“Pasok ka muna, Angel,” yaya ni Avon dito na nilakihan pa ang pagbukas ng pinto. Pumasok naman si Angel at umupo sa kama habang nakatingin kay Avon na kausap pa rin ang nobyo sa kabilang linya. Punong-puno ng panibugho ang puso ni Angel. Nakita niya kung gaano kasaya si Avon kay Keith. Kasiyahang siya sana ang nagtatamasa kung hindi lang inagaw sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandali ay narinig na ni Angel na nagpaalam na ulit si Avon sa kausap. Lumapit sa kanya ang pinsan at ibinigay ang cellphone. “Pasensya na, Angel kung natagalan. Nangungulit pa kasi si Keith.” “No problem. I should be the one saying sorry. Naistorbo ko pa tuloy kayo ni Keith. I promise, it won’t be long.” Tinanggap niya ang cellphone at tinanong si Avon, “Couz, is it okay if I bring your phone in my room? I forgot t

