“May problema ba tayo, Girlfriend?” naguguluhang tanong ni Keith kay Avon. Malamig siyang tiningnan ng nobya habang nakahawak pa rin ito sa seradura ng pinto. “Meron ba?” anito sa malamig pa ring boses. Kumunot ang noo ni Keith. Basi sa kinikilos ng nobya ay mukhang may problema nga sila. “Mukhang meron nga. Pwede ba nating pag-usapan kung anuman ang problema? Dahil ngayon wala akong ideya kung bakit ganito ka kalamig sa akin. Okay naman tayo kagabi. May nagawa ba akong naka-offend sa’yo?” kunot-noong tanong niya. “Okay nga ba, Keith?” Nagsimula nang mainis si Keith sa paraan ng pagsagot ni Avon. “Wala tayong maaayos, Girlfriend kung ganyan ang paraan ng pagsagot mo sa akin. Paano ko malalaman kung ano ang problema kung sasagutin mo ako nang pabalang? Saka marami akong gustong mala

