“Sëx video?!” sabay na sigaw nina Avon at Ken. Nagkatinginan silang dalawa at parehong gulat na gulat. “Tita Sophie, Kuya Art, wala po akong kinalaman doon. Ang totoo nga po niyan ay nawawala ho ang cellphone ko at wala ho kaming sëx video ni Avon,” kaagad na paliwanag ni Keith. Parang sasabog na ang utak niya sa kakaisip sa sunod-sunod na nangyayari sa kanila ni Avon. “So, walang nangyari sa inyo ng anak ko, ganoon ba?” sarkastikong tanong ni Sophie. Namumula na ang mga mata nito sa pagpipigil na umiyak. Biglang nawalan ng imik si Keith. Para namang tinakasan ng kulay ang mukha ni Avon. “M-Mom…” mahinang tawag ni Avon. Takot na nakatingin siya sa ina. Ni minsan ay ‘di niya nakita itong galit o makaranas na pagbuhatan sila ng kamay—ngayon lang. Sa mukha pa lang nito ay alam niyang sob

