Movie night

1103 Words
Pagkatapos maligo ni Macy. Nakaabang na agad si Trevor sa labas ng banyo para ito naman ang maligo. Hinigit muna nito ang dalaga at binigyan ng isang makapugtong halik. Para saan naman yun babe. Tanong ng dalaga habang nakayakap sa binata. Sa pagbitin mo sa akin kanina. Maniningil ako mamaya kaya maghanda ka na. Bulong ng binata dito na nagpataas ng balahibo ni Macy. Ikaw talaga. Puro na lang yan ang iniisip mo. Babe sa ganda mong yan kahit sinong lalaki gusto magkulong sa kwarto kaya nga ang swerte ko at ako ang lalaking yun. Sambit naman ng binata na hahalik na naman sana kay Macy ngunit bumitaw na siya dito. Babe maligo ka na. Tama na muna ang harot. Manonood pa tayo ng movie remember. Saad ng dalaga dito na tinutulak na si Trevor papuntang banyo para makaligo na ito. Babe naman naglalambing lang ako eh. Samo naman nito sa dalaga. Yung paglalambing mo iba ang pupuntahan niyan. Hindi ka naman makakatanggi babe. Alam ko yan. Saad ng binata na hinawakan na naman ang mukha ng dalaga at binigyan uli ng masuyo na halik. Syempre babe. Ikaw naman yan eh. Hindi kita mahihindian. Malakas ka sa akin eh. Mamaya ka na kasi babe magharot. Manood muna tayo ng movie kaya maligo ka na. Si Macy na mismo nagbukas ng pinto ng banyo at nagpapasok sa binata doon para hindi na ito makatanggi. Siya na rin ang nagsara para makasigurado. Sigurista ka talaga babe. Sambit naman nito na natatawa at sinara na ang pinto. Hindi nito nilock ang pinto. Babe ilock mo ang pinto. Saad ni Macy sa binata. Huwag na babe. Baka maisipan mong pasukin ako, ok lang. Willing victim ako. Naku babe. Ligo na. Gusto ko ng manood ng movie. Sagot na lang ng dalaga na naiiling sa kakulitan ng kasintahan. Pagkalabas ni Trevor sa banyo, nakatapis lang ito ng tuwalya na papunta sa pwesto ni Macy. Babe pwede mo ba iabot ang damit ko. Sambit nito sa dalaga na nakaupo sa kama. Nilatag kasi ni Trevor ang damit nito sa kama. Inabot naman ito ni Macy sa binata na hindi alintana ang gagawin nitong kalokohan. Babe ano ba. Sambit nito ng hilahin ito ng binata at yakapin. Maniningil na ako babe. Sabay halik sa dalaga. Babe naman eh. Mamaya na kasi. Kunwaring naiinis na sabi nito sa binata pero ang totoo kinikilig naman ito. Ayaw mo na sa akin babe? Sambit nito sa dalaga. Aba marunong ka ng magtampo babe ha. Sambit ng dalaga at lumapit na ito sa kasintahan para yakapin ito. Hindi ka naman mabiro babe. Huwag ka ng magtampo. Gusto ko lang naman manood tayo ng movie eh. Pilit nitong pinapaharap ang nobyo na hindi naman humaharap. Hindi ka talaga haharap? Sige ka. Hindi mo ko masisingil mamaya. Pagbibiro nito sa binata. Bigla na lang humarap si Trevor at niyakap ang dalaga na hindi naman pumalag. Biro ko lang yun babe. I just wanna hug you like this. I wanna be with you forever. Madamdaming sambit naman ng binata sa nobya. Babe talaga napakasweet. What movie do you want. Tanong nito sa binata habang nagsesearch siya ng movie at nagbibihis naman ito. Hindi nito alintana ang pagbuburles ni Trevor. Babe nagbuburles ka na naman. Pagbibiro nito sa nobyo. Sanay ka naman sa katawan ko babe eh. Hindi naman nila ito matitikman. Sayo lang ito babe. Sagot naman ng binata. Talaga naman. Subukan lang nila na kunin yan at magkakamatayan. Pagsakay nito sa biro ng binata. Babe naman eh. Sambit ni Trevor sa dalaga habang lumapit dito. Totoo yun babe. Huwag sila magkamali. Baka naman gusto mo naman kasi paagaw babe kaya ganyan ka. Hindi babe eh. Para sayo lang ako. Sumiksik pa ito sa leeg ng dalaga. Tara na manood na tayo baka maningil ka bigla. Natatawang sambit nito sa binata. Romance comedy pinanood ng magkasintahan habang kumakain ng popcorn na inorder naman ng binata sa resto. Babe may gusto ka pa bang kainin? Tanong naman nito sa dalaga habang ngumunguya ng popcorn. May ice cream babe? I want a rocky road sana. Lambing nito sa kasintahan. Sige order ako babe. Yun lang ba? Tanong pa uli nito sa dalaga habang dinadial ang resto na pag-oorderan. Yun lang babe. Salamat. Sambit nito sa binata na binigyan pa ito ng halik. Parang gusto ko laging tanungin ka kung ano gusto mong kainin ah para may halik ako pagkatapos. Saad nito sa dalaga na pinamulahan naman ng mukha. Puro ka biro babe ha. Kinurot pa nito ang kasintahan. Tawa na lang sinagot ng binata at lumapit sa dalaga at inunan ang hita nito. Hinahaplos naman nito ang buhok ng binata. Yan nga babe. Mukhang makakatulog ako nito ah. Sarap ng ginagawa mo eh. Babe manood ka ng movie. Ang ingay mo. Saway nito sa binata na pinagpatuloy naman ang paghimas sa ulo nito na mukhang matutulog na. Hinayaan na lang niya muna ang binata. May bigla naman kumatok sa pintuan kaya tumayo muna si Macy para tingnan kung ang nagdala na ba ng inorder na ice cream yun. Natatakam na talaga ang dalaga. Lately nahihilig siya kumain. Hindi naman siya gaanung tumataba kaya hindi na niya pinapansin ang katakawan niya. Inayos niya muna ang ulo ng binata na tuluyan ng nakatulog. Hindi na lang niya muna ito ginising. Pagbukas niya ng pinto ang waiter nga na nagdala ng ice cream na order nila. Salamat po. Room charge na lang po. Sambit naman ni Macy sa lalaki na nagdala nito. Ok ma'am. Enjoy your stay po. Umalis na din agad ito pagkabigay ng ice cream. Sinara na din ni Macy ang pinto at nilagay na muna sa mesa ang ice cream. Natutulog pa din ang nobyo kaya sinimulan na niyang kainin ang ice cream. Takam na takam sa pagkain ng ice cream si Macy na hindi nito namalayan ang paglapit ni Trevor. Babe ang daya mo naman. Iniwan mo ako dun. Hindi mo man lang ako inaya na kumain. Saad nito sa nobya na niyakap mula sa likod nito. Gising ka na pala. Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising. Kain tayo babe. Yaya nito sa binata na sinubuan naman ng kinakain na ice cream. Sarap babe noh. Sambit ni Macy na dinidilaan pa ang kutsara na gamit. Babe huwag kang ganyan. May pinapahiwatig ka naman eh. Maniningil na ba ako. Bulong nito sa dalaga. Babe kain lang ako. Maya na yan. Saway nito sa kanya. Hindi pa tapos panonood natin kaya doon ka na sa sofa kumain nyan habang hinahaplos mo ulo ko babe. Sarap nun eh. Sige, Tara na babe. Yaya nito sa nobyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD