Chapter 3

1588 Words
I am on my way home from work. Walang na akong problema sa school, I already completed my requirements. Wala si Lucas sa loob ng apartment nang makarating ako. Ibinaba ko agad ang gamit ko sa maliit na mesa sa sala at nagtungo sa apartment ni nanay Helen. Agad ko namang narinig ang malakas na tahol nito sabay ng pagtawa ni nanay Helen. Bumukas ang pinto sabay nang pagtakbo ni Lucas patungo sa akin. "Nako, alam na alam talaga niya kung sinong nasa pinto," natatawang saad ni nanay. Nagmano naman ako sa kaniya. "Salamat ulit sa pag-aalaga kay Lucas nay Helen," pasasalamat ko sa kaniya. "Walang anuman hija," saad niya. Inalok ko siyang maghapunan. Kaya bumalik siya sa loob at sumama naman si Lucas, may kukunin `ata. Habang hinihintay ay nakaramdam ako nang kung ano kaya agad akong napalingon sa may hagdan. Nasa dulo `yon ng hallway. Para kasing may nakatingin sa akin. Napabalik agad ang atensyon ko kay Lucas na nagtatakbong pumasok sa apartment namin. "Pasok na tayo?" saad ni nanay Helen at pumasok na sa loob ng apartment ko. Muli akong tumingin sa hagdan bago tuluyang pumasok sa loob. Mabilis na lumipas ang ilang araw kaya mas naging busy ako kasi malapit na ang graduation namin. 2 weeks na lang at ga-graduate na kami. Halos araw-araw akong nakakatanggap ng rosas pero wala nang sulat ang mga ito. Kakauwi ko lang galing sa school nang maabutan ko si Nanay Helen sa loob ng apartment ko. "Nay," tawag ko sa kaniya at nagmano. Nagluluto kasi siya ng hapunan. `Di na bago sa akin ang ganito kasi madalas niya talagang gawin 'to. Inaaya ko na nga siyang dito nalang tumira kasi mag-isa lang siya sa apartment niya. Pero ayon sa kaniya, `yong apartment na lang daw yung ala-ala niya sa anak niya kaya hindi niya iniiwan. "Oh Janice, pasensya na at nakialam na naman ako rito," natatawang saad niya. "Si Lucas kasi panay ang tahol at gustong lumabas `yon pala gusto niyang pumasok dito. Akala niya siguro nakauwi ka na. Ayaw niya namang bumalik sa apartment ko kaya rito na kami tumambay," paliwanag nito. "Nako okay lang po nay. Makulit talaga `yang aso na 'yan." natatawang saad ko habang nakatingin kay Lucas na nakamasid sa labas ng bintana. Lumapit ako sa kaniya at sumilip din sa bintana. "Lucas anong meron?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman ito sumagot at lumapit lang sa akin. Nako naglalambing na naman. Nang matapos nang magluto si nanay ay sabay-sabay na kaming kumain. Naghuhugas ako ng pinggan, bumalik na rin si nay Helen sa apartment niya. Kanina pa tahol ng tahol si Lucas sa tabi ko. Nag-aalala ako baka kasi may ma-istorbo siyang kapitbahay namin. Iilan lang naman ang nakatira rito sa apartment. Sa pagkakaalam ko 3 kaming nakatira dito sa second floor. Ako, si nanay Helen at `yong isang bagong lipat. `Di ko naman kilala `yon. Saka malayo rin `yong apartment niya sa amin. "Lucas wait. Naghuhugas pa `ko." Minadali ko na ang paghuhugas ko at lumapit sa kaniya. Tumakbo siya patungo sa kwarto ko at muling lumingon sa akin. "Bakit? Anong meron?" Lumapit ako sa kaniya. Tumahol ulit siya at kinalmot ang pinto. "Gusto mong pumasok?" tanong ko. Tumahol naman siya kaya binuksan ko ang pinto para makapasok siya. Agad siyang umakyat sa kama at may inaamoy na kung ano. Agad kong napansin ang bulaklak doon at papel. Gulat akong napatingin dito. Paano siya nakapasok sa kwarto ko? Naka-lock naman ito ah. Binuksan ko ang papel. Surprise! Literal na surprise ang ginawa niya. Napapaisip ako kung paano niya napasok ang apartment ko. Agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo ng pinto. Agad kong ni-lock iyon. Kailangan ko sigurong bumili ng bagong lock. Nagulat ako nang biglang tumahol si Lucas. Nakatayo lang siya habang nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kaniya at lumuhod sa harap niya. "Lucas, don't leave the house ha," utos ko na sinagot niya naman ng tahol. Lumipas ang isang Linggo, wala na akong natatanggap na bulaklak. Pinagmasdan ko ang labindalawang rosas, 3 papel at ang keychain ni mama. Pinag-iisapan ko kasi kung hihingi ako ng tulong sa mga pulis. Pero wala naman akong sapat na ebidensya. Kung puro rosas lang ang meron ako baka isipin nilang sa manliligaw ko nanggaling ang mga `yon. Itinago ko ulit ang mga 'yon at naisipang lumabas. Isinama ko si Lucas sa akin. Tinawagan ko na rin si Missy para magkita kami. "Hi Lucas! My gosh na-miss kita!" nagagalak na sigaw ni Missy ng makita kami. Lucas wagged his tail in excitement. "Wala pa rin bang boyfriend mommy mo?" biglang tanong niya sa aso. Agad ko naman siyang hinampas sa braso. Tumawa lang naman siya at naglakad na kami. Kinuwento ko sa kaniya ang lahat tungkol doon sa mga bulaklak. "Ang creepy naman!" komento niya. "Dapat ka nang tumawag ng pulis. Baka kung ano pang mangyari sa’yo," payo niya. Sumang-ayon naman ako at dahil wala naman kaming ibang lakad ay sabay na kaming pumunta sa malapit na police station. "Magandang araw po mga miss." bati sa amin ng isang police. "Ano pong sadya nila?" "Magpa-file po ako kami ng report, sir. Itong kaibigan ko kasi laging nakakatanggap ng rosas at mga letter," panimula ni Missy. Siya na nagsalita para sa akin. "Rosas? Baka galing sa manliligaw niya ma'am," saad ng isang pulis. Sabi na eh, hindi sila maniniwala. Umuwi kaming walang napala. Sabi nila bibisita lang daw sila. "Hindi ko talaga gets kung bakit pa sila nagtatrabaho kung ganito lang gagawin nila. Kaasar!" Napatigil na lang kami sa harap ng apartment namin ng bilang tumahol si Lucas. "What's wrong Lucas?" tanong ko. Napatingin ako sa taong dumaan sa harap namin at nagtungo sa pinakadulong kwarto. Tumatahol pa rin si Lucas kaya pinapasok ko na siya sa loob. "May bagong nakatira dito?" tanong sa akin ni Missy. Nagkibit-balikat lang ako habang tinitignan din ang tinitingnan niya. "Siguro nga siya yung bago," wala sa sariling saad ko. Nagpaalam na kami sa isa't-isa. "Basta tawagan mo ako ha kapag may nangyare." nag-aalalang paalala niya. Tumango naman ako at pumasok na sa loob. Hindi ko nakita sa Lucas ng pumasok ako kaya dumeretso na ako ng kitchen para maghanda ng makakain namin. Baka nasa kwarto lang siya. Nagulat ako nang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko 'yon at sinagot. Hindi ko na tiningnan kung sino ang caller kasi si Missy lang naman madalas tumatawag sa akin. "Hey-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mapansin kong iba ang boses ng kausap ko. “Janice.” isang mababang boses ang narinig ko mula sa kabilang linya. Agad akong kinilabutan dito. Hindi ko alam pero natakot ako bigla. Saglit kong sinilip ang caller. Napakunot ang noo ko nang lumitaw roon ang pangalan ni Missy. "Sino ka?" tanong ko. Paano napunta sa kaniya ang cellphone ni Missy? "Anong ginawa mo sa kaibigan ko?" “Relax Janice. I didn't do anything to your friend," kalmadong saad niya. "Anong kailangan mo at sino ka ba?" tanong ko rito. “I'm no one,” seryosong saad nito. “I'm warning you. If you ever contacted the police again or anyone. You'll not gonna like what will happen.” `Yon lang ang sinabi niya bago naputol ang tawag. Nanginginig akong napahawak sa dining table. Agad kong tinawag si Lucas at nagtungo sa apartment ni nanay Helen. Nagpasya akong doon muna kami matutulog. I don't feel safe anymore. Baka bigla nalang may pumasok sa apartment namin at saktan kami ni Lucas. Sinubukan ko ulit tawagan ang number ni Missy ngunit hindi ito sumasagot. I worried for her. Anong nangyari sa kanya? I will not forgive myself kung may masamang nangyari sa kaniya. Nasa kama na ako ngayon with Lucas beside me. Hindi pa rin ako makatulog. Nagulat ako ng mag-ring ang phone ko. It was Missy. Naghesitate pa ako na sagutin `yon baka kasi ibang tao ang sumagot. Sinagot ko ito at dahan-dahang inilapit sa tenga ko. “Hello? May tao ba?” rinig kong tanong nito sa kabilang linya. Nagpakalawa ako ng malalim, `di ko namalayang pinipigilan ko pala`yong hininga ko. "Missy are you okay? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. “Huh? Oo naman. Ikaw dapat tinatanong ko. `Di ko nasagot mga tawag mo kasi nakatulog ako.” Narinig ko pa ang paghikab niya mula sa kabilang linya. “May problema ba?” tanong niya. Sasabihin ko na sana sa kaniya ng maalala ko ang usapan namin ng lalaki kanina. Ayaw ko siyang madamay sa gulo. "Wala naman. Nag alala lang ako kasi hindi mo sinasagot `yong tawag." pagrarason ko. “Sorry. Inaantok talaga ako ewan ko ba. Kape `yong ininom ko pero inaantok ako,” saad niya. Nagpaalam na kami sa isa't-isa. Ibinaba ko ang cellphone ko at tumingin sa salamin. Natatakot ako na madamay ang mga taong malapit sa akin. Si Missy, si nanay Helen at si Lucas. Lucas might not be a person pero sobrang mahalaga siya sa akin. Naramdaman ko ang paggalaw ni Lucas sa tabi ko at isiniksik ang sarili sa akin. "Let's leave this place Lucas?" saad ko sa kaniya. Hindi naman siya sumasagot at mas siniksik lang ang sarili sa akin. Naalala ko `yong inalok ni papa noon. Sabi niya sa London daw ako mag aral at tumira. Pero hindi ko maiwan si Lucas. Ayaw ko siyang iwan. Hindi ko kaya. "After graduation Lucas. Lilipat tayo ng bahay para hindi madamay si nanay Helen," bulong ko sa kaniya at niyakap siya. Ipinikit ko na rin ang mga mata at pinilit ang sarili na matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD