Ellie’s POV Nakarating kami ni Keeion, kasama sina Tedson at Arya sa venue na hawak-hawak ko pa rin ang kaniyang kamay. Nasa tiyan ni Keeion ang kaniyang palad at ako naman, isinuksok ang aking kaliwang kamay sa bandang siko nito. Ganoon din ang hitsura nila Tedson at Arya nang makarating kami sa open field na nasa harap ng mansiyon. Pero ngayon, may malaking tent na ito kung saan kami nakasilong, kasama na rin ang ibang tao na nakakasalumuha namin ngayon. Nang mapansin ang aming presensiya, sunod-sunod na bumati ang mga taga-silbi at iba pang trabahador na nakakasalubong namin. Labas-pasok kasi sila sa mansiyon dahil kasalukuyan nilang inilalabas ang ibang mga putahe na bagong luto. Katulong ng mga tauhan sa hacienda ang mga staff at organizer. “Magandang Umaga, Senyorito Keeion. Magan

