Getting to know ❤️❤️❤️

1040 Words
"Sir bakit kailangan pa nating sumakay pwede naman tayo maglakad na lang since malapit lang naman inuuwian ko". "Alam ko namang pagod ka kaya dapat pinapahinga mo naman katawan mo. This is the least I could do babe". "Hindi ka ba galit sa akin o naiinis dahil sa may kasama ako kanina?", pagkaklaro ni Trevor sa dalaga kasi alam niya mukhang nagseselos ito kay Soleen. Gusto lang niyang makasiguro. "Bakit naman po ako magagalit sir. Buhay nyo naman yan. Wala naman akong karapatan panghimasukan." Sagot na lang ng dalaga at tumahimik na siya kasi malapit na at bababa na din naman siya. "I was just curious kaya ako nagtanong", turan na lang ni Trevor na tumahimik na din. "Is it ok kung hihingiin ko yung contact no. mo?" Tanong nito kapagkuwan sa dalaga. "Oo naman po, wala namang masama". Sagot naman ni Macy. "Parang ang tanda ko naman sa po at sir. Hindi naman siguro ako sobrang tanda sayo babe". "Pasensya na, nasanay lang kasi ako. Ano ba gusto mong itawag ko sayo?" "Babe would be great". Sagot naman ni Trevor na kinawindang ni Macy. "Naku hindi naman ata makatarungan yun, wala pa naman tayo sa level na ganyan. Trevor na lang", sabay ngiti ng dalaga. "Nakakasama naman ng loob na ayaw mo akong tawaging babe".Turan ng binata sabay hawak sa dibdib nito na parang nasasaktan. "Kaw naman Trev. Napaka pusong mamon", sabay hampas naman ni Macy sa binata na sinalo naman ang kamay niya at hindi na binitawan. "I like it when you call me Trev, bago sa pandinig at ikaw pa lang nagbigay ng ganyang nickname sa akin". "Sige Trev na lang tawag ko sayo. Dito na nga pala ako bababa. Lalakarin ko na lang kasi eskinita na ang madadaanan hindi na magkakasya itong sasakyan mo, kasalanan ko pa kung magasgasan". Binigay na din ni Macy ang numero bago ito umibis ng sasakyan. Kumaway na lang siya ng umalis na ang sasakyan ng binata. Pagdating niya sa bahay nila, tumunog ang cellphone ng dalaga. Unknown number calling. Sinagot ito ng dalaga. "Hello", bungad nito pagkasagot ng telepono. "Hi babe, I was missing you already. I wanted to kiss you goodnight earlier but I know it was fast so I rather wait for the time when you realize I was the man you are looking for". Trevor chuckles. Napepreskuhan si Macy sa sinasabi ni Trevor at the same time kinikilig naman ang dalaga. "Talaga naman ang mga patutsada mo parang nagagamit mo lagi yan sa mga babae noh. Kaya ka nga pala naging most sought after bachelor kasi sa mga linyahan na ganyan". Sambit naman ni Macy. "Sayo ko lang to sinabi babe. Nakakasama ka naman ng damdamin, pinaratangan mo na agad ako ng ganyan". "Hindi naman I was just stating a fact Trev". Saad nito sa binata. "By the way thanks sa paghatid sa akin. So paano, magpapahinga na ako. Magtitinda pa ako sa palengke bukas". "Really now, madami ka palang sideline. So interesting", dagdag pa ng binata. "Kailangan kasi magpapacheck-up ang nanay ko. Gusto ko kasi malaman kung may sakit ang nanay ko kaya kailangan ko kumayod". "You are so kind daughter. Sana mabuti naman ang kalagayan ng nanay mo. Saan na palengke ka nagtatrabaho", tanong ni Trevor sa dalaga. "Malapit lang dito sa amin. Walking distance lang din para hindi ko na kailangan sumakay. Kailangan magtipid". "Magpahinga ka na babe. Ingat ka palagi. I will see you from time to time medyo busy lang ako this coming days kasi may meeting with my parents regarding sa negosyo namin at inaasikaso ko din ang negosyo ko. I will miss you babe". "Salamat Trev. Ingat ka din lagi. Bye". Paalam na din ni Macy at binaba na ang telepono nito. Tumunog ang notification ng dalaga sa f*******: na may friend request si Trevor. Ang gwapo nito sa profile pic kaya kinilig ang dalaga. Inaccept na niya ang friend request ng binata. May nagmessage agad sa messenger niya. Nagpadala ng picture si Trevor sa kanya. "I miss you already babe", ang message ng binata. "May picture talaga ha. Thanks uli". Sagot na lang ng dalaga sa message nito. "Nakakalungkot naman ang sagot mo. Pwede bang may kapalit na picture din para may remembrance naman ako". Request ni Trevor sa dalaga. Nagpadala na lang ng picture si Macy. "Ayan na baka magtampo ka", reply naman ni Macy. "You are so petty babe. I will make this my wall paper". "Huwag na Trev baka ano isipin ng mga girls niyan. Hindi ka na magkakaroon ng madaming chicks". Sagot naman ni Macy. "Hindi ko na sila kailangan kaya wala namang problema". "Napapahaba na pang-iistorbo ko sayo babe. Goodnight. See you in my dreams". "Goodnight Trev". Simpleng sagot na lang ng dalaga na napapailing sa kakulitan ni Trevor. "Anak andyan ka na pala", pupungas-pungas na tanong nito sa dalaga. "Bakit gising ka pa Nay? Bukas na tayo after lunch magpapacheck-up. Magtitinda muna ako sa palengke sa umaga, sayang naman". "Magpahinga ka na kaya muna bukas anak. Alam kong pagod ka ngayon". "Ok lang naman Nay, kaya ko naman. Ang importante bukas magpapacheck-up ka na. Magpahinga ka na Nay. Huwag ka na magluto bukas sa karinderya. Kailangan mo munang magpahinga". "Anak ginagawa mo naman ako imbalido eh. Kailangan ko din na tulungan ka sa mga gastusin natin dito. Hindi naman na ikaw lang lahat ang gagastos. Pagtutulungan natin dapat". "Salamat Nay pero ako na dapat ang kumikilos kasi tumatanda ka na". "Ang swerte ko naman talaga sayo anak. Sana nga makakahanap ka in the future ng mabait na lalaki at mamahalin ka kasi deserve mo yun". Sambit ng ina ni Macy. "Para namang iiwanan mo na agad ako niyan Nay ah pinamimigay mo na ako eh. Dapat makita mo pa ang apo mo sa akin Nay. Pero hindi muna soon Nay ha. Wala pa akong manliligaw eh". Pagbibiro nito sa ina. "Ikaw anak walang manliligaw eh madami ka nun, ikaw lang itong mapili pero alam ko naman na may rason ka kung bakit pinipili mo ang lalaking mamahalin mo". "Basta Nay iingatan mo lagi yang sarili mo ha. Matulog ka na Nay at susunod na ako. Goodnight Nay", humalik na din siya sa ina bago pumasok ng banyo para makapagbihis at makatulog na din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD