CHAPTER NINETY-TWO MAGKAHALONG KABA AT EXCITEMENT ang aking nararamdaman sa araw na ito sapagkat kahit ako ay wala akong ideya kung anong nakalaan at nakahanda sa amin at gayon din ang magiging reaksyon ni Xyvielle sa inihanda ko sa kanya. Paalis na kami ng dumating ang dalawang si Marco at Drea. Galing ang dalawa sa labas at ang sabi nila ay susunod na lang daw sila. Hanggang sa tuluyan na nga kaming umalis. Nag-text na rin ang Manager ng Hotel. Umpisahan na daw nilang i-set ang kwarto. Palihim akong napangiti at nag-reply sa text nila. “Good morning, Sir. Pwede na po ba namin umpisahan ang decoration ng room niyo?” text ng Manager ng Hotel sa akin. “Sure! Pwede na. Paalis na rin kami pero nandoon naman yung dalawang kaibigan namin,” I replied. “Okay po, Sir. Happy sixth monthsary s

