CHAPTER NINETY ONE THE DAY BEFORE OUR SIXTH MONTHSARY ay halata na sa mukha ko ang pagka-aligaga at pilit akong pinapakalma ni Drea at ni Marco. “Relax, Bro. Bukas pa ang big day,” aniyang sabay tapik sa aking balikat. Napatingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. “Thank you, Bro,” sambit ko. Nasa labas kami ngayon habang seryosong nag-uusap tungkol sa magiging hakbang namin bukas gayon din ang hahanao ng mapaglibangan para hindi makahalata si Xyvielle sa mga magiging sorpresa na inihanda ko para sa kanya. Tatawagan ko pa ang kapatid at nobyo ni Xyvielle. Nabanggit ko na sa kanila ang tungkol dito and they are willing to help and nagpapasalamat ako na nandito sila. Nang makaalis ang dalawa ay bumalik ako sa kwarto para tingnan ang aking girlfriend. Napakahimbing ng kanyang tulog. Hi

