bc

The Billionaire's Hidden Secret

book_age16+
1.1K
FOLLOW
3.8K
READ
billionaire
others
love after marriage
second chance
bxg
office/work place
small town
secrets
gorgeous
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Ang pagkawala ng memorya ni Ellie na dulot ng car accident ang naging daan upang mapalapit siya lalo kay Keeion Logan Ruiz, ang nag-iisang Anak ng isa sa pinakamaimpluwensiya at pinakamayan sa lipunan.

Dahil walang maalala ni isang bagay tungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pumayag siyang manatili muna sa puder ni Keeion. Bilang kabayaran sa pagkupkop sa kaniya ng lalaki, hindi siya nagdalawang-isip na pumayag noong alukin siyang maging personal assistant nito. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagtanggap niya sa alok ang siyang maglalagay ng kaniyang puso sa alanganin. Pilit man niyang pigilan ang lumalalim niyang pagtingin sa bilyonaryong amo, hindi pa rin niya magawa dahil mismong si Keeion na ang lumalapit at nagbibigay motibo rito.

Hinayaan niya ang sarili na mahulog nang tuluyan sa lalaki.

Her billionaire’s boss’ passionate kiss will always be her weakness. Not until Ellie discovered the hidden secret of Keeion that pushes her to cut the connection between them.

Why would she choose to continue what the two of them started if...

Keeion Logan Ruiz is already married?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ellie's POV "Manang Cora, ako na riyan. Bumaba na kayo nang makapagtanghalian na kayo. Wala na rin naman akong gagawin kaya ako na po ang bahalang magbantay ngayon." "Tatapusin ko lamang itong ginagawa ko, iha. Dapat ay nakaayos ang mga gamot na ito nang hindi magalit si Senyorito. Alam mo namang napaka-organisado ng batang 'yon. Ayaw na ayaw niyang nakakalat lamang sa lamesa ang mga ito lalo pa’t gamot ang mga ito. Mas maiging maayos na ang mga ito bago pa makauwi ang Senyorito at siya pa ang makapuna ng kalat." Nagising ako dahil sa pag-uusap ng dalawang tao na hindi pamilyar sa akin. Base sa boses nila, nahulaan kong pareho silang babae ngunit wala akong ideya kung sino ang mga ito lalo pa't hindi ko pa iminumulat ang aking mga mata. Nakakaramdam ako ng pagkirot ng ulo ko kaya naman mas pinili kong huwag munang piliting imulat ang aking mata at baka lalo pang lumala ang pagkirot na nararamdaman ko. Nanatili lamang akong nakapikit habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. Wala rin naman akong choice kung ‘di makinig lamang at makiramdam sa paligid. Narinig ko ang paghila ng isang upuan. "Halos isang linggo na rin siyang walang malay. Simula nang iniuwi siya rito, mukhang hindi umi-improve ang kondisyon niya. Sa tingin mo, Manang, kailan siya magigising?" Wala akong kaalam-alam sa pinag-uusapan nila pero nagbigay ito ng interes sa akin para makinig pa nang palihim. Hindi sumagi sa isip ko na ako ang pinag-uusapan nila. "Aba, malay ko! Sa akin ka pa nagtanong. Hindi naman ako taga-hula para magkaroon ako ng prediks'yon sa isang tao. Kung si Doctor Guttierez nga ay hindi masabi ang eksaktong araw na magigising siya, paano pa ako na walang alam sa medisina?" "Ang seryoso mo naman, Manang!" natatawang ani ng isa sa kanila. "Tinatanong ko lang naman kung kailan sa tingin niyo ito magigising, hindi ko naman sinabi na dapat ay tama ang araw na ibibigay niyo sa akin. Busog na busog na siya sa tulog, baka paggising niya ay diretsong isang linggo rin siyang mulat. Pero sana nga ay magising na siya. Kahit na taga-bantay lang tayo rito, hindi pa rin natin maiwasan na mag-alala sa kaniya." "Iyan din ang ipinagdadasal ko, ang paggising niya. Gumising lamang siya, mapapanatag na talaga tayo na maayos na ang kaniyang kondisyon at wala na tayong dapat ipag-alala." Matapos 'yon, namayani na ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ramdam kong nasa malapit ko pa rin ang mga ito dahil naririnig ko pa rin ang pagtunog ng bagay na inaayos nila. Iyon yata ang sinabi nilang dapat ay nakaayos na bago pa dumating ang Senyorito na kanilang tinutukoy. Naging curious tuloy ako kung sino ang Senyorito na iyon. Sa salitang ginamit pa lang nila ay halatang iginagalang nila ang taong ‘yon at mukhang mas mataas ang posisyon nito kumpara sa dalawang nag-uusap kanina. Nais ko nang malaman kung sino ang mga ito kaya kahit pa kumikirot pa rin ang bandang noo ko, pinilit ko pa ring imulat nang dahan-dahan ang aking dalawang mata. Kasabay nang pagmulat ko sa aking mata, ang siya ring lalong pagkirot nito. Ano bang nangyari sa noo ko at kumikirot ito? Nauntog ba ako? May bukol ba akong natamo? Nang tuluyan ko na itong naimulat, tumambad sa akin ang kulay dark brown na kisame. Sa palagay ko, gawa iyon sa kahoy. Malinis naman ito at halata pang mamahalin ang materyales na ginamit sa kisame na iyon. Kumikinang-kinang pa nga sa sobrang linis nito. Walang bahid na mantsa o ano mang guhit doon. Mas maganda pa ito kaysa sa kisame na gawa sa semento na tinapalan ng paint. Matapos punahin ang kisame, iginala ko na sa paligid ang paningin ko. Isang malawak na kwarto. Mas lalo akong namangha sa ganda ng paligid. Napaka-organisado ng lahat ng kagamitan dito, halata pang mamahalin ang mga ito. Hindi ko nga alam kung kwarto ba ito o buong bahay na dahil halos kompleto ang gamit. May sala set sa loob ng kwarto at may nakita pa akong malaking refrigerator doon. Pinilit kong inalala kung saang kwarto ito pero wala talaga akong ideya. Nakakapagtaka dahil walang lumilitaw sa isip ko. Blanko lamang ito. Hindi talaga pamilyar sa akin kung nasaan ako ngayon. Hindi ko rin malaman kung anong ginagawa ko rito, eh, hindi ko nga alam kung nasaan ako. Nagpatuloy ako sa paggala sa buong paligid. Sa tabi ko ay may nakasabit na dextrose. Sinundan ko ang parang tube nito at nagtaka ako nang makitang nakaturok ito sa kamay ko. May bandage ang kamay ko kung saan nakaturok ito. Gaya sa bandang ulo ko, ramdam ko ring kumikirot ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit nakahiga ako ngayon at may dextrose pang nakaturok sa akin. Hindi ko rin alam kung saang lugar ito. Anong nangyari? Pinilit kong alalahanin kung anong nangyayari ngayon ngunit wala ni isa akong maalala. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Pinipilit ko nama alalahanin pero wala talaga, eh. Ano ‘to? Na-reset ang lahat ng memories ko? Napakaimposible naman! Sumakit lang lalo ang ulo ko dahil pinilit ko muling umalala sa kung anong nangyari talaga sa akin. Nawala ako sa pokus sa pag-iisip nang dumako ang paningin ko sa babaeng biglang tumayo malapit sa kinahihigaan ko. Nakuha nito ang atensiyon ko at doon ko rin sinamantala para titigan ang kaniyang mukha. Kung hindi ako nagkakamali, isa yata siya sa naririnig kong nag-uusap kanina. Nanlaki ang mga mata nito at napaawang ang kaniyang labi nang magtama ang aming paningin. Hindi pa ito agad nakagalaw at dalawang beses pa itong kumurap at tila sinisigurado na tama ang kaniyang nakikita. "Hoy, hala! Totoo ba itong nakikita ko?" malakas nitong sambit sabay takip sa kaniyang bibig. Bakas nga sa kaniyang boses ang pagkagulat. Narinig ko ang pagkahulog ng isang bagay sa sahig. Doon ngayon napunta ang atensiyon ko. Sinundan ko ang pinagmulan ng bagay na nahulog at nakita ko roon ang isang matandang babae. Sila nga ang narinig kong nag-uusap kanina. Wala naman nang iba dahil sila lang naman dalawa ang narito na kasama ko. "Ano ka ba, Arya! Bakit ka ba sumisigaw, ha? Alam mo namang may matanda kang kasama. Kapag ako inatake sa puso dahil sa gulat, sinasabi ko sa 'yo, mumultuhin talaga kitang bata ka!" "Manang..." Hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang pagkakatitig sa akin.  Hindi na nakatiis ang matandang babae na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Tiningnan nito kung saan nakatingin ang kaniyang kasama. Tiningnan niya ang direksiyon ko. Pati siya ay napatakip din ng bibig nang makita ako at gaya ng isang babae, pagkagulat ang naging reaksiyon nito. "Dininig na ang panalangin ko. Salamat sa ating butihing Diyos!" Nag-sign of the cross pa ito at halos mangiyak-ngiyak na binalik ang paningin sa akin. Aligaga ang matandang babae na lumapit sa kama kung saan nakahiga ako. Hinawakan nito agad ang kamay ko sa sobrang tuwa niya. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong katawan ko. Tila sinusuri ako nito sa bawat tingin na itinatapon niya sa akin. Nang makuntento na ito sa pag-obserba sa akin, nilingon niya ang kaniyang kasama na hindi pa rin nakakaalis sa kinatatayuan nito. Hindi man lang siya gumalaw at tila napako na siya roon.  "Arya, tawagan mo ngayon din si Doctor Guttierez. Ipaalam mo na gising na siya,” utos ng matanda. Sa wakas, bumalik ang kaniyang wisyo dahil sa matandang babae. Tanging pagtango lang ang sinagot ng babae at agad tinalima ang utos sa kaniya. Bumaling ulit sa akin ang atensiyon ng matanda. "Gising ka na nga. A-Ano, may masakit ba sa 'yo, iha? Nagugutom ka ba? May kailangan ka ba? Sabihin mo lang sa amin." Hindi ako kumibo. Nakatingin pa rin ako sa mukha nito at pinipilit na alamin kung sino ang matandang babae na nasa harapan ko ngayon. Pati ang kasama nitong mas bata na babae ay hindi ko mamukhaan. Hindi sila pamilyar sa akin. Ngayon ko lamang sila nakita. Bakas sa mukha ng matanda na nag-aalala ito at hindi ko malaman kung bakit. "Natawagan ko na si Doc, Manang. On the way na raw siya." Lumapit sa amin ang kasama ng matanda. Itinago niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng suot niyang black jeans. "Mabuti naman kung ganoon. Mahigpit na ibinilin ni Senyorito na tawagan agad ang Doctor sa oras na magising na siya." Wala pa rin akong kaalam-alam sa pinag-uusapan nila. Hindi na mahalaga sa aking ang pinag-uusapan nila. Ang nais ko malaman ay kung sino sila at anong ginagawa ko rito. Hindi ko talaga sila kilala. Ni hindi ko nga sila mamukhaan, eh. Nanatili silang nakadungaw sila sa akin at pinagmamasdan ako. "Nagugutom ka ba, iha?" pag-uulit ng matandang babae dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin sinasagot ang tanong nito. Imbes na sagutin ko ang tanong nito, isang tanong din ang ibinato ko sa kaniya. "S-Sino po kayo?" Nabigla yata sila sa tanong ko kaya napatingin silang dalawa sa isa't-isa. Ang mga tingin nila ay tila nag-uusap. Parehong nakakunot ang noo ang naging reaksiyon nilang dalawa sa inasal ko. "A-Ako si Manang Cora," ani ng matanda. "Ako naman si Arya," ani ng mas batang babae. Sa hula ko, nasa 60's na ang matanda at nasa 20's naman ang isa pang babae. Ang matandang babae ay halatang malakas pa kahit may katandaan na. Kahit pa medyo kulubot na ang puting balat nito, hindi pa rin maipagkakaila na maganda siya noong kaniyang kabataan. Ganoon din ang mas batang babae na kasama nito, ang kaniyang ganda ay natural. Walang bakas na makeup sa kaniyang pagmumukha pero litaw na litaw ang kaniyang maganda at maamong mukha. Kahit pa sinabi na nila ang kanilang pangalan, hindi ko pa rin sila makilala. Wala akong kakilala na nagngangalang Manang Cora at Arya. Hindi rin pamilyar ang mga mukha nila kahit ilang beses ko pa silang titigan. Tila ngayon ko pa lang talaga sila nakita. Kaya naman namayani ang kaba at takot sa akin. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ko. Nagbigay na ako agad ng konklusyon kahit hindi ko pa nalalaman mula sa kanila ang nangyayari ngayon. Kahit pa masakit pa ang buong katawan ko, pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga. Nabigla man ang dalawa sa naging kilos ko, inalalayan pa rin nila akong makaupo nang maayos. Nang makaupo na ako nang tuluyan, inalis ko ang kamay nilang nakahawak sa akin. "Hindi ko kayo kilala!" pasigaw kong ani. "Huwag niyo ako hawakan!" Pagkagulat ang gumuhit sa kanilang mukha. Hindi ba't dapat ako ang mas nagugulat ngayon? Halata namang kilala nila ako samantalang hindi ko sila kilala. Anong ginagawa nila sa akin? Bakit ko sila kasama? May masama ba silang pakay sa akin? Kinidnap ba nila ako? Kahit na hindi naman sila mukhang kidnapper, hindi ko pa rin magawang hindi sila pagdudahan. Hindi nila ako masisisi dahil ngayon ko lang sila nakita. "Nasaan ako?" tanong ko pa. "Nasa Casa Hacienda de Ruizita ka," sagot ng matanda gamit ang mahinahong tono para hindi ako lalong matakot. Kumunot ang noo ko sa sinabi nitong lugar. "Ha? Casa Hacienda de Ruizita?" pang-uulit ko. Sabay na tumango ang dalawa. Hindi ko alam ang lugar na ito! Agad kong inalis ang dextrose na nakaturok sa akin at mga bandage na nasa kamay ko. "Teka, iha, anong ginagawa mo?" Hindi ko pinansin ang matandang babae. Nagpatuloy lang ako sa pag-alis ng kung anu-anong nakaturok sa kamay ko. "Hindi ko alam ang sinasabi niyong lugar kung nasaan ako ngayon. Hindi ko rin kayo kilala! Kaya kailangan ko nang umalis dito." Akmang tatalon na sana ako sa kama nang maramdaman kong mabigat ang dalawa kong paa. Nang tingnan ko 'yon, may bandage rin ang binti ko. Hindi ko ito magalaw. "A-Anong nangyari sa mga paa ko?" nanginginig ang boses ko. Hindi ko mapigilang hindi kabahan nang makitang may bandage ito at hindi ko pa magalaw. Doon ko rin na-realized ang mga sugat na natamo ko sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Naiiyak akong bumaling ng paningin sa dalawang babaeng nasa tabi ko. "Anong nangyari sa akin?" Ipinikit ko ang mata ko at pinilit alalahanin ang mga bagay na maaaring makasagot sa mga tanong ko ngunit mas lalong sumakit lamang ang ulo ko. Kahit anong pilit ko, walang lumilitaw sa isip ko. Para lang akong naghahanap ng sagot mula sa librong puro blankong papel lamang ang mga pahina. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng pagkirot. Napadaing ako sa sobrang sakit nito. Kusang tumulo ang ilang butil ng luha sa pisngi ko. "Wala akong maalala!" sigaw ko at ginulo ang aking buhok sa sobrang pagkainis. "Iha, huwag mong saktan ang sarili mo." Pinilit nilang pigilan ang kamay ko sa pagsabunot sa buhok ko. "Huwag niyo akong pigilan!" Sinubukan kong bawiin ang dalawang kamay ko sa pagkakahawak nila sa akin pero masiyado akong mahina kumpara sa kanilang dalawa. Humihikbi akong tumingin sa kanilang dalawa. "S-Sino kayo? Bakit ako narito? Anong nangyari sa akin? Bakit hindi ko magalaw ang paa ko? B-Bakit?" Hindi sila makasagot kaya mas lalo akong naiyak. "Bakit wala akong maalala ni isa? Sabihin niyo kung bakit!" Saka lang binitawan ng dalawa ang kamay ko nang may bagong taong dumating sa kwarto. Hindi nito naisara ang pinto dahil nagmamadaling lumapit sa amin. "Doc!" "What's happening here?" salubong na tanong ng lalaki na may suot na puting uniform ng Doctor. Agad ako nitong tiningnan. "Doc, pinipilit niyang saktan ang sarili niya." Tumabi ang dalawang babae para bigyang space ang tinawag nilang Doctor. "Huminahon ka," ani nito sa akin. "Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo sa oras na kumalma ka na." Dahil sa sinabi nito, huminahon na ako. Nais kong mabigyang sagot ang mga tanong ko. Wala rin naman ako mapapala kung magmamatigas ako dahil kahit anong pilit ko, hindi ko mabigyang sagot ang sarili kong tanong. Mukhang sa ibang tao ko pa malalaman ang mga sagot na 'yon. Sinunod ko ang sinabi nitong humiga na muna dahil kailangan ko raw magpahinga. Kailangan ko ngang magpahinga dahil sa mga sugat na nasa katawan ko at panghihinang nararamdaman. Ramdam ko rin ang paghapdi ng mga galos ko sa katawan dahil nap'wersa ko kanina nang pinilit kong tanggalin ang mga bandage nito. Hinayaan ko ang Doctor na lagyan ako ng panibagong bandage at tinurukan ng dextrose ang aking kamay. Katulong ng Doctor sa paglilinis ng aking sugat ang dalawang babaeng bumungad sa akin kaninang nagising ako. Sila ang taga-abot ng mga kagamitan ng Doctor. "Mali ang ginawa mong pagtanggal sa bandage nito kanina dahil sariwa pa ang mga sugat mo. Kailangan mong mag-ingat sa bawat galaw mo dahil maaaring lumala ang mga ito," ani ng Doctor habang nilalagyan ng bandage ang kanang braso ko. Gustong-gusto ko nang magtanong kung ano ba ang nangyayari sa akin at paano ko nakuha ang mga sugat na nasa katawan ko, maging ang paa ko ay hindi ko maigalaw at bakas na napuruhan talaga ito pero mas pinili kong hintaying matapos sa ginagawang paglagay ng bandage ang Doctor. Matapos nitong linisan at lagyan ng bandage ang sugat ko, tumayo na ang Doctor ngunit hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko. Isinuot niya ang stethoscope na nakasabit sa leeg niya at itinapat ang chest-piece nito sa bandang dibdib ko para i-check ang heart beat ko. Wala naman akong mabasa sa kaniyang mukha na reaksiyon na maaaring magbigay sa akin ng kaba. Sinunod niyang inilabas ang ophthalmoscope para i-check ang dalawang mata ko. Nang matapos ito sa pagsusuri sa akin, inayos nito ang tindig niya kasabay nang pagtago sa ginamit na kagamitan. Tumikhim siya bago nagsalita. "Ano ang nararamdaman mo?" "My head," tipid kong sagot. "Sumasakit ba?" I nodded, but that's not enough answer to his question. "Wala akong maalala," dagdag ko. Hindi gaya sa naging reaksiyon ng dalawang babae kanina, kalmado lang ang Doctor nang sabihin ko 'yon. Tila inaasahan na niyang sasabihin ko ito. "Even your name?" he asked. Ilang segundo rin akong natahimik. Ang pangalan ko... Ipinikit kong muli ang aking mata, nagbabakasakaling makapag-concentrate ako sa pag-alala. Pero gaya rin kanina, sumakit lamang ang ulo ko. Binuksan kong muli ang mata ko. Nakatingin pa rin sa akin ang Doctor. Nangingilid na naman ang tubig sa mata ko. "Why can't I remember anything?" Mas lalo akong nanghina dahil pinipilit ko namang makaalala pero wala talaga. "Even my name, hindi ko maalala." "Huwag mong pilitin na makaalala. Sasakit lang ang ulo mo at mas lalala lang ang kondisyon mo," payo nito sa akin. "Ano bang nangyari sa akin?" seryoso kong tanong. Ibig ko nang malaman ang puno't dulo nitong dinaranas ko ngayon. Pero imbes na sagutin ako ng Doctor, mas pinili niyang bumaling sa dalawang babae kasama ko kanina pa. Nakatayo sila sa likod ng Doctor at tahimik na nakikinig sa usapan namin. "Manang Cora, alam na ba ito ni Senyorito?" tanong ng Doctor sa matandang babae. Umiling ang matanda. "Hindi pa, Doc." "Tawagan niyo na si Senyorito at ibalita na gising na siya." Tumalima ang mas batang babae sa inutos ng Doctor. Lumayo siya kaonti sa amin nang ilabas niya na ang cellphone niya at mukhang tatawagan na ang sinasabi nilang Senyorito. Tila iniiwas niyang marinig namin ang usapan nila. Bumaling sa akin ang Doctor. Halatang mayaman ang taong may-ari ng bahay na ito kung nasaan ako ngayon. Akalain mo, may private Doctor pang pumunta para i-check ako. "Agad kong ipapaalam sa 'yo ang kondisyon mo kapag hawak ko na ang result ng ginawang examination sa 'yo," wika nito. Nadismaya ako sa sinagot niya. Ang ibig sabihin, maghihintay pa ako? Hindi ba nila p'wedeng sabihin ngayon kung anong nangyari sa akin? Kung paano ko nakuha ang mga sugat na ito? "Paumanhin, iha, hindi namin maaaring sabihin sa 'yo ang nangyari hangga't walang utos na sinasabi si Senyorito. Hindi namin maaaring pangunahan siya," singit ng matanda dahil tila nabasa niya ang iniisip ko. At sino naman ang taong 'yon? Bakit kailangan pa nila ng permisyon niya? Ano ba siya? Batas? "Natawagan ko na si Senyorito!" Lumapit sa amin ang babae. "Bukas na bukas din ay uuwi raw ito." "S-Sinong Senyorito?" Hindi ko na mapigilang magtanong sa kanila. Kanina pa nila bukambibig ang Senyorito pero wala akong kaalam-alam kung sino ang taong tinutukoy nila. Nag-alinlangan pang sumagot ang mas batang babae. "Si Senyorito Keeion." Senyorito Keeion... "Sino siya?" Hindi magawang tumingin ang dalawang babae sa akin, maging ang Doctor. Silang tatlo ang nakatinginan sa isa't-isa at tila nag-uusap ang kanilang mga titig. Iniiwasan nilang sagutin ang tanong ko. Hindi nila masabi kung sino ang taong tinatanong ko. Sino si Senyorito Keeion?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.1K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook