Teddy Bear

1595 Words
Elo pov Nagtungo kami sa perya na siyang kagustuhan niya. Tinignan ko ang perya na pinagtanungan ko. Hindi gaanong matao kaya ok lang.. " nakapunta ka na ba ng perya Elliott?" tanong niya saakin. " Oo sa Probinsya... doon kami lumaki eh." " Elliott doon tayo..." Hinila niya ako sa may barilan. " Kuya... palaro ako.." " 200 pesos mam.. Limang tira." sabi ng lalaki. Tumango ako sa lalaki kaya binigyan siya ng baril. " ilang score kapag yung Teddy bear na yun? " Tinuro niya ang standard size na Teddy bear. " 50 points po Mam.." " Sige... titira ako. " Pinahawak saakin ang sling bag nito. Puwesto ito at sinilip ang titirahin niya. Akala mo expert sa pagbaril mali naman yung posisyon ng kanyang kamay. Naubos na ang bala niya pero ni isa wala pa itong puntos. " ay Zero..." Kinuha ko ang baril na hawak niya. " Isa pa ako titira..." ok magyayabang na ako. Kesa maubos ang pera ko hindi pa nakatama ni isa itong kasama ko. Inabot saakin ang mga bala nito. Sa limang segundo... 100 points ang natamaan ko. " wow ang galing mo Elliott!" nagpalakpak pa siya. Binayaran ko na ito at binigay ang malaking Teddy bear ngunit ayaw niya. " Yun ang gusto ko para mabuhat at mayakap ko kahit saan..." " Yun daw na Teddy bear ayaw niya yan..." Napakamot naman ang lalaki. Tuwang tuwa na siya sa teddy bear na hawak niya. " Ang galing mo Elliott... nadali mo sa isang kamay lang... Left handed pa.. " " basic.... Hehehe" Ang sumunod naman ay yung hinihila yung tali at mahuhulog yung dice na may kulay. Dito siya sobrang nasiyahan dahil yung piso niya nagiging lima. Hahaha Di nagtagal siya na ang humihila sa tali. Talon ito ng talon. Hindi niya alam kinukuhana ko siya ng video. Ang sumunod naman ay target. Gusto na naman niya yung couple bling bling sa kamay. Ewan kung anong tawag doon...parang Bracelet. Tinuruan ko siya kung paano ang tamang pag asinta sa bull's eye.. " Woah!... nakita mo yun.. Ang galing ko! Woooo!..." napakaingay niya. Lahat nalang ikinatutuwa niya. Nakuha nga niya ang bling bling na premyo. Kinuha niya ang kamay ko at sinuot ang isa. " oh ayan matchy tayo...." Palihim akong napangiti. Nasasanay na ako sa kanya. Mukhang napagod na siya kaya sa ferris-wheel na ang huli namin pinuntahan. Nasa taas na kami ng nagselfie kaming dalawa. " Cutie..." Tinitignan ko lang siya na kumukuha ng picture. Napapangiti nalang ako. " Elliott...." " ha!?... Ano?" " Hahaha... wala pa akong sinasabi..." TSK... lutang ba ako? " Wag mong aalisin yang sinuot ko sayo ha..." Tinignan ko ang kamay ko. " Kahit wala na ako sa tabi mo...dapat nandyan pa din dyan sa kamay mo..." seryoso niyang sabi. Nakatingin lang ito sa taas. Tinakpan ko ang mga mata niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko. " Nasisilaw ka sa sikat ng araw... masakit sa mata...." " Bakit pag ikaw kasama ko... parang nasa mabuti akong kamay.... " " Sa simpleng pagprotekta lang saakin sa sikat ng araw para na akong ligtas sa kapahamakan." Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko. Naramdaman ko kasing basa ito. Umiyak siya? Hinaharap ko ang mukha niya... basang basa na ang pisngi nito. Pinunasan ko ang luha niya sa kanyang pisngi. " Shhh..... " " Ngayon ko lang maramdaman na nasa mabuting pag aalaga.... dahil maski magulang ko hindi ko ito naranasan Elliott....puro higpit ang naranasan ko mula pagkabata ko... maraming bawal... maraming hindi dapat.. " Pinahid ko ang luha sa kanyang pisngi na patuloy sa pagtulo. " Tahana....nandito naman ako eh. " Pinigilan niya ang kamay ko. " Hanggang kailan ka sa tabi ko Elliott? " Hindi ako nakasagot. " Hindi titigil sila Mommy hanggat hindi nila ako nahahanap...." " Shakira...hanggang nasa tabi mo ako... ipaglalaban kita... ok? Tahana... wag ka ng umiyak..." Niyakap niya ako. Bakit parang kinabahan ako? Bakit parang ayokong kunin siya ng magulang niya? Sana ay hindi na... Ayokong mahanap nila si Shakira... Bumalik ang sigla ni Shakira ng kumain kami sa Jollibee. First time din daw niya kumain dito pero hindi kasali sa List nito. Ang nakakatawa Kiddy meal ang inorder niya para daw may toy ito. Pinagtitinginan siya ng ibang costumer pero siya dedma lang. Gaya ng kasanayan niya.. sa simpleng bagay.. masaya na ito. ? Kiddy meal nga pero naka tatlong order ito para daw collection niya sa kwarto niya. Nakarating kami sa bahay nila Earth. Saktong alas tres na ng hapon. Nagtatakbo si Shakira ng maamoy niya ang meryenda na niluto ni Manang. " Pagpasensyahan niyo na... isip bata eh" " Nakakatuwa siya Elo...ang cute cute niya." Earth. Nasa garden kami kasama sina Dexie at Phobos. Ang mga anak nila naglalaro sa gilid Pinapanood ko si Shakira na kumakain ng Banana cue. " Hoy! Ano na score niyo ng kuting na yan?" Deimos " Kookie...may pangalan siya... " Earth Kahit kailan walang galang itong lalaking ito. " Code name lang yun Wife para hindi halata na siya ang topic..." sagot naman nito. " Pinsan...paano na yung magulang niya na pinaghahanap siya? " Dexie Na kay Shakira pa din ang tingin ko. Nakikipaglaro kasi siya kina Drae at Phoebe. " Hoy Elliott... " Phobos. " Ano? " " kita mo ito....nabingi na.. sabi ni Dexie kung paano daw mga magulang ni Kuting... diba pinaghahanap pa siya? " Phobos " Hindi ko pa iniisip yan eh... kanina kasi umiyak siya sa ferris-wheel. Naaawa ako dahil sa paghihigpit ng magulang niya sa kanya kaya ganun nalang ang reaction niya sa simpleng bagay. Hindi ko nga alam nararamdaman ko eh... " " Naaawa ka ba o Nahuhulog ka na sa kanya kaya ayaw mong mahanap siya.!? " Deimos Napatingin ako kay Shakira. Makulit na naman ito. " Hindi ko alam eh... " " iba na yan Elo...sabi ko naman kasi ipagawa natin kina Ivo ang impormasyon tungkol sa pamilya niya. " Dexie " Bakit di niyo ginawa? " Phobos " ayaw nga nitong loko....pinakiusapan niya sina Vana na ipalock ang impormasyon sa pamilya ni Shakira. " " Ha? Ipalock? Pwede pala yun... "Deimos " Ewan ko ba sa kanya... mukhang ayaw pakawalan... " tukso saakin ni Dexie. Inirapan ko naman ito. " Paano Elo pag nahanap siya? Anong gagawin mo? " " hindi ko alam..... " Totoong hindi ko pa alam ang gagawin ko. Hanggang nasa tabi ko siya hindi ako papayag na masaktan siya. " Inlababo ang loko..." Deimos " Bakit ba saakin ang topic?.. kayo anong kalokohan at sabay pa kayong nabuntis ng kambal na ito? " balik ko sa kanila. " Oh eh bakit kami ang tinatanong mo... dapat sila..." Dexie " Monteverde moves...." sabay tawa naman ng kambal. Pag umpugin ko kaya sila. Best friend ko at Pinsan ko... kinawawa nila. " Hoy Elo...punta kayo ni Shakira sa Anniversary ng Princess Orphan ha sa linggo. Ang di daw dadalo... pagsasayawin ni lolo Azeil ng tiniklik gamit ang basuka. Hahahah" Dexie "..... at sumali din daw kayo ng Fam. Day. Para maranasan ni Shakira." dagdag pa niya. " Titignan ko... kilala mo naman sila...iinterogate na naman nila si Shakira..." " Hahahha tumpak mo... halata kay tita Jade na bet niya si Shakira eh..." "Bet na ano!? Para saakin?" " Hindi... Bet daw niyang maging tunay na anak.." Napatayo ako bigla akaya nagulat ang dalawang buntis. ?? Dalawang buntis " hindi pwede! Ako lang ang anak nila.... Wala ng iba!" sigaw ko. Kaya napalingon si Shakira sa akin. ?? Kambal " Lintik na... makunan naman ang mga asawa namin sa gulat! " Deimos Napaka OA. " Wala kang magagawa... gusto ni Tita eh.." Lumapit saamin si Shakira. " Ate Gaia... Ate Dexie... pwede ko bang hawakan ang tiyan niyo?" Nagkatinginan naman kaming lahat. Pinagbigyan nalang nila ang kagustuhan niya. " Hehehe halika... Umupo ka dito sa gitna namin nga ate Gaia mo..." Inabot niya saakin ang phone nito. Picturan ko daw siya na hinahawakan ang tiyan ng dalawa. Tuwang tuwa naman ang dalawang buntis sa kanya. " Siguro kambal ang babies niyo..." " Paano mo naman nasabi? Hindi pa naman alam kung kambal o hindi ang nasa tiyan ko." Earth. " wala feeling ko lang...maging sayo ate Dexie... feel ko kambal din.." " Magdilang anghel ka sana Shakira..." " sana magkaroon din ako nag kambal..." Nabilaukan naman ako sa sinabi niya. Kaya Napatingin silang apat saakin. Samantalang si Shakira nagtataka bakit ako nabilaukan. " Oh Elo... Kambal daw.. "tukso ni Phobos saakin. Pinandilatan ko naman ito. " Elo... dito na kayo mag dinner ni Shakira... Early dinner na para hindi kayo magabihan sa daan... "Dexie Nakarinig na naman si Shakira ng pagkain kaya natuwa na naman ito. Nagkwentuhan at nagtuksuhan lang ang ginawa namin hanggang sa dinner. Nagpaalam na kami ni Shakira sa kanila. Pinaalam ni Dexie kay Shakira ang magaganap na celebration sa Princess Orphan. Tinanong pa nga niya kung pwede daw sumayaw ito. Marunong ba siyang sumayaw? Nakatulog na ito sa biyahe hanggang makarating kami. Napagod ang batang kuting. Dahil ayaw kong gisingin ito., binuhat ko nalang siya, yakap yakap niya ang teddy bear niya. Pinahiga ko sa kanyang kama. Tinanggal ang sapatos nito at kinumutan. Hindi ko napansin na may nahulog na isang maliit na notebook. Pinulot ko ito... Mga listahan niya. Nagpangit ako dahil sa nakasulat. Pinicturan ko ito para may copy ako. Umupo ako sa tabi niya. Hinaplos ang mukha nito. " good night Shakira..." hinalikan ko ang noo nito. Bago ako lumabas narinig kong binanggit niya ang pangalan ko. " Elliott....." Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko. Ngiti ng pagkakilig....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD