Lumipas ang mga araw, linggo, at hanggang sa umabot na ng buwan. Nakapag-enroll na si Angel sa US University. Marami na rin itong mga naging kaibigan na ang karamihan ay mga lalaki. At kahit na mukha namang matitino ang mga ito ay lagi pa ring nagpapaalala si Sophie sa pamangkin. May mga pagkakataong dinadala pa ni Angel ang mga bagong kaibigan sa bahay para mag-inuman o ‘di kaya’y tumambay sa may gilid ng swimming pool. May pagkakataon din na naliligo ang mga ito sa swimming pool. Gaya na lang ng araw na ito—araw ng Sabado. Okay lang sana iyon kung sa ibang pagkakataon dahil nasa bahay si Sophie o kaya si Art. Pero hindi sa araw na iyon. May business conference ulit si Sophie at may basketball practice naman si Art. Hindi rin mapapapunta ni Avon si Tasha dahil nagpunta ito ng Davao. K

