lumuhod siya para magpantay sila ni Lucas. May isinuot siya sa leeg nito. "Lucas alagaan mo ang girlfriend mo ah. Wag mo siyang iiwan." bilin niya dito bago pinanggigigilan ang mukha nito. Natawa naman ako sa sinabi niya. May binulong pa siya rito kaya hindi ko narinig. "Sira ka talaga, mommy ako ni Lucas." pabiro ko siyang binatukan habang tumawa. Tumayo naman siya nameywang sa harap ko. "Excuse me. Yung mommy mo yung mommy niya." saad niya. "O, edi magkapatid kami." hindi ako nagpatalo dito. "Hindi rin kasi adopted lang siya ng mommy mo." "Ewan ko sa'yo. Ang dami mong alam." napailing na lang ako dahil sa kakulitan niya. Parang hindi nauubusan ng dahilan ang babaeng 'to. "Dapat kasi nag bo-boyfriend ka na. Pag ikaw hindi parin nagka-boyfriend, magwi-wish talaga ako na maging tao si Lucas." pabiro pa siyang pumikit at pinag-dikit ang mga palad niya na tila nagdadasal. "Sira! Napaka-imposible nun." "Hoy! Wag ka! Naniniwala ako sa reincarnation. Marami akong napanuod sa YouTube about reincarnation." pagmamayabang niya. Umiling nalang ako at hindi na sumagot. Kung ano-ano kasi pinapanood ng babaeng 'to kaya kung ano-ano na lang sinasabi. Nagpaalam na kami sa kanya bago nagtungo sa hagdan. Paakyat na sana ako ng tumigil si Lucas at pilit hinihila ang leash niya. "Lucas, tara na." bahagya ko hinila ang tali niya nagmamatigas pa rin siya. Tumahol pa ito. Bumuntong hininga ako bago siya kinarga. "Ang laki-laki mo na pero nagpapakarga ka pa rin. Teka wag kang magulo." reklamo ko. Panay kasi ang galaw niya at pilit niya bumaba sa pakakakarga. Nang makarating kami sa itaas ay saka ko lang siya binaba. May mga kalmot pa ako dahil sa kakulitan niya. "Ano bang drama mo, Lucas?" naglakad na ako patungo sa apartment namin. Kinapa ko yung susi sa bag ko. Pipihitin ko na sana sa doorknob ng biglang tumalon si Lucas saharap ko. Nahulog tuloy yung susi. "Lucas naman. Ang kulit mo. Di na tayo makakapasok nito." frustrated na saad ko. Pinilit kong hanapin yung susi pero hindi ko na makita. Sumuko din ako sa paghahanap. Nag abang nalang ako sa pinto ni nanay Helen. Sa kanya nalang kami matutulog. Tinawagan ko na yung may ari ng apartment para humingi ng spare key. Habang naghihintay kami ay nakatayo lang si Lucas sa tabi ko. Paminsan-minsan din siyang tumatahol. Mas lumakas yung tahol niya ng lumabas yung tao sa dulo ng apartment. "Miss, may nadidisturbo na dito." reklamo niya. Humingi naman agad ako ng pasensya. Tumahol lang nang tumahol si Lucas. Parang gusto niyang ambahan yung lalaki. Di ko naman makita yung hitsura ng lalaki kasi nakatalikod siya sa bintana. At dahil may liwanag pa sa labas ay tanging anino niya lang nikikita ko. Tumayo siya doon ng mga ilang segundo bago pumasok. Nang makarating ni nanay Helen ay tumayo na kami at pumasok sa apartment niya. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Tumawa lang siya dahil sa kakulitan ni Lucas. "Lucas, matutulog na ako." paalam ko sa kanya. Nakatayo lang kasi siya tapat ng pinto na parang may inaabangan. Katatapos ko lang maligo. Pinahiram sa akin ni nanay yung damit ng apo niya. Sakto lang sa akin kaya wala akong naging problema. Lumapit ako sa kanya ng hindi ito gumalaw sa pwesto niya. "Lucas, tara na." Hinaplos ko ang balahibo nito. Saglit siyang tumingin sa akin at muling tinignan ang pinto. Bumuntong hininga ako at nagtungo na sa kwarto. Susunod din naman kasi yun. Maya-maya pa ay naramdaman ko na siya sa tabi ko. Kinabukasan ay maaga kaming gumising para maghanda. 1pm magsisimula ang program kaya dapat before 12 ay naroon na kami. 9 na nang matapos kaming kumain. Nakuha ko na rin ang spare key ng apartment ko. "Nay kukunin ko lang yung gamit ko sa apartment." paalam ko dito. Lalabas na sana ako ng makita kong nakasunod si Lucas sa akin. "Lucas, stay here. Babalik agad ako." Isinara ko na ang pinto at dumeretso na sa loob ng apartment. Kinuha ko ang gamit ko sa loob ng kwarto, nagtaka naman ako ng napansin kong hindi ito naka-lock. Nakalimutan ko bang i-lock? Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sa loob. Kinuha ko yung toga ko na nakahanger sa closet ko. Naisipan kong mag ayos muna. Konting make up lang para naman presentable akong papaso mamaya. "Binuksan ko ang drawer kung saan nakalagay ang make up ko. Napansin ko agad ang isang sulat doon at ang keychain ni mama. Natigilan ako at gulat na napatitig doon. Hindi ko magalaw ang katawan ko. Sa kabila nang pagtataka at takot ay kinuha ko ang papel. Happy Graduation Nasa ganoong posisyon ako ng maramdaman kong may tinulak na mabigat na bagay sa likod ko. Napako ako sa kinalalagyan ko. Hindi ko kayang lumingon sa likod. Mas nadagdagan ang takot na naramdaman ko ng marinig ko ang mga yapak nito na papalapit sa akin. Namumuo na ang mga luha sa mata ko, pinipigilan ko na rin ang hininga ko. Feeling ko anytime ay mawawalan ako ng malay. Nakaramdam ako ng presensya sa likod ko. Hindi ko pa rin ito nilingon. Tahimik akong umiiyak sa pwesto ko. "Si-sino ka?" sinubukan kong pakalmahin ang boses ko pero hindi ko parin mapigilang mautal dulot na rin ng pag iyak ko. Lumapit ito sa akin. "Shh. Relax." bulong nito sa tenga ko. Napaigtad ako ng bigla niyang hinawakan ang mga braso ko para itayo. "Anong ka-kailangan m-mo?" nauutal kong saad. I feel so hopeless right now. Naramdaman ko ang matulis na bagay na nakatapat sa bewang ko. Lilingunin ko sana yun ng bigla niya itong inilipat sa leeg ko. "Magkamukhang-magkamukha kayo ni Vivien." bulong niya. Napatigil ako nang banggitin niya ang pangalan ni mama. Yung takot ko ay biglang napalitan ng galit. "Bakit mo kilala ang mommy ko? Sino ka ba?" pasigaw na tanong ko. Tumawa lang siya kaya naglakas loob akong humarap sa kanya. Nagulat ako ng mapagtanto ko ang taong nasa harap ko. Siya yung lalaki sa convenience store. "Hindi mo kilala ang sarili mong ama?" nakangising tanong niya. Nagtakaka akong napatingin sa kanya. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "What did you say?" I ask. Narinig ko naman ang sinabi niya pero hindi pa rin ako makapaniwala. He's lying. "Your mom was pregnant when that bastard took her away from me." bakas ang galit boses nito. I was still looking at him, confusion is all over my face. "You're lying!" sigaw ko dito. Malibis naman siyang lumapit sa akin at sinampal ako. Dahil sa lakas ng pagkakasampal niya ay bumagsak ako sa sahig. Feeling ko parang matatanggal yung panga ko sa lakas nang sampal niya. "Pinakaayaw ko sa lahat ay ang maingay." pigil sigaw niya. Bigla niya akong hinila patayo at kinaladkad patungo sa kung saan. Di ko maaninag ang nasa paligid ko dahil sa mga buhok na humaharang sa mukha ko. "Bitawan mo ko." sigaw ko at nagpumiglas ako sa hawak niya. Agad niyang hinila ang buhok dahilan para mapatingala ako. "I said shut up!" sigaw niya. Sumigaw ulit ako pero agad niya akong sinikmuraan. Napaubo ako sa sakit. How can he do this to a woman. "Just sleep tight honey." That was the last thing I've heard before I close my eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD