Being with you ❤️❤️❤️

841 Words
Nakatulog na si Trevor sa paghaplos/masahe ni Macy sa ulo niya. Nakakarelax. Hinayaan na muna ni Macy ang binata na makatulog. Inayos nya ang mga kalat nila. Niligpit na muna niya iyon. Babe sa kama ka na matulog. Sambit ni Macy sa nobyo habang niyuyugyog ito. Babe, bulong niya uli sa binata ng hindi naman ito natinag. Niyugyog niya uli ito ng bigla naman nitong hinaklit ang bewang niya dahilan para pumaibabaw siya sa binata. Babe nagkukunwari ka lang pala na natutulog eh. Sambit nito sa binata. Nakatulog talaga ako babe. Sagot naman nito sa nobya. Tapos na ba ang movie. Tanong nito sa dalaga na hinahaplos ang mukha nito. Oo babe. Kanina pa. Nakaligpit na din ako kaya kita ginising para lumipat ka na sa kama. Late na din, matulog na tayo. Mukhang may iba akong gusto gawin babe. Kindat pa nito sa kasintahan. Babe ayan na naman ang mga litanya mo eh. Ayaw mo naman ata babe eh. Pagtatampo nito kunyari sa dalaga pero hinuhubad na ang bra ng dalaga. Ang bilis talaga ng kamay mo babe. Akala ko kasi pinapahubad mo na babe kaya nagkusa na ako. Nangingiti namang sambit nito kay Macy. Ang daming alam. Tara na babe. Tama na muna ang pangungulit na yan. Pagod ako babe. Matulog na tayo. Tumayo na si Macy at hinihila na si Trevor para matulog na sila. Sige na nga. Sa ibang pagkakataon na lang. Hindi ka na makakahindi sa akin babe. Paninigurado nito sa kasintahan bago ito akbayan at humiga na silang magkayakap sa kama. Babe uuwi na ba tayo? Tanong nito sa binata. Oo babe. Bukas ng hapon. May lunch lang tayo bukas kasama ng grupo bago tayo lalayag uli. Andito na din ang makakasama natin sa paglalayag kaya hindi na ako paalis-alis sa tabi mo, maliban na lang kapag may kailangan akong gawin sa labas. Kahit naman ikaw lang mag-isa hindi na naman masyado umaalis sa tabi ko ah. Sambit naman ng dalaga. Mas maganda na may kasama na tayo babe kasi mas madami na akong oras sayo. Sagot naman ni Trevor sa kasintahan. Sabi mo babe eh. Makikita ko na si Nanay babe. Namimiss ko na siya. Yung operasyon niya babe ha. Schedule na natin. Paalala niya dito. Oo babe. Naka sched na yun. Go signal mo na lang. Sagot naman ni Trevor. Talaga babe. Salamat. Tanong ko na lang sa doktor niya kung pwede na talaga natin paoperahan ang nanay ko. Dapat ready na siya sa operasyon. Gusto ko naman na maging successful iyon para makita pa ng nanay ko ang magiging apo niya sa akin. Apo niya sa atin babe. Correction. Sambit ni Trevor sa dalaga na kinilig naman. Ikaw talaga babe. Kinurot pa nito ng pino si Trevor na napauklo naman. Masakit babe ha. Sorry babe, sambit naman ng dalaga na hinalikan pa ang kinurot niya. Sana pala sa lips mo ako kinurot para doon mo ako halikan babe. Pagbibiro pa nito sa kasintahan. Madami ka talagang alam na kalokohan babe. Sayo lang naman ako ganito babe eh. Hindi naman sa iba. Nakangiting sambit ni Trevor sa dalaga. Dapat lang babe kasi iba na yun kapag pati sa iba ganito ka din. Masasampal na talag kita kapag ganun. Matulog na nga tayo babe. Baka saktan mo na naman ako. Mamaya na ako maniningil. Matutulog na muna ako para may lakas ako mamaya. Sambit naman nito sa dalaga na niyakap na ito at hinalikan sa noo. I love you babe. Sambit naman ni Trevor. I love you too babe. Good night. Sagot naman ni Macy. Good night. Sleep well babe. Ikaw din, sambit ni Macy at siniksik na ang mukha sa leeg ng binata. Hindi siya magsasawang amuyin ang binata at napakabango talaga nito lagi. Natulog na ang magkasintahan. Nagising si Trevor ng madaling araw dahil sa nababanyo siya. Napangiti siya ng makitang nakanganga pa ang nobya pero maganda pa rin ito tingnan kaya hindi siya magsasawang tingnan ito. Hinalikan niya ng may pagsuyo ang noo nito at pumunta na sa banyo. Kinakapa ni Macy si Trevor pero hindi niya ito maabot. Nagmulat siya ng mata pero wala talaga ang binata. Narinig niya na may ngflush ng toilet kaya nalaman niyang nagbanyo ito. Babe, nagising ba kita? Nagbanyo lang ako. Saad ni Trevor sa binata ng nakita niyang nakamulat ang mata ng kasintahan. Nagising lang ako babe na wala ka sa tabi ko. Tulog na tayo uli. Lumapit na si Trevor sa dalaga at niyakap uli ang dalaga para makatulog ito uli. Hinalikan niya ito ng marahan. I love you babe. Sambit nito sa dalaga na nakatulog na uli kaya hindi na siya nasagot. Naisipang kumuha ng picture si Trevor na nakayakap siya kay Macy. Maganda ang pagkuha niya kaya pinost na agad niya ito. With my love. Ang caption na nilagay niya. Natulog na din siya pagkatapos niya ito ipost. Nakangiti pa siyang pinagmasdan uli ang dalaga na natutulog. Napakaganda talaga ng mahal ko. Sambit ni Trevor sa dalaga. Ninakawan pa niya ito ng halik sa labi bago pinikit ang mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD