Habang daan papuntang resto hindi na maipinta ang mukha ni Macy. Napansin agad ito ng ni Trevor kaya ginagap nito ang kamay ng dalaga habang naglalakad sila.
Babe galit ka ba? Huwag mo ng pansinin yun si Toni. Makulit kasi talaga yun. Inaamin ko naman na nakasama ko siya pero hindi naman matagal. Nakilala ko lang through a common friend. Alam mo na tuksuhan. Eh single naman ako that time at ok naman siya kasama kaya nagkaigihan din naman kami. Pero hindi naman nagtagal kasi masyado na akong busy sa negosyo ko. Hindi naman ang pag-eestima sa mga babae ang pinagkakaabalahan ko. Lapitin lang talaga ako babe sa kanila. Hindi naman kasi ako snob kaya ganun na siguro kadami ang nakakilala sa akin. Kaya nga naabisuhan na agad kita na madami ka maeencounter na katulad ng kanina. Mahabang paliwanag ng binata sa nobya na hindi pa rin umiimik.
Babe ano ba gagawin ko para kausapin mo ako. I'm sorry na please. Pagmamakaawa nito sa dalaga na parang hangin na lang ang tingin sa kanya kasi hindi siya nito pinapansin o kinikibo.
Tumigil ang binata at niyakap si Macy.
Babe I want to talk to you. Gusto ko malaman ano ang nasa loob mo baka mamaya hindi mo na ako kausapin niyan ha.
Ok na babe. Madami lang ako iniisip. Huwag mo na lang ako pansinin. Saad naman ni Macy sa nobyo.
Anong hayaan na lang kita? Hindi naman pupwede ang ganun.. Dapat magkaayos tayo babe. Huwag ka sana paapekto sa mga babaeng lumalapit sa akin. Past na sila, ikaw ang present ko babe. Ikaw lang. Kinalimutan ko na sila lahat ng dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang laman nito kahit buksan mo pa. Eksaheradang sambit ng binata kay Macy.
Hindi naman kita paiiyakin babe. Although madami talaga sila na makilala mo along the way pero sana huwag ka magsawa na intindihin ako. I am not perfect babe. I made mistakes, I am also a human.
Naiintindihan mo naman siguro ako babe kung nagagalit o nagtatampo ako sayo diba. Hindi mo naman maiaalis sa akin yun. Ikaw ang kauna-unahang lalaki na dumaan sa buhay mo. Hindi ko pa alam ihandle ang isang relasyon. Madami pa akong dapat matutunan tungkol sa pag-ibig kaya sana hindi ka din magsawang intindihin ang tantrums ko, ang galit o tampo ko sayo.
Oo naman babe, iintindihin talaga kita. Ayoko na matulog tayo na may hindi pagkakaunawaan kaya hinihingi ko sayo na lawakan mo pa ang pag-iisip mo kapag may makakasalamuha ka na babae sa past ko. Hindi ko naman na sila babalikan kasi kuntento na ako sayo babe. Ikaw lang sapat na para lumigaya ang puso ko.
Nagiging makata ka na babe sa lagay na yan. Saad na lang ng dalaga na biglang nagpabuhay sa sistema ni Trevor.
Nararamdaman na ni Trevor na ok na ang nobyo kasi nakikisakay na ito sa pagbibiro nito sa dalaga.
Tara na babe. Madami na tayong naubos na oras para sa pagkain natin kung hindi tayo tumigil. Sambit naman nito sa kapatid.
Ayaw ko kasi babe na hindi tayo magkaayos agad since magkasama din tayo sa kwarto. Mahirap na at hindi ako makascore mamaya sayo. Panunudyo pa nito sa dalaga na tinampal naman siya.
Ayan ka na naman babe. Ok na tayo eh, Huwag na muna tayo magbangayan babe. Masakit sa puso na nagkakaroon ako ng alalahanin sa hindi mo pagpansin sa akin.
I can't help it babe. Kahit alam ko na past mo kasi sila, naging part na sila ng buhay mo na hindi ko mawawala.
Babe tama na yan. Pag-usapan na lang natin the other time. Pag-aalo nito sa dalaga at giniya na siya papasok ng resto.
Pinaghila ng upuan ni Trevor ang nobya..
Gentleman naman ng boyfriend ko. Salamat. Na ngingiti ng sambit nito kay Trevor.
Waiter, tawag ni Trevor sa kukuha ng order ila.
Girls sorry ha, hindi ko kayo maeestima at nagiging tigre na naman ang girlfriend ko. Mag-iingat na lang kayo. Salamat sa pagiging fan ninyo. Para tuloy ako artista na nito. Sambit naman ng binata na ginagap ang kamay ng dalaga na hindi naman nito binawi.
Babe kelan pa matatapos ang mga babaeng nakikilala mo. Mukhang enjoy ka na talaga sa kanila ah. Bungad naman nito sa binata na kumunot naman ang noo.
Wala na naman sila dito babe. Nalaman naman nila may minamahal na ako maya titigil din yan sila. Ikaw lang ang andito babe. Turan ng binata na itinuro pa ang dibdib nito.
Ikaw lang babe ang itinitibok nito. Wala ng iba pa. Dagdag pa nito sa dalaga.
Ginagap pa nito ang kamay ng dalaga at dinala sa dibdib nito.
Naririnig mo ba ang pagtibok babe? Pangalan mo lang ang itinibok kaya huwag ka na mag-isip ng kung ano-ano diyan. Huwag na ka din matampuhin. Please. Samo pa ni Trevor sa nobya.
Oo na babe nadidinig ko na ang lakas ng t***k ng puso mo na ako lang ang nakikita. Pagsasakay naman ni Macy sa kakornihan ng nobyo.
Mabuti naman babe. Tsaka huwag ka na din magtampo ha. Wala namang dapat tanungin kung sino ang laman ng puso ko kasi ikaw lang talaga. Dagdag sambit nito kay Macy.
Nagiging cheesy ka na talaga babe. Tama na nga muna yan. Gutom na ako. Huwag lang talaga may lumapit sayo na babae na naman. Uupakan ko na talaga. Hindi na nila naiintindihan na may kasama ka na o may nobya ka na. Hindi ko din naman maikakaila kasi ang gwapo naman talaga ng nobyo ko. Itali na kaya kita babe para hindi ka makawala. Pagbibiro ng dalaga sa nobyo na kinatawa naman nito.
Para naman akong aso nun babe. Itatali mo ako. Natatawang saad ng binata.
Hindi ah. Ayaw ko lang na makawala ka sa akin. Madami pa namang nag-aabang para masilo ka. Hindi naman ako papayag kapag ganun. Saad uli ni Macy sa nobyo..
Hindi rin naman ako mawawala sayo babe eh. Promise hope to die. Mamatay man ang kapitbahay naming tsismosa.
Puro ka kalohohan talaga. Tama na nga muna yan babe at kanina pa humihilab tyan ko.
Nakaorder na ako babe. Nakangiting sambit naman ng binata.