Meet the family ❤️❤️❤️

1044 Words
Maagang naubos ang paninda nila Macy kaya maaga siya nakauwi. Sinama niya si Trevor sa bahay nila para ipakilala ito sa ina. "Pagpasensyahan mo na ang munti naming tahanan. Baka nga banyo nyo lang ito eh". Sambit ni Macy sa binata na binubuksan ang pinto para makapasok na sila. "Huwag kang masyadong mangamba. Hindi naman ako tumitingin sa karangyaan kundi sa ugali". "Mabuti naman kung ganun. Ok lang ba sayo na dito kumain? Pinagluto ako ng nanay ko eh. Pero hindi ko pa alam kung ano niluto niya ngayon kasi ang sabi lang niya ipagluluto niya ako. Masarap magluto ang nanay ko kaya tiyak magugustuhan mo". "Nay may bisita po tayo". Tawag nito sa ina na nasa loob ng kwarto. "Saglit lang anak at nagbibihis ako. Nakahain na ako dyan, isama mo na ang bisita mo sa pagkain. Madami naman ako niluto". Sagot naman ng ina ni Macy. "Tara na Trev kain na tayo. Gutom na ako at magpapacheck-up pa kami pagkatapos. May pasok pa din ako mamaya sa bar". "Hindi ka ba napapagod? Ang sipag mo eh, madami kang raket". "Kailangan kasi ako lang ang inaasahan nila Nanay. Matanda na siya kaya gusto ko na dito lang siya sa bahay. Gusto ko na suklian lahat ng kabutihang nagawa niya sa akin simula ng kupkupin niya ako. Malaki ang utang na loob ko sa kinalakihan kong nanay kaya doble kayod ako para may magandang buhay akong maibigay". "Napakabait mo naman ba anak babe. I'm so proud of you". "Asus may paganyan ka ng linya Trev ha. Gutom lang yan kaya halika na at ng malantakan na tong niluto ng nanay ko". "Ang paboritong ginataang tilapya ang niluto ng nanay ni Macy, meron ding pinakbet at piniritong galunggung. Kumakain ka ba ng mga ito?" Tanong dalaga kay Trevor bago ito bigyan ng pinggan at baka hindi naman nito magustuhan ang ulam nila. "Ano ka ba babe, gusto ko yan. Masarap yan. Hindi man ako lagi nakakatikim niyan atleast ngayon kasama ko naman ang pinakamagandang babae na nakilala ko na kakain ng mga yan". "Nambola na naman po ang mama". "Hindi ah, ang ganda mo kaya nga ang daming umaaligid sa bar, gusto na sila pagsusuntukin para hindi ka na kunin sa akin eh". "Possesive ka pala. Masama yun". "Yes I'm possesive if I really like the girl. I'm getting jealous when you smile at them, yung sa kanila ang ganda ng ngiti mo pero sa akin ang damot ng ngiti mo". "Asus naman may pagtampo. Madami ka namang babae kaya hindi ka mauubusan". "I'm not serious with them pero sayo gusto kong sa akin ka lang. Naiinis ako kapag may ibang lumalapit sayo baka kapag nalingat ako bigla na lang may aagaw sayo. Hindi ko yun papayagan". "Ito na naman po tayo. Gusto mo ng kanin. Alok na lang ni Macy sa binata para maiba ang topic nila". "Ayaw mo ba sa akin? Ano ang mali sa akin? Hindi ko kasi alam kung may nagawa akong mali kaya parang hindi ka naniniwala man lang", pagtatampo nito sa dalaga. "Trev huwag na muna natin pag-usapan yan. Wala pa naman sa bokabularyo ko ang mga ganyan. Madami pa akong dapat gawin. Sa ngayon pamilya ko na muna ang uunahin ko". Sagot na lang ng dalaga na kinalungkot naman ng binata. Kita sa maya nito na biglang nawalan ng buhay. "Ok babe, I'm willing to wait until you want me to be in your heart". "Thank you, I really appreciate all your help and support. Thank you for being sa friend, baka hindi natin alam one of this days ako na pala naghahabol sayo". Pabirong sabi nito sa binata na hindi na nakaimik. "Hoy, ok ka lang ba? Hindi kita inoobligang antayin ako ha. You have so many admirers, madaming naghahabol sayo na mas maganda sa akin, na mas nakakaangat sa buhay, na maipagmamalaki sa pamilya at kaibigan mo. Basta tatandaan mo na open palagi ang munting tahanan namin para sayo". "Salamat. Kain na tayo". Walang ganang sambit na lang ng binata. Naghihinanakit siya kay Macy kasi mukhang pinagtatabuyan naman siya nito. Hindi siya binibigyan ng pagkakataong ipakita ang pagkagusto niya sa dalaga. Mukhang mahihirapan siyang amuin ito at nakilala siya nitong playboy. Hindi naman niya madepensahan ang sarili at may mga article na tungkol sa kanya na madaming nakakadate na babae. Inaamin naman ni Trevor na lapitin siya ng mga babae. Nagkakasabay nga ang mag gf niya noong mga college days pa siya. Papatunayan niya kay Macy na ibang Trevor na siya. Ang lakas talaga ng tama niya kau Macy kaya hindi niya ito bibitawan. "Anak may bisita pala tayo". Bungad ng ina nito na kinalingon naman ni Trevor. Tumayo pa ang binata para magbigay galang sa ina ni Macy. "Mano po tita". Sambit nito sa ina ni Macy at nagmano. "Napakabait naman pala at ang ugali pa dati ang kinagisan mo iho. Pinalaki kang mabuting tao ng magulang mo. Godbless you". "Salamat po. Ganun po kami pinalaki ng magulang namin". Sagot naman ng binata. "Ilan kayong magkakapatid iho?" follow up question ng ina ni Macy. "Tatlo po tita, bunso po ako. Isa lang po ang babae sa amin. Yung kuya ko po may pamilya na. Ang ate naman nasa ibang bansa pa at nag-aaral pa ulit ng masteral niya". "Ganun ba iho, nagustuhan mo ba ang luto ko? Favorite kasi yan ng maganda Kong anak kaya niluto ko sa kanya, pambawi sa lahat ng hirap nya sa amin. Napakaswerte ko dito sa anak ko, bukod sa maganda na masipag pa at mahal ba mahal kami ng kapatid niya". Pagmamalaki ng ina ni Macy. "Oo nga po Nay, maswerte po kayo sa pagkakataon ng anak na katulad ni Macy". "Andito na ang dalawang bolero. Kumain na muna tayo at malapit na tayo umalis nay para sa check-up mo". "Ihahatid ko na kayo Tita. Kahit sa munting paraan matulungan ko kayo. Salamat po dito sa pagkain tita. Ang sarap po ng luto ninyo". "Mabuti naman at nagustuhan mo iho. Basta kapag pumunta ka uli dito ipagluluto kita. Ano bang gusto mong putahe? Aaralin ko para maluto ko sayo". "Sinigang po. Kahit anong klaseng sinigang po kinakain ko. Yung medyo maanghang po ha". Request pa nito sa ina ni Macy. "Sige iho akong bahala". Sagot naman nito sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD