“Ikaw lang yata ang nakita kong may girlfriend pero miminsanan ko lang makitang nakangiti.” Napalingon si Keith sa nagsasalita at nakita ang kakambal na sina Kristoff at Kian na papalapit sa kanya. Naka-board shorts lang ang mga ito at tila may balak mag-night swimming. May kanya-kanya pa ang mga itong dala na tuwalya na nakasabit sa balikat ng mga ito. Hindi nag-comment si Keith sa sinabi ni Kristoff. Nananatili lang siyang nakahiga sa recliner habang nakaunan sa kanyang mga braso. Sino ba naman ang makakangiti sa sitwasyong meron siya? Hindi pa man nagtatagal ang relasyon nila ni Avon ay may kontrabida na? Ang masaklap, kamag-anak pa ng girlfriend niya! “What’s wrong?” tanong ni Kian na umupo paharap sa kanya sa katabing recliner. “Nag-iisip lang kung paano papalayuin ang isang sal

