Tinantanan na lang ni Jeric si Macy kasi hindi naman umuubra ang charm niya sa dalaga.
Nagpasalamat na lang si Macy pagkatapos nito makuha ang order bmng grupo nila Trevor.
"Jim tulungan mo naman ako na ibigay ang order ng pinsan ni Ma'am Quennie. Madami kasi", sambit nito sa binata na tumango naman.
"Oo ba, Sige ibibigay ko lang itong order ng kabilang mesa".
"Salamat talaga", tapik nito sa binata.
"Ikaw pa, malakas ka sa akin".
Mabilis namang naibigay ni Macy ang order nila Jeric na binigyan naman siya ng malaking tip. Nagpasalamat siya dito bago bumalik sa pwesto. Nagpunta muna siya sa banyo at hindi niya napansin na may malaking bulto ng katawan na nag-aantay sa kanya.
"Oooppss". Sambit ng dalaga ng may humawak sa bewang niya.
"Babe nakakatampo ka naman. Nginingitian mo sila tapos ako wala man lang natanggap na ngiti mula sa'yo".
Napasinghap si Macy ng marinig ang baritonong boses ni Trevor.
"Sir ikaw pala. Hindi naman sa ganun sir, syempre pinsan nyo si Ma'am Quennie kaya ginagalang ko kayo".
"Stop the sir, it's Trevor babe. I wanna hear you calling me Trevor".
"Trevor", anas ng dalaga na kinangiti naman ng binata.
"That's more like it. It was nice to hear you calling my name babe". Bulong nito sa dalaga pagkatapos nito nakawan ng halik sa lips at iniwan na si Macy.
Napahawak naman si Macy sa labing hinalikan ni Trevor. It was a quick kiss that make her knees weak. First kiss niya iyon kaya ibayong kaba ang nadarama ni Macy.
Aminado naman siyang crush niya si Trevor kaya nawiwindang ang isip niya kung bakit siya hinalikan nito. Hindi siya dapat nagpapadala sa mga salita at pagpapacute nito sa kanya. Alam niyang isa itong playboy at palagi niyang hindi ito winawaglit sa isip.
"Mukhang malalim ata iniisip girl". Pukaw ni Jen kay Macy.
"Wala naman, medyo napapagod lang ako. Naninibago pa kasi ako eh".
"Masasanay ka din. Mukhang type ka ni Sir Trevor ah. Nakita kong sinundan ka pa ng pumunta ka sa cr". Panunukso nito sa dalaga.
"Wala naman yun. Baka gusto din magbanyo". Sagot na lang ng dalaga.
"Hindi rin, kasi pinakilala ka kanina ni ma'am Quennie kaya alam kong kilala ka na niya. Iba talaga ang beauty ko girl. Naapakan ko na yung buhok mo".
"Luka-Luka ka talaga. Maiwan na nga kita may oorder", saad ni Macy at pinuntahan na ang kumakaway na customer.
Habang lumalalim ang gabi lalong dumadami ang order. Nararamdaman na ni Macy ang pagod. Iniisip na lang niya ang check up ng nanay niya at pinaghahandaan niya ang gastos niya para dito.
"Ang lalim ng iniisip mo pretty ah", turan ni Jim kay Macy na napalingon naman sa binata.
"May check up kasi si Nanay bukas kaya medyo nawiwindang ako kung ano ang magiging resulta. Marami na kasi siyang nararamdaman kaya sinabihan ko na agad siyang magpatingin para maagapan kung ano man ang magiging resulta".
"Ganun ba. Huwag kang mag-alala malaki ang paghahatian natin mamaya na centralized tip. Hindi kasi kuripot mga customer dito kaya may maiuuwi ka talaga gabi-gabi. Nagtagal din ako dito kasi madaming benipisyo".
"Yan din ang isang dahilan ko kung bakit ko naisipang mag-apply dito".
Napansin ni Macy ang mga bagong dating na mga babae na demeretso sa mesa nila Trevor. Nakita niyang humalik ang babae sa lips nito at tinanggap naman ng binata. Biglang uminit ang ulo ni Macy sa nakita. Alam niyang wala naman siyang karapatan sa binata. Umaasa lang siya na may gusto ang binata sa kanya dahil na rin sa mga sinabi nito at paghalik sa kanya. Napagtanto ni Macy na playboy nga pala ang binata kaya iwinaksi na niya ang iniisip na gusto siya ng binata. Siya lang naman ang may crush dito at ito ay natural lang na palikero.
Nakikita ni Trevor na nakatingin si Macy sa paparating na sj Soleen kaya inantabayan na niya ang paghalik ng dalaga sa kanya kaya sinagot naman niya ang halik nito. Natuwa ang binata ng makita niyang napaismid ang dalaga kaya alam niyang nagselos ito kay Soleen.
"Bakit ka napapangiti? Is there anything wrong?" Tanong ni Soleen kay Trevor.
"Wala naman, may naalala lang ako at natutuwa ako". Sagot ng binata kay Soleen.
"Ok, I thought natutuwa kang makita ako". Pagtatampo naman ni Soleen.
"Of course I am happy. Hinapit pa nito ang dalaga ng sumulyap ulit sa gawi nila si Macy". Natutuwa siya tuwing nakikitang nakairap si Macy.
"Mabuti naman kung ganun. I miss you lover boy. In my place later?" Maharot na bulong nito sa binata.
"I have a meeting tomorrow, I can't. Some other time. I will tell you".
"Ok, sana naman soon na yan". Dagdag pa ng dalaga na gumanda na ang mood. Akala niya tatanggihan na siya uli ni Trevor gaya ng pagtanggi nito kanina. Madedelay lang pala ang pagkikita nila uli. Namimiss na niya ang yummy na katawan ng binata. Alam naman niyang playboy ito ngunit sadyang nagustuhan niya ang binata at hindi niya ito basta-bastang bibitawan. Good catch ang binata, bukod sa napakagwapo nito, napakayaman din ng binata kaya naman ang daming nagkakandarapa na mapansin ng binata. Maswerte lang siya at hanggang ngayon ay may koneksyon pa rin sila ng binata. Hindi niya sasayangin ang pagkakataong nakilala ang binata. Hindi siya papayag na may ibang babaeng mapagbabalingan ng atensyon ang binata.
"Sayaw tayo", yaya nito binata.
"I'm not in the mood Soleen. Maghanap ka na lang ng ibang partner. Madami naman dyan sa paligid". Sagot naman ng binata na kinalungkot ng dalaga.
Naiinis kasi si Trevor sa nakikitang pagtawa ni Macy kapag si Jim ang kausap nito.
"Ikaw ang gusto ko maging partner kaya sana pagbigyan mo ako". Samo ng dalaga kay Trevor.
Sa inis ni Trevor nagpatianod na lang siya sa paanyaya sa kanya ni Soleen.
"Mamaya ka sa akin Macy, I was jealous of that guy you're smiling with". Piping sambit na lang ni Trevor habang ginigiya niya sa dance floor si Soleen.
Sakto namang nakasalubong niya si Macy na may bitbit na tray. Napatda ito pagkakita sa kanila ni Soleen. Tumaas din ang kilay nito kaya inakbayan pa ni Trevor ang dalaga na kinasimangot naman ni Macy.
Napakatindi namang babaero ito. Simula ngayon rerendahan ko na puso ko at baka maging luhaan ako sa huli. Inis na sambit na lang ni Macy sa sarili.