Lumabas ng yate sina Trevor at Macy para mapagmasdan ang ganda ng paligid. Hindi maipaliwanag ni Macy ang nararamdaman na kaligayahan sa piling ni Trevor. Hindi niya pa alam kung mahal na niya ang binata basta ang alam niya masaya siya kapag kasama niya ito. Pakiramdam niya din na espesyal siya sa binata dahil na rin sa mga ipinapakita nito sa kanya. Hindi pa naman ito nagsasabi na mahal siya ng binata pero masaya na siya sa pag-aalaga nito sa kanya.
Tinatanong ni Macy na kaya ba niyang harapin ang magiging problema kung sakaling magiging sila ni Trevor. Hindi pa rin niya maisip kung talaga bang kaya niyang makipagsabayan sa mga napapaugnay na babae dito. Simple lang siya at hindi naman kasing sosyal ng nakikita niya sa magazine na naugnay kay Trevor.
Napasinghap si Macy ng mahawakan siya ni Trevor sa bewang niya. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ang binata sa kanya.
Maginaw na dito sa labas. Magpahinga na tayo. Pagyaya nito sa dalaga na sinang-ayunan naman nito.
Saan ako matutulog? Tanong agad ng dalaga ng makapasok na sila sa kwarto.
Natatakot ka ba sa akin? Hindi naman ako nangangagat babe. I am harmless.
Hindi naman. Iisa lang kasi ang kama kaya ako nagtanong baka hindi ka sanay na may ibang nakahiga diyan.
Gusto ko nga sana na katabi ka babe. I will not do anything bad. Gusto lang kita mayakap. Hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo pero kung gusto mo akong ma-rape, willing victim naman ako. Biro ng binata sa kanya.
Ikaw talaga Trev. Sige na nga. Ok lang naman na tabi tayo basta hindi ka gagawa ng ikakagalit ko ha. Itutulak kita sa dagat. Sige ka. Banta naman ni Macy.
Hindi naman talaga ako gagawa babe ng hindi mo magugustuhan kasi takot ko lang na hindi mo na ako pansinin.
Talaga lang na hindi mo dapat gawin yun at baka ako ang tatalon sa dagat. Pagsasakay naman ng dalaga kay Trevor.
Magbibihis na lang ako ng pajama. Meron ako nakita kanina doon eh. Naiilang siyang nakasuot ng short na katabi ang binata kaya magpapalit na lang siya ng suot niya.
Sige kung hindi ka naman kumportable sa suot mo palitan mo na lang babe. I'll just wait for you. Gusto mo bang manood muna tayo ng movie para malibang ka? Tanong ng binata sa kanya ng papasok na siya sa banyo para magpalit ng pantulog.
Sige Trev, saglit lang naman ako.
Anong movie gusto mong panoorin? Tanong nito sa dalaga.
Kahit ano na lang. Hindi naman ako mapili sa movie. Sagot naman ng dalaga na pumasok na sa banyo.
Nakahanap ng magandang pajama ang dalaga at yun na lang ang pinili niya. Ang galing talaga ng binili ni Queenie. May variety ika nga. Hindi ka na mahihirapang mamili ng isusuot.
Paglabas ng dalaga, may nakahanda pang popcorn ang binata at inumin para sa panonood nila.
Trev ang galing mo naman, naisip mo talaga na magluto din ng popcorn ha.
Microwavable naman ang popcorn babe kaya saglit lang talaga. Tara na manood na tayo. Pinagpag pa nito ang kama na tutulugan ng dalaga.
Sumampa na siya sa kama para makapanood sila ng movie.
Romantic comedy ang pinanood nila kaya hindi naman naging boring ang panonood nilang dalawa.
May dinala ka naman bang babae dito Trev. Biglang tanong nito sa binata.
Are you jealous kung may dinala na ako dito babe? Balik tanong naman nito kay Macy.
Ikaw tong tinatanong ko. Tapos ako naman tinanong mo.
To answer that, wala pa akong dinadala dito. Ikaw pa lang ang naisama ko dito. Ang swerte ko nga na nakasama kita kaya huwag ka na mainis babe. Wala naman akong isasama kung hindi ikaw yung andito ngayon. I swear, dagdag pa nito sa dalaga na nawala na ang pag-ismid sa kanya.
Halika nga dito. I just wanna hug you. Bigla na lang nito hinila si Macy na napasubsub naman sa dibdib ni Trevor.
Kinilig naman si Macy sa paghila ni Trevor sa kanya kasi ang bango talaga nito. Ang sarap sa pakiramdam na mayakap ito.
Ayy, naman talaga. Masyado kang malambing Trev, may halo nga lang pananakit.
Sorry babe. I just wanna cuddle you. Sumiksik pa ito sa leeg ng dalaga.
Hindi na lang pinansin ni Macy ang pagsiksik ni Trevor sa leeg nya at baka isipin naman nito na napakaarte niya. Naglalambing lang ang binata, yan na lang ang itinatak nito sa isip niya.
Focus na sila sa panood na paminsan ay natatawa dahil sa maganda ang paganap ng tauhan sa pelikula.
Babe I just check if there are any emails about work. I live you for awhile. Paalam muna nito sa dalaga at lumabas na.
Ok Trev take your time. I'll be ok here.
Iniwan naman ng binata ang telepono nito. Sasabihin na sana ni Macy na naiwan ng binata ang cellphone nito ng bigla naman nagring ang telepono nito.
Dominique calling. Ang nakaregister sa telepono ng binata.
Hindi alam ng dalaga kung maiinis sa tumawag kasi hindi niya alam kung babae ba ito o lalaki. Pwede kasing maging pangalan din ito ng babae, masculine name ika nga.
Talaga naman Trevor, kapag babae na naman yan malilintikan ka na talaga sa akin. Piping sambit naman ni Macy na nagtataka din sa inaakto niya. May pitak na nga ba si Trevor sa puso niya. Bigla naman siyang kinabahan sa iniisip niya.
Ito na ba ang love na tinatawag nila, dagdag na saad ng dalaga.
Hindi na namalayaan ni Macy na nakatulog na siya dahil na rin sa pagod niya. Siya namang pagpasok ni Trevor na nakangiti sa pagkita kay Macy na nakanganga pa sa pagkakatulog nito.
Inayos na lang niya ang pagkakahiga ng dalaga at tinanggal ang pagkain na nasa kama pa.
Hindi naman natinag ang dalaga sa pagkakaayos ni Trevor sa pagkakahiga nito. Malalim na agad ang pagkakatulog ng dalaga.
Tumabi na dito ang binata at niyakap pa ito. Hinalikan niya ito sa labi at umusal ng good night sa dalaga.
Good night babe, sweet dreams. Sabay halik na din sa noo nito. Sumiksik naman ang dalaga sa leeg niya na hinayaan na lang din ni Trevor at natulog na din.