Maagang nagising si Macy kinabukasan dahil sa rin sa check-up uli ng nanay nito.
Hindi pa naman siya halos nakatulog kagabi dahil na rin sa halik na pinagsaluhan nila ni Trevor.
Nay ready ka na ba? Bungad nito sa Nanay ng makitang gising na ang ina na kasalukuyang nagkakape.
Oo anak pero sana maging ok naman kahit papano yung check up mo ngayon Nay.
Sana nga anak basta ang importante ngayon anak ay maoperahan ako para naman alam kong makikita ko pa ang araw na mag-aasawa ka at magkakaanak.
Nanay naman kahit boyfriend wala pa ako. Paano pa kaya ako magkaroon ng asawa nito. Nagbiro na lang ang dalaga sa ina kahit umaasa naman siya na magkakaroon sila ng espesyal na relasyon. Naalala tuloy niya ang namagitan sa kanila ng binata na kinangiti ng dalaga.
Anak mukhang maganda ata ang gising mo. Tanong nito sa dalaga na kinapula ng mukha ng dalaga.
Nay naman eh, inspired lang po. Maliligo na po muna ako Nay para maaga po tayong matapos sa ospital.
Sige anak. Tapos naman na akong maligo. Aantayin na lang kita. Ihahanda ko na lang ang pagkain mo.
Ok Nay, may text din kasi ang manager ko sa bar na may ipapasuyo daw sa akin. Pinapapunta ako sa bar. Sinabi ko na lang na check-up mo ngayon kaya kahit mamaya na lang daw ako pumunta pagkatapos kita ihatid dito sa bahay.
Ganun ba anak. Siya sige bilisan mo na ganyang may utos pala ang manager mo.
Minadali na lang ni Macy ang pagligo at alam niyang may pupuntahan pa siyang iba. Naging mabait sa kanya ang manager niya na pinsan naman ni Trevor kaya hindi na siya nagdalawang isip na sundin ang iuutos nito sa kanya.
Pagkatapos mag-almusal ng dalaga ay umalis na din sila agad ng nanay niya. Hindi naman nagtagal at nakarating na sila sa ospital. Umaayon naman sa kanya ang pagkakataon, hindi gaanong madami ang nagpapakonsulta kaya mabilis lang sila naasikaso ng doktor. Naging maayos naman ang konsultasyon ng ina. Ang payo lang ng doktor na agapan ang operasyon ng ina nito para hindi na lumala ang kondisyon nito.
Nay ihahatid na kita sa bahay para maaga na din ako makauwi ha. Sambit nito sa ina ng nasa tricycle na sila pauwi sa kanila.
Sige anak huwag mo na akong alalahanin at nasa bahay naman si Dino.
Makakauwi ka pa ba o papasok ka na din pagkatapos mo sa inuutos ng manager mo.
Hindi ko rin alam Nay kasi ang alam ko lang pinapunta ako doon. Depende siguro kung maaga ako makakatapos baka makauwi ako kaagad pero kung hindi naman, papasok na lang ako agad. Sagot naman ng dalaga sa ina nito.
Basta Nay kapag may problema tawag ka lang sa akin ha. Bilin nito sa ina pagdating sa bahay. Magbihis lang muna ako at amoy pawis na ako Nay. Paalam nito sa ina na pumasok na sa kwarto.
Pagkabihis ng dalaga ay umalis na ito pagkatapos magpaalam sa ina na nagpapahinga naman sa kwarto nito.
Nay aalis na po ako. Huwag pong kalimutan ang vitamins mo ha. Nasabihan ko na po si Dino na mag text o tumawag sa akin.
Masyado kang nag-aalala anak. Umalis ka na habang maaga pa at hindi ka naman masyadong mapagod. Huwag ka na lang din umuwi para makapagpahinga ka na muna bago ka magtrabaho.
Ok Nay. Salamat po. Aalis na po ako. Paalam na nito sa ina pagkatapos ito halikan sa noo.
Mag-iingat ka anak. Kumaway pa ito sa kanya ng lingunin niya ang ina.
Nilakad na lang ng dalaga ang pagpunta sa bar at gusto niya makita ang yacht club na inaasam niyang mapuntahan. Hindi na niya masyadong namamasdan iyon at gabi na siya halos pumapasok. Hindi na niya nasisilayan ang nagagandahang yate na nakadaung. May isang yate na nakaagaw ng pansin niya. Inaasam na balang araw makakasakay din siya doon ata sana si Trevor ang makakasama niya.
Napakatindi ng ilusyon mo babae ka. Piping sambit naman ng dalaga na nilingon na ang yacht club. Nagtataka siya na nakita niyang mukhang may selebrasyon dito. Napapalamutian ang maliit na espasyong malapit sa pantalan. Naiinggit tuloy ang dalaga na nakikitang may sasakyang paroot parito sa loob. May nakikita pa siyang magkakapareha na umaakayat na sa yate.
Naisipan niyang tanungin ang guard na madadaanan niya kasi curious siya kung ano ang nangyayari sa loob.
Manong ano pong meron dyan sa loob. Tanong nito sa guard ng yacht club.
Merong get together ang mga members ineng. Mamaya bago lumubog ang araw magmalayag sila. Buwan-buwan nila ginagawa yan kaya madaming tao ngayon pero hindi basta nakakapasok ang hindi miyembro o wala kang kakilala sa loob kasi mahigpit sila.
Ganun po ba manong. Salamat po. Sambit na lang ng dalaga bago lisanin ang lugar.
How I wish makapasok ako diyan. Nangangarap na saad ng dalaga.
Saan na kaya so Trevor diyan. Nilingon pa niya uli ang lugar bago nagmamadaling puntahan ang bar na pinagtatrabahuhan.
Ma'am Queenie, tawag niya sa manager habang kinakatok ang opisina nito. Kasalukuyan pang nililinis ang lugar para sa pagbubukas nito mamayang gabi.
Bukas yan, sagot naman ng dalaga sa loob nito.
Oh Macy andito ka na pala. Kamusta naman ang konsultasyon ng nanay mo?
Tanong nito sa kanya.
Mabuti naman po Ma'am. Sagot naman ni Macy dito.
May ipapasuyo lang ako sayo sa yacht club. May selebrasyon kasi doon. Eh yung kaibigan ko na kasama sa paglalayag naiwan yung gamit dito kanina kasi may pupuntahan pa siya. Tumawag siya sa akin ngayon lang na baka magahol siya sa oras kapag pupuntahan pa niya dito kaya sayo ko na lang papasuyo. Para na rin makita mo yung yacht club na sinasabing gusto mo sanang makita. Ikaw agad naisip ko.
Salamat naman ma'am. Pangarap ko talagang makapasok at sana one day makasakay din sa yate doon. Dagdag ng dalaga.
Huwag mo na akong tawagin na Ma'am. Queenie na lang. Nakangiting sambit nito.
Maya-maya ka na lang pumunta doon kasi alam ko pagod ka. Naitawag na naman ng kaibigan ko ang pangalan mo kapag pumunta ka doon. Merienda muna tayo.
Sige, tama at gutom na din ako. Natakam bigla ang dalaga sa pizza na inalok sa kanya ni Queenie.
Nasisiyahan si Queenie sa balak gawin para sa dalaga. Sige kumain ka lang. Ito nga pala ang luggage ng kaibigan ko. Iaakyat mo na lang ito sa yate na isesend ko sa messgenger mo. Nasend ko na.
Nagulat si Macy sa nakitang picture kasi yun ang yate na gustong gusto niyang akyatin.