Hindi makapagsalita is Avon pagkatapos sabihin ni Keith ang nangyari noong araw na iyon. Napaupo siya sa kama at sumandal sa headboard. Hindi niya rin lubos maisip na magagawang makapagsalita nang ganoon si Angel kay Keith. Mas lumakas ang kutob niya na sila talaga ang dahilan kung bakit umiiyak si Angel. Pero bakit siya umiiyak? Ano ang rason? Ito ang mga tanong na hindi maintindihan ni Avon. Ilang araw pa lang si Angel sa Pinas pero sumasakit na ang ulo niya sa mga nalaman niyang pinaggagagawa nito. Lalo na at mukhang nag-iimbestiga ito kung sino ang gumamit ng picture niya sa Catfish app. “Kanina rin kinausap ako ni Kuya Art kasi dumating si Angel na maga ang mga mata,” pagtatapat niya rito. “Sinabi ba niya kung bakit daw?” halata ang kuryosidad sa boses na tanong ni Keith. “Hin

