Being nice and sweet❤️❤️❤️

1086 Words
"Ang aga mo magising anak". Tanong ni Aling Teresa sa anak na kumakain na ng almusal. "Magtitinda muna ako Nay sa palengke para may pandagdag tayo sa gastusin natin". "Ang sipag mo talaga anak. Uwi ka agad pagkatapos mo at ipagluluto kita ng masarap na ulam para sa tanghalian bago tayo umalis". "Gusto ko yan Nay. Aalis na ako Nay, mag-almusal ka na din po". Humalik na ito sa noo ng ina bago lumabas ng bahay. Nagtataka si Macy pagpasok sa palengke kasi madami ang tao na mukhang may shooting at malapit pa iyon sa pwesto niya. Nakasalubong niya ang kasamahan niyang nagtitinda kaya tinanong niya muna ito. "Aling Lita bakit po madami atang tao, ano pong meron?" Tanong nito sa ginang. "Naku ineng, may nagtitinda sa pwesto mo kaya madaming bumibili. Kasama ng kapatid mo ngayon. Mukhang maaga ka makakauwi". Sagot naman ni Aling Lita na ipinagtataka talaga ni Macy kasi ang kapatid lang naman ang pinagbabantay niya dito at bakit pa ito kumuha ng makakasama eh may kahati pa sila sa kikitain. "Malalagot ka talaga sa akin Dino", piping sambit na lang ni Macy sa sarili at dali-dali na itong pumunta sa pwesto nila. May nakatalikod na lalaking matangkad sa pwesto niya. Bigla itong humarap na kinagulat naman ni Macy. Si Trevor pala ang lalaking sinasabi nilang kasama ng kapaitid niya na nagtitinda. Nakalilis ang long sleeve nito na alangan sa porma nito sa palengke. "Babe andito ka na pala. Tinulungan ko na ang kapatid mo kasi alam kong may check-up ang nanay mo mamaya. Alam Kong pagod ka kagabi kaya this is my way of helping you kaya huwag ka na magalit". Dere-deretso nitong saad kag Macy na kinatuwa naman ng dalaga pero hindi na pinahalata sa binata at baka ano pa isipin nito. "Trev salamat at tumulong ka pero sana hindi ka na nag-abala. Alam kong busy kang tao. May negosyo ka, sana hindi ka na nag-aksaya ng oras mo dito". Kiming sambit ni Macy. "Wala naman to eh, tinutulungan lang naman kita. Hindi pa naman kami magkikita ng magulang ko, bukas pa yung meeting namin kaya kailangan ko ng inspirasyon para sa mahabang diskusyon namin bukas kaya ako andito ngayon na nakatunghay sa kagandahan mo". "Nagsisimula na naman ang the moves mo ha. Tingnan mo ang mga babae sa paligid hindi na magkamayaw sa pagtingin dito". Kinikilig ngunit Naiinis na turan ni Macy. "Huwag ka na magalit sa akin, sayo lang naman ako titingin eh. Hayaan mo na silang tingnan ako". Kumindat pa ito kay Macy na kinasinghap naman ng huli. "Kaw talaga, kumain ka na ba? Nagdala ako ng almusal sa kapatid ko. Pagsaluhan na ninyo". Inutusan na nito si Dino na ayusin ang kakainin nito at ni Trevor. "I'm still full pero ikaw ang nagsabi na kumain ako kaya kakain na ako para maramdaman ko naman ang pag-aalaga mo babe". "Baliw ka talaga Trev. Kumain ka na at baka hindi ka naman talaga nabusog sa kinain mo kanina kaya kung anu-ano na pinagsasabi mo". Natatawang sambit ni Macy. "Ikaw kumain ka na ba?" Tanong kapagkuwan ni Trevor at sinimulan ng sumubo ng sinangag. "Ay nga pala kumakain ka ba ng tuyo?" Nahihiyang tanong nito sa binata kasi yun ang ulam na dala niya.. Meron ding itlog na may kamatis at tocino. "Oo naman hindi naman ako mapili eh. Ikaw pa ang nagprepare kaya mas espesyal", sagot naman ng binata. "Ikaw talaga masyadong madaming sinasabi". "Ay beshy andito ka na pala". Impit na sigaw ng kaibigan ni Macy na si Manuel. "Sino naman itong papable na itey". Tanong nito na itinuturo si Trevor. "Omg besh siya ba to?" At binuyangyang ang hawak na magazine. Inagaw naman ito ni Macy sa kaibigan at pinandilatan si Manuel. Nakahalata naman ito sa ginawi ng dalaga kaya tumahimik na ito. "I'm Trevor, and you are?" Lahad ni Trevor sa kaliwang kamay kasi may kanin ang kanang kamay nito. "I'm Manuel friend ni Macy. Ang ganda naman ng pangalan mo pogi, parang lalaking - lalaki ang dating. Parang artistahin. Daig mo pa nga sila sa kagwapuhan eh". Kinikilig na sambit nito. "Salamat naman kung ganun, kumain ka na ba? Sabayan mo na lang kami. Kumain na kasi si Macy kaya ikaw na lang sumalo kung hindi ka pa din kumakain". Akmang sasalo na si Manuel ng hilahin ito ni Macy. "Aray naman besh. Hindi ko naman aagawin sayo, sasaluhan ko lang sa pagkain". Saad naman ni Manuel na inirapan pa si Macy. "Dukutin ko yang mata mo. Halika ka nga muna dito", aya ni Macy sa kaibigan. "Wait lang pogi at nagseselos ata sa akin ang kaibigan ko. Kausapin ko lang saglit para mahimasmasan na hindi ko siya tataluhin, titikim lang. Este titikim lang ng almusal". Nagpatianod na lang si Manuel ng hilahin siya ni Macy palayo sa pwesto nila. "Ikaw na maharot ka, huwag mo naman pakita yung magazine. Muntik na tayo dun ha. Baka akalain nun may gusto ako sa kanya at meron tayong kopya ng magazine kung saan niya nafeature. Baka lumaki ulo nun". Dagdag saad pa ni Macy. "Wala ka nga bang gusto? Mukhang nahumaling ka na nga din sa kanya eh. Ang gwapo pala niya sa personal besh. Ang bango pa. Kahit siguro pagpawisan yan ang bango pa rin. Ang swerte mo besh. Kahit hindi na nga pala tayo humingi ng tulong para makapasok ka sa yacht club. Meron ka ng kakilala sa loob. Besh ha, isama mo na lang ako kapag ikaw ang magiging date niya". "Naku beshy may gf na yan. Nakita ko sa bar yung babae at take note kahalikan niya. Kaya nirerendahan ko muna ang puso ko na huwag muna maniwala sa kanya eh. Mahirap na at baka umuwi akong luhaan. Pagkakaibigan lang muna". "Sabagay beshy huwag mo munang isusuko ang bataan at baka iwanan ka na lang kapag bumigay ka na sa kanya". "Hindi naman ako ganun beshy. Natutuwa lang ako at pumunta siya dito para tulungan kami magtinda. Hinatid din niya ako kagabi". Kinikilig na kwento ng dalaga sa kaibigan. "Wow besh consistent naman pala si fafa Trevor eh. Bet ko na siya para sayo. Pero besh pag-isipan mo muna kung seryoso ba talaga yan sayo kasi kung hindi ako na lang ang magpapaligaw sa kanya kahit landian lang kami at walang serious commitment ok lang sa akin". "Luka-luka ka talaga. Halika na nga at baka magtaka yun na wala pa tayo". "Namimiss mo lang eh". Panunukso nito kay Mia. Kinurot ni Macy ang kaibigan kaya nagtitili itong tumatakbo pabalik sa pwesto nila Macy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD