Nagpunta muna sina Macy at Trevor sa labas ng yate para makita ang magandang tanawin dahil bilog na bilog ang buwan na ang ganda pagmasdan.
Napakaganda naman ng panahon ngayon. Nakikiayon talaga itong paglalayag ninyo. Ang saya ko na nakasama din ako.
Trev may balak ka bang isama dito? O wala talaga kasi ikaw lang naman ang nandito ng pagpunta ko kanina para ihatid ang luggage na sabi ng pinsan mo na ang totoo hindi pala.
Wala naman babe kasi ikaw ang gusto ko talaga isama. Ang swerte ko lang at naging kupido ko ang pinsan ko kaya kita nakasama ngayon.
Talaga, sa gwapo mong yan wala kang isasama talaga? Parang hindi naman kapani-paniwala ah. Baka kapag hindi ako nakasama sa isla mo naman makikita yung babaeng isasakay mo din dito.
Parang nagseselos ka ata babe. Hindi naman dapat na magselos ka. Wala ka din naman pagseselosan kasi hindi naman ako tumitingin sa mga babae na kasama ng mga miyembro kanina.
So meron pala talagang mga babae doon. Buti na lang andito ako. Baka mamaya pagbalik mo may kasama ka na. Walang prenong sambit naman ng dalaga na kinangiti naman ni Trevor.
Babe ikaw lang ang gusto ko makasama kaya huwag na natin isipin ang mga babae na kasama ng ibang miyembro. Mas maganda ka doon. Huwag kang mag-alala.
Napaismid naman si Macy na lalong kinatuwa ni Trevor kasi lalong gumaganda ang dalaga sa paningin niya.
Babe stop frowning or making faces, I'm gonna kiss you like no tomorrow if you keep doing that. Pagbabanta ni Trevor sa dalaga.
Trev maliligo na nga muna ako kasi baka kung saan pa mapunta yang mga biro mo na yan.
Sa luggage na lahat ng damit mo. Sana naman magkasya lahat kasi pinsan ko pumili ng mga damit na isusuot mo. I owe her big time. Ang laki ng hininging kapalit nun pero worth it naman kasi kasama kita babe.
I'll just take my shower Trev. I'll just see you later. Iisa lang ba room mo dito? Saan ba ako magstay? Kiming tanong ng dalaga.
Iisa lang babe. We will see later. Maligo ka na muna. I'll just go to the engine room to check something. Just take your time. I'll see you later.
Ok. Maligo ka na lang din pagkatapos ko mamaya.
Mabaho na ba ako kaya mo ako pinapaligo na. Yumakap pa ito sa dalaga para kunyari maamoy siya nito.
Hindi Trev ha. Kahit hindi ka ata matulog ng dalawang araw ang bango mo pa rin na inamoy-amoy pa ang binata.
Babe enough baka ikaw naman amuyin ko mamaya. Pagbabanta ni Trevor na bigla namang kalas ni Macy dahil sa takot nito sa sinabi ng binata.
Ikaw talaga. Diyan ka na nga. Maliligo na ako. Sabay punta na ng dalaga sa lugar kung saan iniwan ang luggage na mga damit pala na binili ng pinsan ni Trevor ang laman. Pasalamat na din ang dalaga at may magagamit siya sa ilang araw nila sa isla. Naeexcite na siyang isipin na makakapunta siya sa mga lugar na pawang may sinasabi lang ang nakakapunta.
Dinala na muna niya ang luggage sa kwarto ni Trevor para tingnan kung ano ang mga binili ni Queenie para sa kanya.
Pagkabukas niya ng luggage tumambad na agad sa dalaga ang mga lingerie na pawang signature brand talaga. May mga sundress din, may swim wear na iba't iba ang kulay. Gusto niya lahat ang ang binili ng pinsan ni Trevor. Meron siyang nakitang sweet shirt na malambot sa katawan ang tela at meron ding short na bagay para dito. Yun na muna ang pinili ni Macy para isuot. Kumuha na din siya ng panty at bra na tama naman ang size na binili ni Queenie.
Napasarap sa paliligo ang dalaga, hindi namalayan na halos kalahating oras na pala siya sa banyo kaya dali-dali siyang nagbihis at baka nag-aantay na sa kanya si Trevor sa kwarto nito.
Paglabas niya ng pinto, prenteng nakaupo lang ang binata habang inaantay siya.
Babe are you done? Nakangiting bungad sa kanya ng binata.
I'm sorry Trev. Hindi ko napansin na ang tagal ko na pala sa banyo. Sorry talaga. Paumanhin nito sa binata na nakangiti naman sa kanya.
Babe it's ok. Hindi naman ako nagmamadali. Tuyuin mo na agad ang buhok mo baka bigla ka na lang makatulog mamaya.
By the way you look so pretty babe. Bagay sayo ang damit mo. Galing talaga pumili ng pinsan ko.
Salamat Trev. Mamaya na yung paglalandi, maligo ka na. Bigla ka ng bumaho dahil ako na ang mabango ngayon. Pagtataboy nito sa binata.
Paamoy kung talagang mabango ka na? Akmang aamuyin nito ang dalaga na pilit naman siyang tinutulak papuntang banyo.
Mamaya na Trev, mamaya papaamoy ako sayo. Tumatawang sambit ng dalaga dito.
Sure yan babe ha. Maliligo ako matagal para mabango na ako kapag lumabas ng banyo.
Sige na. Maligo ka na. Si Macy na mismo nagsara ng pinto ng banyo para hindi na umangal ang binata.
Kinikilig naman ang dalaga kapag naalala ang biruan nila ng binata. It was a wonderful day na kasama nito ang binata. Matatawag na kayang date ang gala nila o ano nga ba itong napasukan niya. Wala pa namang pormal na sinasabi ang binata sa kanya pero nararamdaman niyang may pagtingin sa kanya ang binata.
Maging consistent kaya ang binata sa mga susunod na araw. May nararamdaman na siya kay Trevor ngunit sinusupil muna niya at baka masaktan lang din siya dahil ito ang first boyfriend niya kung sakali.
Napaubo ang dalaga ng makita niyang nakasuot lang ng board short ang binata. Wala itong pang-itaas. Nakita niya ang mala pandesal nitong abs. Napalunok na lang ang dalaga.
Nagustuhan mo ba nakikita mo babe? Tanong nito kay Macy na napayuko na lang dahil sa namumula na siya. Nagpose pa ang binata na tila model. Bagay ba babe? Pero hindi na kailangang maging model kasi baka dumami magkakagusto sa akin, biro nito sa dalaga.
Tiyak yun Trev. Baka hindi mo na ako papansinin nun kapag modelo ka na. Paingos na sabi nito sa binata.
Halika nga dito babe. Madami ka na namang sinasabi. Ikaw lang ang gusto ko pakitaan nitong katawan ko kaya sorry na lang sila. Sabay yakap nito sa dalaga na hindi naman nito tinanggihan.