“Mommy, I’m so sorry,” hingi ng tawad ni Avon sa nanay niya. Pagkatapos ng confrontation kanina ay di ‘di na nagsalita ang nanay ni Avon na si Sophie. Bagama’t masama pa rin ang loob nito sa nangyari sa anak ay ‘di nito makakaila na may point ang mga kapatid at magulang ni Keith. Labis ring nagsisisi si Sophie na napagbuhatan niya ng kamay ang nag-iisang anak na babae. Mas nangibabaw sa kanya ang galit imbes na pakinggan ang paliwanag ng anak. Kaya nang magyaya ang pamilya ni Keith na pumunta sila sa police station at magpa-drug test para matukoy kung ano ang ipinainom sa magkasintahan ay naging sunud-sunuran na lang siya. Halos gabi na rin sila natapos. They were all emotionally, mentally and physically exhausted. Kaya laking gulat ni Sophie nang maulinigan niya ang boses ni Avon sa

