Finger heart

2093 Words
Elo pov Nagpapasama magsimba saakin si Shakira. Ilang beses pa niya akong kunulit. " Sige na please... bakit hindi ka ba nagsisimba?" Gumagawa ako ng proposal para sa isang client ko. At itong kasama kong kuting ay kunulit ako. " Shakira... busy ako." " but it's Sunday... dapat hindi ka nagwowork.." Binitawan ko ang lapis ko at hinarap siya. " Shakira, work at home ako. Wala akong pinapasukan na company para may off day. Isa pa... hindi pa ako nagsisimba. " " Kaya pala... ilang linggo na kitang kinukulit ayaw mo..." " diba nagsisimba ka naman tru live streaming...? Bakit kailangan mo pang lumabas.? " Nakalipat na kami dito sa bago kong bahay. Noong isang linggo pa. Dadalawa lang kami dito. Ako ang tiga luto siya ang tiga linis ng bahay. Inassign ko siya na mag alaga ng mga bulaklak. Nagustuhan naman niya at tuwang tuwa siya. Dati na daw niyang pangarap magkaroon ng garden. " Ang KJ mo naman... mas maganda kasi na sa harap ni papa Jesus ka magdasal.... Please Elliott!?." Pacute niyang sabi saakin. Hindi ko alam bakit kahinaan ko ang pag pout at pagpapacute niya saakin . " Sige na nga.....dalaw na din tayo after kina Earth.. buntis kasi ito. " Lumapit ang mukha niya saakin na halos isang dakkal nalang ang pagitan namin. " Mahal mo pa ba siya?" Tinulak ko sa noo nito. " Sira!... magkaibigan lang kami ni Earth.. ngayon palang kita isasama sa kanila. Natatakot ako baka kung anong gawin mo sa bahay niya. Napakasungit pa naman ang asawa niya." " Ok... pwede bang ikaw mamili ng isusuot ko? " para siyang bata na paikot ikot gamit ang palda nito. " Kahit ano nalang isuot mo... " pinagpatuloy ko ang pagssketch. " Elliott?.. ano type mo sa isang babae? " Tinignan ko naman ito. " Ano naman klaseng tanong yan? " " kasi...mahigit isang buwan na ako dito sa puder mo... Wala pa akong nalalaman na may nililigawan ka... " " ayan ka na naman.... doon ka na nga sa kwarto mo... Sige ka.. Hindi kita sasamahan.." " Hmmp... Sandali dadalhan kita ng snacks mo..." Agad itong bumaba. Napailing nalang ako sa inasta niya. Maya maya ay paakyat na ito at pumasok ulit. " Ginawan kita ng sandwich at juice..." " Thank you... " Nakakoncentrate akong gumuguhit ng hindi ko namalayan na lumalapit na pala ang ang mukha niya at tutok na tutok sa monitor ng computer. Sakto namang napalingon ako ay nilingon din niya ako kaya nagdikit ang labi naming dalawa ng dalawang segundo. Napatayo naman ito at napalayo naman ang mukha ko. " Sorry Elliott... hindi ko sinasadya... ikaw kasi eh bakit ka lumingon." Pareho kaming namumula ang mukha. Hindi ako nakapagsalita kaya tumakbong palabas ito sa kwarto. Hinawakan ko ang labi ko. Bakit ganito pakiramdam ko? Napatayo ako at pumasok sa banyo. Napashower ako ng wala sa oras. Paglabas ko nakita ko ang dinala niya akin meryenda. Nagutom ako doon ah.. Tsk Shakira pov Hi! Kilala niyo na ako diba? Napatakbo akong hawak hawak ang labi ko. " oh no! Oh no! Oh no!...kiss na kaya matatawag doon? OMG! Yung first kiss ko...!" nagtalukbong ako sa kahihiyan. " Shakira... isang kapalpakan na naman ginawa mo!" " ahhhhh!" sigaw ko sa ilalim ng unan. Nilabas ko ang recorder ko. " dear diary... Eiiii! nakakahiya ang nagawa ko kanina... akalain mo yun. Curious lang naman ako sa ginagawa niya... Tapos ako naman na engot! Palapit ng palit ang mukha sa monitor... at ayun! Boom! Sabay kaming lumingon at nagkadikit ang labi namin!... nakakainis!... parang 2 seconds lang naman... Baka hindi pa ito tinatawag na First kiss.... Hmmmp! " Pinatay ko na ulit at itinago. Mahigit isang buwan na ako sa kanya. Ang bait bait niya. Hindi ko inaasahan na patitirahin niya ako dito sa bago niyang bahay. Paano nalang kaya kapag nalaman niya ang katotohanan? Pagtatabuyan kaya niya ako? Totoong hinahabol ako ng mga tauhan ni Mommy... yes! true po na gusto niya akong ipakasal sa anak ng napagkautangan nila. Malaki daw ang utang nila sa Pamilyang Sy. oh diba halatang Chinese.. hindi naman kami Chinese. Pero jusme! Bakit kami ng kuya ko ang pambayad sa mga utang nila? Shanelle Khira Fuentabella ang totoo kong pangalan. Shakira for short. Hehehe Totoo din home school ako. Walang kaibigan pero galang babae ako kung saan saan ako napapadpad. Tumatakas ako sa mga body guard ni Mommy. Ang huling lugar na napuntahan ko ay Vigan. Hahaha at doon ako nagmula hanggang sa nakarating ang truck na nasakyan ko sa Resort kung saan ko nakilala si Elliott. Nagsinungaling ako na sa Cabanatuan ako nanggaling...yes tiga Cabanatuan ako. Hindi ko inaasahan na tinulungan niya ako sa humahabol saakin. Ang nakakatuwa noon, ang daming tanong ng pamilya niya sa akin. Sobra nilang dami. Sabi pa ni Ate Dexie ay hindi pa daw sila kompleto....akalain niyo yun. Every gatherings ay mamumulubi ang taya sa kanila hahaha Pero in fairness masaya silang kasama. Never akong na out of place sa kanila. Namili ako ng damit na susuotin ko para bukas. At nakita ko ang isang pink na polo at isang blue pants. at terno sa rubber shoes ko na binili niya. Kinabukasan Maaga akong nagising... 5am palang ay gising na ako. 7am kasi ang simba. So kailangan nakabihis na ako matagal pa man din akong maligo. Saktong 6:30 ng katukin ako ni Elliott. Humarap muli ako sa salamin at nagpacute. " Go for it Shakira...! Fighting!" Paglabas ko isang gwapong nilalang ang bumungad sa umaga ko. Swerte ko naman.. " Elliott gayahin mo nga ako.." Kumunot noo naman ito ng mag finger heart ako sa kanya. " Shakira!" halatang ayaw niya " sige na... Sayang itong phone na bili mo para saakin kung walang gwapong Elliott..." Binilhan niya kasi ako siya lang ang contact na nakasave dito. Tapos mga iba ay mga stolen picture niya. " sige na... para maganda ang Araw ng Linggo ko. Ngayon lang tayo magsisimba ng magkasama eh. " nagpout ako para effective. " sige na nga..." Yes! Hehehe Pumuwesto ito ay nag finger heart ito. Click!  " wah... ang gwapo mo dito... " Titignan na sana niya kaso nilayo ko ang phone ko. " Opps bawal... halika na.." kinuha ko ang kamay niya hoplding hands kaming nagtungo sa sasakyan niya. Habang sa biyahe. Nakatanaw lang talaga ako sa labas. Naaamaze kasi ako sa mga tanawin. Mga green environment sa paligid. Sa edad kong ito isa or dalawang beses lang ako nakapasyal sa ganito. Noong hindi pa nagpakasal ang kuya ko. Dalawa kaming tumatakas para mamasyal. Ako ang pinagbabawal nilang lumabas... si kuya nagagawa niya yung normal na gawain ng mga binata. Samantakang ako... tsk boring. Si Nanay Sonia lang ang nakakasama ko mula paglaki ko. Nang magresign ito dahil sa matanda na siya wala na akong balita sa kanya. Siya lang kasi nakaka intindi saakin. Maging sa ugali ko. " tahimik ka ata ngayon kuting?..." " Wala...mamimiss ko yung ganito kapag umalis na ako." Napatingin naman siya saakin. " balak mo na bang umalis?" " Hindi naman.... alam naman natin na hindi ito permanente." Natahimik siya. Wala itong komento sa sinabi ko. Ayokong unahan ng lungkot kaya pinatawa ko siya. " Elliott...punta tayo sa perya.." " perya?...pang bata.." Niyakap ko ang braso niya. " Shakira! ano ba nagmamaneho ako baka mabangga tayo.. " Pout ulit... " Never pa kasi ako nakapunta doon... napapanood ko lang sa tv.." sabay tanaw sa labas. Isa siya sa mga list ko na gawin. Ang mga gusto kong gawin: 1. Ang magdisco wearing purple wigs.☑️ 2. Kumain ng kwek-kwek. 3. Pumunta sa Vigan. ☑️ 4. Maglaro sa perya at sumakay sa ferris wheels. 5. Sumayaw sa stage. 6. Maligo ng gabi sa dagat. 7. Manood ng fireworks 8. Mabigyan ng Teddy bear. 9. Maranasan ang First kiss 10. ######### " Sige na nga... pagkatapos natin magsimba..." Tumingin ako sa kanya at pinaulanan ng finger heart. " yehey! Makakapaglaro na ako...!" Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at sumigaw. " Maglalaro na ako sa. Perya!!!... kasama si Elliott!..." Tumawa naman ito. " Isara mo na yan... Malamig" " ang saya saya ko Elliott.... magagawa ko na ang isa sa mga list ko." " kung ano man yang list mo... gagawin natin" Ngumiti ako sa kanya. Sana nga magawa ang lahat.... kasama ka Elliott.... Elo pov Pagdating namin sa simbahan. Magsisimula na ang simba. Sa gilid kami umupo ni Shakira. Agad itong lumuhod at nagdasal. Matagal na akong hindi nakakapasok ng simbahan dahil na din sa trabaho ko bilang Mafia Assassin. Napatingin ako sa katabi ko. Siya lang ang nakapagyaya at napilit na magsimba ako. Tumingin ako sa harap. " Alam ko marami akong kasalanan sayo...dahil sa trabahong kinalakihan namin. Hindi ko masasabing mabuti akong tao. Sana sa pakiusap ko sayo ngayon... ingatan mo siya." tukoy ko kay Shakira dasal ko sa isipan ko. " Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko para sa kanya, pero ayaw kong nakikitang nasasaktan ito. Ayaw kong nalulungkot siya. Kahit na hindi mo na ako bantayan....kasiguraduhan nalang ang kaligtasan niya. Yan lang ang hiling ko sayo...." dasal ko. Nakinig kaming pareho sa sermon ng Pari, kumanta at nagdasal kasama siya. Parang gumaan ang pakiramdam ko. " Peace be with you... " sabi niya saakin. " Peace be with you... " balik ko sa kanya. Nang matapos na ang simba. " sandali... may ipagdadasal pa ako.." Kumunot ang noo ko. Lumuhod ito. Kokonti nalang ang naiwan sa loob ng simbahan. Hinintay ko ito. " Tara na...." sabay tayo nito. Huminto ito sa nagtitinda ng mga kandila. Bumili ito ng pulang kandila na dalawa at dalawang puti. Syempre ako ang nagbayad. Wala naman itong pera. Hinatak niya ako sa tirikan ng kandila. " bakit dalawa dalawa ang kinuha mo?" " kapag unang pasok mo sa isang simbahan... kailangan mong magtirik ng kandila at mag wish ka para magrand ang wish mo..." " Bakit Pula?" tanong ko " Itong pula para sa eternal love or Passion..... ito para sayo... Ito namang isa ay para saakin.. " sinindihan niya ito. Tsaka pumukit ng ilang segundo. " itong puti... Kalayaan or purity... Peace of mind..." Pumikit na naman siya. Pinapanood ko lang ito. " Ano naman winish mo? " " Yung saakin secret.... pero yung sayo ako na nagwish... " " pwede ko bang malaman kung ano winish mo para saakin?" Tinignan niya ako sa mga mata. " winish ko na sana ay matagpuan mo na ang babaeng nakalaan sayo... para hindi na malungkot yang mga mata mo... at sana matanggal lahat ng negative energy dyan sa puso mo... " Speechless ako. Winish niya talaga saakin yun? Paglabas namin ng simbaan... May nakita siyang pulubing bata na nasa edad na apat na taong gulang. " Elliott... pahiram naman ako ng pera mo.. " " aanhin mo naman? " " Bibilhan ko ng pagkain yung batang yun.." Sabi ko na nga ba eh. " Shakira... hindi lahat ng pulubi kailangan mong bigyan., karamihan sa kanila ay ginagamit ng mga sindikato. Ang mga iba ay---"napalingon ko sa tabi ko pero wala na ito. Nakita ko nalang na kinakausap ang isang batang madungis. Inakay ito sa isang tindahan. " tsk.. Shakira! " bulong ko. Lumapit ako sa kanila. " Manang... magkano po itong lumpia? "tanong niya sa tindera. " Mam sampong piso po isa.. " " Gusto mo ba ito? Anong gusto mo dali mamili ka na... " sabi niya sa bata. Aba hanep... ako pa malulugi ngayon. Tinuro ng bata ang softdrink at tsitsirya. " hindi pwede sayo yan kasi ma vetsin ang mga tsitsirya... itong juice nalang wag yang softdrink... not healthy. " Napatawa ako sa sinasabi niya sa bata na hindi naman maintindihan. Maging ang tindera ay tumawa din. " Manang pabili ng slice bread... Kailan po expiry nito? " Pagkaabot ng tindera ay tinignan niya ang mga expiry ng mga tinapay. " Ito Manang at itong Juice na ito... Tig dalawa na lang po..." ? " ano pa gusto mo?" Tinuro naman ang bata ang isang lobo na hello kitty. " Sige.. Dito ka muna... " habilin niya sa bata Lumapit ito saakin at himingi ng pera. " tsk..." " please? " Binigyan ko siya ng 100 pesos. At lumapit sa nagtitinda ng lobo. Pagbalik niya ay binigay ang lobo pati mga pagkain. " Manang magkano po lahat? " tanong niya sa tindera. " 150 lahat mam..." Sabay tingin saakin. Napakamot ako sa batok. Ako na ang nagbayad sa tindera. Nagpaalam na ito sa bata at hinatak ko na ito pasakay sa sasakyan. Baka kasi lahat ng pulubi ay bigyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD