Nakaw na sandali

1115 Words
Nakabili na si Trevor ng ng bulaklak na ibibigay kay Macy kaya pumunta ba siya sa bar para makita ang dalaga. Nakakita na siya ng pag-asang maging ok sila ng dalaga. Dinaan na muna niya ang mga gamit sa yate niya para sa paglalayag nila bukas. Sa yate din naman siya matutulog mamaya kaya kahit late na siya umalis sa bar. Pagdating sa bar pumunta muna siya sa opisina ng pinsan niya. O pinsan mukhang aakyat ka ng ligaw ah. May bulaklak ka pang dala. Ano namang masamang hangin ang nagdala sayo dito sa bar ko at dito mo pa ata balak manligaw. Sino na naman ang magiging biktima mo sa ngayon abir? Tanong ng dalaga kay Trevor na nakataas pa ang kilay. Alam mo naman kung sino ang pinunta ko dito pero nagtatanong ka pa talaga. Sagot naman ng binata. Wala pa naman siya kaya dito ka na lang muna sa opisina para hindi ka makita sa labas kung sino mang babae ang dati mo na namang karelasyon. Mapupurnada na naman ang balak mong pakikiapag-ayos kay Macy niyan. Mahirap nga talaga pinsan kasi kapag gwapo ka. Lapitin talaga ng mga babae. Pero mahirap naman kapag may gusto ka ng seryosohin na babae, nagkakaroon ng problema. Mahirap mag-explain lalo na kapag iba ang naman ang sinasabi mo sa nakikita niya. Hindi malusutan ang dapat lusutan. Napapailing na sabi ni Trevor. Kaya nga dapat kapag may gusto ka ng seryosohin na babae iwanan mo na ang lahat ng kafling mo o dapat mo ng sabihin sa liligawan mo baka may mga babaeng pagseselosan siya. Magkakaproblema ka niyan kapag hindi mo kaagad sasabihin ang mga nakaraan mo. Susubukan ko pinsan. Sagot naman ni Trevor. Naku huwag mong susubukan pinsan, gawin mo. Kapag nalaman ko talagang namomroblema ka dahil sa mga babae na yan huwag kang tatakbo sa akin para humingi ng tulong ka. Kokotongan talaga kita. Hindi mo naman ako matitiis pinsan eh kaya alam kong tutulungan mo talaga ako. Nakangiting sambit naman ni Trevor na binatukan ng pinsan niya. Loko-Loko ka talaga. Umayos ka ha. Mabait si Macy kaya dapat huwag mong sasaktan yun. Hindi siya katulad ng mga babaeng dumaan sa buhay mo. Sineseryoso ang mga katulad niya at hindi pinapaiyak. Isa ako sa makakalaban mo ha. Tandaan mo yan pinsan. Binabantaan mo ba ako pinsan? Hindi ko siya sasaktan. Sinusubukan kong maging isang mabuting lalaki. Hindi naman madali kasi iba ang nakagawian ko dati. Naninibago ako sa mga kilos ko pero I am happy for what I am doing. Bago siya sa pakiramdam pero alam ko worth it lahat ng ito kasi alam kong ikakarangal kong maging girlfriend si Macy kung sakaling papasa ako sa kanya. Papasa ka pinsan kapag nagseryoso ka. Huwag mo lang siyang paglaruan, yun lang ang maipapayo so sayo. Makakaasa ka pinsan. Basta back-up ka lang ha para naman may kaunti akong pag-asa. Ako ang bahala basta huwag ka lang gagawa ng kalokohan. Yes ma'am. Sumaludo pa ito sa pinsan na binato naman siya ng hawak na papel na nailagan din niya tsaka siya lumabas para maibigay na kay Macy ang bulaklak. Nakita niyang nasa bar counter ang dalaga at mukhang kakagaling lang sa locker dahil inaayos pa nito ang suot na uniform. Hi babe, nakangiting bati niya dito at lumingon naman ang dalaga. Magandang gabi Trev. Napadalaw ka. Tanong naman agad ng dalaga. Hindi pa nito napapansin ang bulaklak na hawak ng binata dahil tinago muna nito sa likod. You look so beautiful babe. Lalo kang gumaganda araw-araw. Sambit naman ng binata na kinapula ng pisngi ni Macy. Bolero ka talaga. Hinampas pa nito si Trevor na hinuli naman ang kamay ng dalaga. Can I have a little of your time? Wala pa naman masyadong tao. Alam naman ng pinsan ko na pinuntahan kita kaya excuse ka kahit saglit lang. Kumindat pa ang binata. Palibhasa malakas ka sa pinsan mo kaya ganyan ka umasta. Sagot naman ni Macy pero sumunod naman sa binata. Para sayo babe. Binigay na ni Trevor ang bulaklak sa dalaga. Wow, Salamat. This is my first time na makatanggap ng bulaklak. Salamat Trev. You deserve that babe. You are welcome. Wala bang kiss man lang? Panunudyo pa ng binata dito. Loko ka talaga. Bakit ka nga pala napadalaw? Tanong uli ng dalaga at hindi naman ito nasagot ni Trevor kanina. I just wanna see you kasi ilang araw mo na ding hindi ako pinapansin. Hindi mo nasasagot tawag ko kaya lalo kitang namimiss. Baka paraan mo lang yun para puntahan kita babe ha. Biro uli ng binata. Hindi ah, madami lang akong iniisip nowadays. Pasensya ka na. It's ok, basta if you need help. I am always here. Kaya nga din pala ako pumunta dito para sana imbitahan ka sa paglalayag namin bukas. Meron kasi kaming monthly sail na mga members ng yacht club kaya sana nagbabakasakali ako na samahan mo ako. Ah, hindi ko pa sure kung makakasama ako kasi may follow up check-up si nanay bukas. Hindi ko alam anong oras matatapos at may pasok din ako bukas. Pasensya na. Sa ibang pagkakataon na lang. Promise sasama na ako. Hinawakan pa nito ang mukha ng binata kasi hindi na ito biglang umimik. Wala naman akong magagawa kung hindi ka talaga pupwede. Sa ibang araw na lang. Gusto talaga kitang isama pero hindi ka naman pala pwede. It's ok babe. Sa susunod na lang. Niyakap na lang nito ang dalaga. I just wanna hug this tight babe. I will miss you so much at ilang araw din akong wala. Hinayaan na lang ng dalaga na yakapin siya ni Trevor. Babe, inangat naman ng binata ang mukha ng dalaga. Masuyo niya itong hinalikan. Lumaki ang mata ng dalaga sa paghalik ni Trevor ngunit hindi naman niya ito itinulak. Unang halik niya ang binata at hindi naman ito naging mapangahas. Naging malalim na ang halik ng binata ngunit bigla naman nitong itinigil ang paghalik sa kanya. I am sorry babe I got carried away. I don't wanna rush you. I will miss you. Niyakap na lang uli siya ng binata. Inaya na nito ang dalaga sa loob ng bar bago pa ito mapansin ng pinsan na wala pa sa loob at siya pa ang mapagbuntunan ng galit dahil inaya ang dalaga. Hinalikan pa nito ng mabilisan bago ito ihatid sa locker kasi ilalagay muna ang bulaklak na bigay niya. Salamat Trev. Magstay ka pa ba? Tanong ng dalaga dito. Oo babe. Sa yate ako matutulog kaya ok lang na magpuyat ako. Sagot naman ng binata at ninakawan uli ng halik si Macy. Nakakailan ka na. Tinampal pa nito ang binata. Diyan ka na Trev. I'll just see you around. Paalam na lang ni Macy sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD