Babe island hoping tayo. Bungad ni Trevor sa nobya pagkatapos nito bumili ng inumin para sa kanila.
Sige babe. Nagsabi ka ba sa kanila? Tinutukoy nito ang grupo ni Trevor.
Oo babe. Sabi ko ilolibot ko naman ang babe ko na kami lang. Kindat nito sa dalaga.
Mukhang may binabalak ka ah. Pagbibiro nito sa binata.
Wala babe ah. I just want to tour you nothing else. Sagot naman ni Trevor.
Ok, ngayon na ba? Tanong nito sa binata.
Mamaya babe. Lunch na muna tayo before umalis. Saad naman nito kay Macy.
Ang dami naman nakatingin sayo babe. Mukhang sa lahat ata ng lugar may naging girlfriend ka ah. Turan ni Macy sa nobyo.
Wala naman babe. Sadyang malakas lang ang appeal ko at tsaka sa ngayon hindi ko na kailangan pa na humanap ng babae kasi nasa tabi ko na ang babaeng magbibigay sa akin ng kasiyahan. Ang babaeng mamahalin ko ng buo. Madamdaming sambit nito sa dalaga.
Babe naman eh, pinapaiyak mo naman ako eh. Saad ng dalaga at yumakap pa sa nobyo.
You deserve to be loved babe. Ang bait mo kasi at alam ko na mahal mo ako. Mahal mo nga ba talaga ako. Pagbibiro pa ng binata sa nobya na dahilan ng pagkalas nito sa pagkakayakap sa kanya.
Tinatanong mo pa talaga yan babe ha. Sasama ba ako sayo kung hindi at iisa pa kwarto natin. Hmmmphh. Pagtatampo nito sa binata.
Ito naman hindi na mabiro. Alam ko naman na mahal mo ako. Nararamdaman ko yun babe. Sa pag-aalaga mo sa akin.
Eh ikaw mahal mo nga ba talaga ako? Balik tanong naman nito sa nobyo.
Babe ipinaparamdam ko naman talaga lagi ang pagmamahal ko ah. Hindi mo ba nararamdaman iyon. Tanong din ng nobyo kay Macy.
Salamat babe. I am so happy I am with you now.
Tatawagan ko nga pala si Nanay. Nakalimutan ko na siyang kamustahin.
Sige babe. Tawagan mo na siya baka mamaya hindi mo na maenjoy ang island hoping natin kapag madami ka iniisip.
Wait babe. Tawagan ko na siya at dinadial na nga nito ang numero ng nanay niya.
Hello anak. Kamusta ka na dyan? Bungad ng ina kay Macy pagkasagot ng tawag niya.
Mabuti naman Nay. Ikaw kamusta na po ang pakiramdam mo? Umiinom ka ba ng gamot mo? Hindi ka ba pinababayaan ni Dino? Sunod sunod na tanong nito sa ina.
Naku anak. Para na namang armalite yang bibig mo. Oo anak lagi ako umiinom ng gamot. Hindi naman nagpapabaya itong kapatid mo.
Mabuti naman kung ganun Nay. Ilang araw lang po babalik na ako diyan. Saad naman nito sa ina.
Huwag mo kaming alalahanin dito anak. Magpakasaya ka diyan ha. At sana pagbalik mo eh may apo na ako. Pagbibiro nito sa anak.
Nay ha, apo talaga. Gulat na sambit nito sa ina. Namula din ang mukha niya at sapul siya sa sinabi ng ina.
Bakit anak nasa tamang edad ka naman at alam ko na hindi ka naman pababayaan ni Trevor.
Sige na nga nay at baka saan pa mapunta ang usapan na ito. Sambit naman ni Macy na nakangiti.
Siya anak, mag-iingat ka diyan. Ikamusta mo na lang ako kay Trevor. Pumasyal naman kamo siya dito kapag nakabalik na kayo at namimiss ko na siya.
Abah Nay mukhang magiging karibal pa kita. Dagdag biro pa nito sa ina na kinatawa nito sa kabilang linya.
Anak sayong-sayo si Trevor. Graduate na ako sa love life na yan. Pagsasakay naman nito sa biro ng anak.
Biro lang Nay. Siya sige Nay may island hoping pa po kami ni Trevor. Paalam na nito sa ina.
Mag-iingat kayo anak. Paalam na din nito kay Macy bago ibaba ang telepono.
Ano yung karibal na narinig ko babe. Tanong naman ni Trevor sa nobya pagkatapos ibaba ang telepono.
Si nanay kasi binibiro ko na magiging karibal ko pa siya sayo. Pinapapunta ka kasi niya sa bahay kapag nakabalik na tayo. Namimiss ka na daw niya.
Ang sweet naman ng nanay mo babe. Tugon naman ng binata sa nobya at niyakap ito.
Oo nga eh, kaya nga gagawin ko lahat para gumaling na ang nanay ko. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa kanya. Mahal na mahal ko ang nanay ko kahit hindi siya ang ang nagluwal sa akin.
Napakabuti naman ng puso ng mahal ko. Kaya nga swerte ko at ikaw ang nobya ko eh. Humalik pa si Trevor sa noo ng dalaga.
Binobola mo na naman ako babe. Palibhasa diyan mo nakukuha ang mga babae na umaaligid sayo. Kung hindi siguro ako kasama mo ngayon meron kang ibang dadalhin no. Tanong nito sa binata at tumaas pa ang kilay ni Macy.
Naku babe kung ano na naman iniisip mo. Itanong mo pa kay Quennie. Wala akong isasama talaga kasi ikaw talaga ang gusto ko makasama dito. Kaya nga ang saya ko ng malaman ko na nasa yate ka na. God answer my prayers. Sagot ng binata dito na ginagap naman ang kamay ni Macy.
Talaga babe? Siguraduhin mo lang talaga. Pakunwaring pagbabanta nito sa nobyo.
Cross my heart babe. Ikaw lang talaga ang laman nito. Madami mang dumaan na babae sa akin babe pero ikaw lang talaga ang mamahalin nito na itinuro pa ang puso.
Talaga naman ang babe ko napaka cheesy. Salamat babe sa pagmamahal. Yumakap na din siya sa binata at sumiksik sa leeg nito.
Babe tama na muna ang ganito at parang gusto ko na namang bumalik sa kwarto para sibasibin ka ng halik. Panunudyo niya sa nobya.
Loko-Loko ka talaga babe. Tara na nga lunch na tayo. Gutom na ako babe. Pagyayaya nito sa nobyo.
Tara na. Kain na tayo at baka ikaw pa ang kainin ko babe. Bulong pa nito sa dalaga.
Kinurot ni Macy si Trevor dahil sa panunudyo nito sa kanya.
Puro ka talaga kalokohan babe. Saway nito sa nobyo.
Naglalakad na sila papuntang resto ng may makasalubong silang babae na bigla namang yumakap kay Trevor na kinagulat naman ni Macy.
Hi sweetie. It's been a long time since you contacted me. Saad ng babae kay Trevor na bigla naman kumalas sa pagkakayakap dito.
Toni what are you doing here? Gulat na tanong naman ni Trevor.
Ikaw lang na ang may karapatan na pumunta dito sweetie. Of course family friend namin ang may-ari nito at naimbitahan kami na pumunta so I am here. Sumakto din at andito pala ang members ng yacht club so I was happy. Baka destined na magkita uli tayo kasi the last time na magkasama tayo eh bigla ka namang nawala. Saad naman ng babae kay Trevor.
That was long ago Toni. Past is past. By the way I'm with my girlfriend Macy.
Babe si Toni nga pala. Isang kaibigan. Diniin pa nito ang salitang kaibigan para ipahalata sa babae na hindi na dapat nito inuugnay ang sarili sa kanya.
Paano alis na kami. My babe is starving. Nice seeing you again Toni. Bye. Paalam na nito sa dalaga at hinila na ang nobya papuntang resto at mukhang aawayin na naman siya. Hirap maging pogi, piping sambit na lang ni Trevor sa sarili.