Umaasa

962 Words
Inantay ni Trevor si Macy sa trabaho nito. Kahit hindi naman na sumama ang babae sa paglalayag nila, ang importante naging ok sila ng dalaga. Hindi niya napigilan ang paghalik sa dalaga kanina. Napakasarap ng mga labi nito na gusto niya uli matikman. Tila may mahika itong humihigop sa katinuan ng binata. Panay ang sulyap ni Trevor kay Macy habang nagbibigay ito ng order sa mga customers. Paminsan nahuhuli din niya ang dalaga na napapatingin sa gawi niya. Nginingitian naman niya ang dalaga na umiiwas na lang kasi sa kakulitan na din niya. Kapag dumadaan naman ito sa gawi niya, nagmamadali na lang ito at panay ang tukso ng mga kasamahan nito sa kanilang dalawa na sinasakyan naman niya. Dumaan muna si Macy sa bar counter para awatin ang pag-iinom ni Trevor. Trev tama na yang pag-inom mo. Mukhang tubig na lang ang tingin mo diyan sa alak ah. Babe I'm ok. Nalulungkot lang at hindi kita makakasama bukas. Hindi ko pa naman sure talaga kung hindi nga ako makakasama. Titingnan ko pa. Tama na muna yang pag-inom mo. Baka mamaya may lumapit pa sayo diyan at ayain ka. Hindi na naman kita papansinin, sige ka. Aba nagseselos ata ang babe ko ah. Biro nito sa dalaga. Hindi ah. Selos ka dyan. Sabi na lang ng dalaga at pumunta muna ng kusina kaya hindi alam ng dalaga kung ano ang gagawin nito sa kusina. Nagulat na lang ang binata ng may umuusok na kape ang dala ng dalaga na papunta ito sa kanya. Oh inumin mo ito para hindi ka na masyadong malasing at tama na yang pag-inom na yan. Marami pang araw para uminom ka. Sermon nito sa binata. Sarap naman mag-alaga ng babe ko. Salamat babe. Sige hindi na ako iinom. Basta aantayin kita ha. Pupunta na lang muna ako sa opisina ng pinsan ko baka iinom na naman ako dito kapag dito ako tatambay. Malapit naman na ang out mo. Salamat dito sa kape babe. Bulong pa nito sa dalaga bago ito nakawan ng halik at dumeretso na sa opisina ng pinsan nito. Nakaisa na naman ang mokong na yun. Malalagot talaga yun sa akin mamaya. Sambit na lang ng dalaga ng umalis ang binata sa harap niya. Pinsan mukhang may tama ka na ah. Bakit may kape kang dala? Tanong ni Quennie pagkakita nito sa binata na may bitbit na umuusok na kape. Nagtimpla si Macy. Huwag na daw ako inom ng inom at baka malasing ako. Nangingiti pang turan ng binata pagkatapos nito humigop ng kape. Baka naman ipaframe po pa yang tasa pinsan. Alalahanin mo, akin yan. Panunudyo nito sa binata. Pwede ba pinsan? Bibilhan na lang kita. Seryoso ka pinsan? Sayo na lang yan pinsan. Madami naman akong tasa. Hindi naman magiging kawalan yan. Sagot na lang ng pinsan nito. Salamat pinsan. Binigyan mo talaga ako ng idea na itago itong tasa na tinimplahan ng kape ni Macy. Supporter talaga kita. Nalulungkot lang ako at hindi ko siya makakasama bukas sa paglalayag namin. Magiging unang beses kong walang date nito bukas. Ayaw ko na maghanap ng makakadate at baka magalit si Macy kapag nalaman niya. Lagot na ako talaga, ngayon pang ok na kaming dalawa. Tama yan pinsan huwag ka ng gumawa ng ikakagalit niya. Bakit naman daw hindi siya makakasama bukas? Pagtatanong ng pinsan ni Trevor. May follow up check-up kasi ang nanay niya bukas at may pasok din siya dito. Sagot naman ng binata. Ganun ba. Sana naman makasama siya para sumaya ka naman pinsan. Baka may maharbat ka na namang babae kapag doon ka sa isla kung saan kayo pupunta. Hindi naman pinsan. Good boy na ako. Hindi ko gagawin yun baka tuluyan ng magalit si Macy. Ilang araw din akong hindi niya pinansin kaya ayoko na mangyari yun pinsan. Pagkatapos ng duty ni Macy lumabas na siya. Hindi na niya nakita pa si Trevor kaya nagulat na lang siya na nasa labas na ito ng bar at nakasandal sa kotse nito. Babe hatid na kita. Maaliwalas naman ang mukha ng binata kaya alam ni Macy na ayos na ito. Sure ka bang ok na pakiramdam mo Trev? Nahimasmasan ka na ba? Oo naman babe. I'm good. Salamat sa kape na tinimpla mo. Pinakita pa nito ang tasa na hinugasan niya kanina. Bakit naman nasa iyo pa ang tasa na yan? Nagtatakang tanong naman ni Macy. Remembrance ko ito na inalagaan mo ako babe. Sagot ng binata na niyakap naman ang naguluhang dalaga. Tara na. Hatid na kita. Sa yate naman na ako matutulog. Unless gusto mong samahan ako. Pabulong na saad nito sa dalaga na kinurot naman siya. Ano ka siniswerte. May lakad ako ng maaga bukas. Tara na. Baka ano pa ang maisipan mo at hinila na ang binata. Joke lang babe. Hindi ako gagawa ng ikakagalit mo. Sagot naman ng binata at ginagap ang kamay ng dalaga na hindi naman nito binawi. Pagdating sa bahay ng dalaga. Bababa na sana ang dalaga ng pigilan ito ni Trevor. Bumaba ang binata at pinagbuksan nito si Macy ng pinto ng sasakyan nito. Salamat Trev. So pano pasok na ako. Umuwi ka na din para makapagpahinga ka na din. Salamat dito sa bulaklak at ingat ka sa paglalayag mo. May kasama ka ba bukas? Tanong nito sa binata na tiningnan ito ng maige kung magsisiningaling ito. Wala akong kasama babe. Are you fishing kung may babae akong dadalhin? Wala babe at ikaw dapat ang isasama ko kaso hindi ka naman pala pwede. Pasok ka na babe. Good night. Yumakap na ito sa dalaga at masuyong humalik dito. Nawiwili ka talaga sa paghalik Trev. Sige na. Good night. Pagtataboy pa nito sa binata. Kumaway pa ito sa binata bago pumasok sa loob ng bahay nila. Napahawak pa ito sa dibdib na parang kinikilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD