Paghatid

1045 Words
Naiinis si Macy kay Trevor dahil sa nilalandi siya nito ngunit may iba na namang kasama sa table nila. "Napakababaero talaga ng lalaking yun", inis na sambit ng dalaga na narinig naman ng manager nila. "Sino yung babaero Macy?" Nakangiting tanong ng babae. "Ah eh, wala ma'am. May nakita lang ako". Sagot naman ni Macy sa babae na mukhang hindi naman naniniwala sa kanya. "Talaga bang may nakita ka lang? O baka naman ang pinsan ko ang nakita mo". Tumingin pa ito sa mesa kung saan si Trevor ay may kayakap at kahalikan. "Talaga naman ang pinsan ko oh, may didiskartihan pero meron na namang kinakalantari. Mapagsabihan nga", sambit ni Quennie at nilalapitan na ang pinsan nitong si Trevor na may kasamang babae. "Excuse me cous, can I talk to you for a while?" Tanong nito sa binata na kumunot naman ang noo. "Bakit pinsan, ano atin?" Tanong naman ni Trevor. "May gusto kang ligawan pero anong ginagawa mo, may nilalandi ka naman". Sambit ni Quennie sa pinsan. "Cous lalaki naman ako walang mawawala sa akin. Tsaka diskarte ko to. Bakit mo naman nalaman ang ginagawa ko pinsan. Hindi ka naman dating ganyan. You know my escapades but you don't even bother. Bakit ngayon pinuntahan mo pa talaga ako". Nagtatakang tanong naman ni Trevor kay Quennie. "Nakita ko kasi si Macy na mukhang naiinis kaya nilapitan ko kung ano yung nangyayari. Actually wala naman sinabi sa akin kung ano ang dahilan pero may kutob ako na ikaw ang dahilan kung bakit siya nagkakaganun. Ikaw naman kasi mukhang didiskartihan mo pero may iba ka namang kasama. Kahalikan mo pa talaga. Sino ba naman ang hindi madidismaya niyan. Pinapatunayan mo talaga na numero uno kang playboy. Well madami namang admirer si Macy, sa katunayan may gusto ng maghatid sa kanya pero hindi ko pa naman sinasabi sa kanya". Mahabang litanya ni Quennie. Biglang napatda si Trevor sa narinig na may maghahatid kay Macy. Hindi siya papayag. Aalis na si Soleen kaya hinatid na muna ni Trevor ito sa sasakyan nito. "I'll go ahead, thanks for tonight at sana tumupad ka sa usapan na magkikita tayo". Sambit ng dalaga kay Trevor at humalik na dito. Kumaway na lang si Trevor kay Soleen bago pumasok sa loob ng bar. Hinahanap niya si Macy at nakita niyang may kumakausap dito na customer. Hindi naman ito binabastos ng customer kaya hinayaan na muna niyang matapos ang pag-uusap nila bago niya ito lalapitan. "Hi babe, pwede na kitang ihatid mamaya?" Tanong nito sa dalaga. "Malapit lang ang bahay ko dito sir kaya lalakarin ko lang. Huwag na po kayong mag-abala at tsaka may date naman kayo sir. Siya na lang pagkaabalahan mo", saad ni Macy sabay alis sa harap ni Trevor. Hinuli naman ni Trevor ang kamay ng dalaga. "Not so fast babe. Wala naman akong kadate, yung nakita ko kanina wala naman yun. Ikaw lang ang babe ko". "Huwag mo nga akong tawaging babe, hindi naman kita boyfriend para tawagin mo akong ganun. May girlfriend ka naman ata, I mean girlfriends". Patuyang sabi ni Macy sa binata na kinahalakhak nito. "You are jealous babe. I am single. Kaya nga ako lumalapit sayo kasi wala naman akong sabit". Sagot ni Trevor sa dalaga. "Single ka dyan, ano ang nakita ko kanina. Hindi naman ako bulag para hindi ko mapansin ang mga pinagagawa mo kanina". "Natural lang naman yun kasi single naman ako but from this time ikaw na lang bibigyan ko ng atensyon babe". Tumitig pa ito sa dalaga para ipakita ang sincerity nito. "Ewan ko sayo sir. Diyan ka na nga. Marami pa po akong gagawin". Naiwan na lang si Trevor na nakangiti kasi alam niya na nagseselos talaga si Macy sa nakita niyang sweetness nila ni Soleen. That was his move para malaman kung may pag-asa ba na magustuhan siya ni Macy. Gusto niyang mapasakanya ang dalaga. He was attracted to Macy. Gusto niyang sa kanya na lang ang atensyon ng dalaga. Hindi siya hihinto hanggat hindi ito maging nobya. "Macy malapit na tayong magsara, gusto mo bang sumabay sa amin". Tanong ni Jim sa dalaga. "Hindi ba nakakahiya?" Balik tanong naman ni Macy. "Hindi naman. Mas madami tayong maglalakad, mas masaya". Tugon naman ni Jim. "Sige mamaya sabay na tayo. Magliligpit na ako". Pumunta na si Macy sa mga mesang pinag-alisan ng mga customer at sinimulan na nitong linisin iyon. Kanya-kanya sila ng toka ng mesa para mas madaling matapos. Ang grupo na lang nila Trevor ang natitira pero mukhang paalis na din kaya nag-aabang na ang ibang kasama ni Macy para malinis na ito. Hindi naman makita ni Macy si Trevor kaya hindi na siya nag-abala pang hanapin ito para sabihang hindi na siya ihatid at meron naman siyang kasabay pag-uwi. Ayaw na niyang abalahin pa ang binata. Naging kampante naman si Macy na hindi na nga siya ihahatid ni Trevor kaya nagmadali siya magbihis para makasabay sa mga kasamahan niya pauwi. Tinanggal na muna niya ang make up sa mukha niya bago siya lumabas para hanapin ang mga makakasama niya. "Hi babe", sambit ni Trevor kay Macy. Nagulat naman si Macy sa pagsulpot ni Trevor. "Bakit andito pa kayo sir, akala ko umalis na kayo. Hinahanap ko kayo kanina para sana magpaalam na may makakasabay na ako kaya huwag ka na mag-abala pa". "I will take no for an answer. I waited for you kaya dapat na ihatid kita sa inyo kahit may iba pa tayong kasama". "Nakakahiya kasi sayo sir at baka may nag-aantay pa sayo sa bahay ninyo. Yung asawa mo baka hindi na yun makatulog kakaantay sayo". "Wala naman akong asawa, as I've said earlier I am single so pwede akong humanap ng magiging girlfriend ko". Pinapapungay pa nito ang mata. "Sa mga ganyan mo siguro makukuha mga nagiging babae mo noh, sa mga matatamis na dila mo". "Sadyang romantiko lang ako babe. Kaya nga kapag naging tayo, hindi ka malulungkot kasi pasasayahin kita". "Bolero ka talaga sir". Saad naman ni Mia na namumula na ang pisngi. "You are so beautiful when you blush babe. I was smitten by your beauty". "Tara na nga sir at baka saan pa mapunta itong pag-uusap natin". Yaya na lang ni Macy sa binata. Sumakay pa sila ng sasakyan ng binata kahit malapit lang ang inuuwian ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD