KULIT

2205 Words
Elo pov Sinama ko siya dito sa condo. Mahirap na kapag sa Probinsya ito mag stay. Kilala ko sila mahilig silang gumawa ng love team. " wow ang ganda naman ng pad mo...ang linis pa." No Comment masyado siyang maingay. " Shakira dito magiging kwarto mo." Parang batang nagtatakbo at tumalon talon sa taas ng kama. " Wow.. Pinaayos mo ba ito para saakin? Paborito ko ang kulay pink... yaaaah super ganda naman.... " sabay bagsak ang kanyang katawan.  Ito yung kwarto na pinaayos ko kay Earth noon. Hindi ko ginalaw ito. Kung ano yung ayos noon ganun pa din hanggang ngayon. Pinapalinis ko nalang sa cleaner ko every month noong bumalik kami sa Australia. " kay Earth ang kwartong ito... ikaw na gagamit dahil may asawa na siya." Bumangon ito at nagsimula na naman magtanong. " Siya ba yung kinasal noong isang araw? Kapatid mo ba siya?" " Hindi... kaibigan ko siya. Magpahinga ka na... Magpapahinga na ako... kung nagugutom ka may pagkain sa fridge.. " Iniwan ko nalang ito. Maging sa biyahe ang dmai niyang tanong. Siguro kaya binebenta itong batang ito sobrang kulit. Naingayan ang nanay kaya ganun. Tsk Pumasok ako sa kwarto at binagsak ang katawan sa kama. Pagod ako sa pagmamaneho kaya di ko namalayan na nakatulog ako. Plag! Nagising ako sa narinig ko mula sa labas tinakbo ko patungo sa kusina ng makitang nasa taas ng lababo si Shakira. " Oops... sorry kinukuha ko lang kasi yung takip ng kaserola... nagising ba kita?" " Bumaba ka nga dyan... may kaserola dyan sa drawer..." Inalalayan ko itong bumaba. " napak kulit mong bata ka....ano ba gagawin mo sa kaserola?" " magluluto sana ako... " " ok... dyan ka na.. maliligo lang ako. Pwede bang painitin mo yung tubig at magkakape ako after.. " " Sure Manong... " Napahawak ako sa sentido ko. Para akong may kapatid na inaalagaan. Pagpasok ko sa kwarto tumutunog ang phone ko. Tsk si Mama " Hello Ma? " Mama: Anak... kumusta ang bihaye niyo? " Ayos lang Ma nakaidlip kasi ako kanina laya hindi na ako nakapag message.." Mama: Eh si Shakira? " nagluluto siya Ma... sige na po at maliligo na ako-----" "ahhhhhhh!" sigaw ni Shakira mula sa kusina. Mama: Anak anong nangyari kay Shakira? Patakbo akong nagtungo sa kusina. Nakita kong hawak hawak ni Shakira ang daliri nito. Tumutulo ang dugo sa chopping board. Kumuha ako ng paper tissue at kinuha ang daliri niya. Umiiyak siya ng tignan ko. " Ano ba kasing ginagawa mo? isasama mo ba sa iluluto mo ang daliri mo?" " Ang sakit..." iyak nito. " Umupo ka nga... patingin ako." Tinignan ko ang daliri niya. Maliit lang naman ang sugat nito. " tahana.... wag ka ng umiyak.. tsk!" Ginamot ko ang sugat niya sa daliri. " Umupo ka lang dyan... Ako na magluluto.." Bumalik ako sa kwarto nakita kong nasa phone pa si Mama. " Ma..." Mama: anak ano na? What happen? " nahiwa ni Shakira ang daliri niya... sige na Ma at magluluto pa ako... Bye" Tsaka ko pinatay. Pinapanood niya akong nagluluto. Gusto daw niya ng chicken adobo kaya yun ang niluto ko. " Manong... bakit wala ka pang asawa?" See hindi siya nawawalan ng tanong. " dahil hindi pa dumating yung para saakin." Nagsasaing ko ng sabihin niya ang nagpatawa saakin. " hindi kaya bakla ka?" " hahaha bakit kapag wala pang asawa ang isang lalaki bakla na agad? " Lumapit ito saakin. Tinikman niya ang adobo na kumukulo. " Wow ang sarap naman.... masarap ka naman magluto bakit kaya wala ka pang asawa?" " umupo ka nga... Di ka na naman mapirmi sa kinalalagyan mo.. " Pinatay ko ang gas stove. " Maliligo na ako... wag kang makulit ok?." Ngumiti naman siya. Bata talaga... Sabay kaming kumain ng ako naman ang nagtanong sa kanya. " Sharika tiga saan ka ba? Paano ka napadpad sa Vizcaya? " " Tiga Cabanatuan ako.... Tumakas lang ako ng dalhin na sana nila ako dito sa Manila para ibenta... yung nasakyan ko na truck huminto sa resort kaya nandoon ako." " eh paano ka nasundan ng mga humahabol sayo" Nilagyan ko ng ulam ang plato niya. Ang lakas niyang kumain. " Thank you.... ang totoo kaya pala ako nasusundan nilagyan nila ng GPS ang phone ko. Kaya noong nasa parteng bundok na... doon ko nalaman na naka on ang gps ko laya tinapon ko ang phone ko sa bundok... kaso nasundan pa din nila ako.." Tinignan ko siya na nagkwekwento habang kumakain. Hindi ko alam kung anak mayat ito o ano. Para kasing wala pang alam sa buhay. Sa simpleng bagay natutuwa na ito. " Wala ka bang kapatid? " " Meron... kaso maski siya ay binenta. " Hindi ako makapaniwala sa kwento niya. " may mga magulang ba na binebenta ang anak.?" " Meron... Ang Magulang ko." malungkot niyang sagot. " Kaya pala todo alaga ako noon... hindi nadadapuan ng lamok.. dumi...ganun pala ang magiging bagsak ko kung sakali." Tumayo ako at kinuha ang pitsel sa ref. nilagyan ko ng tubig ang baso nito. Nakatingin lang ako sa kanya. " sa anong paraan ka nila ibebenta? Ano yung para maging G. O ganun or alam mo na... " Tinignan niya ako. Mata sa mata " Ibebenta sa taong pinag utangan niya para ipakasal ako doon sa anak." May mga ganito parin palang sitwasyon. " Bakit hindi ka nalang pumayag..? kesa yung kung saan saan ka pumupunta.... napapadpad na lugar. " " Alam mo Manong... sa edad kong ito alam ko na din mamili ng taong papakasalan ko. Gusto ko din maranasan maligawan... magkaboyfriend... mag monthsary, anniversary... ganun... ang kaso waley! Ni magkaroon ng kaibigan wala ako... as in ZERO!.. BOkya!...." " ayoko din magpakasal sa taong wala naman akong nararamdaman.... kasi pareho niyo lang sinasaktan ang isa't isa... kahit mahal ka niya kung hindi mo naman mahal wala pa din... Hindi balance.." Natamaan ako ah. " Wala ka pang naging boyfriend sa edad mong yan!? " di ako makapaniwala. " Oo... gaya nga sabi ko... inaalagaan ako para pambayad. " " So paano ka ngayon? " Napaangat siya ng ulo sa tanong ko. " palalayasin mo na ba ako?" Para akong naawa sa tanong niya. " ah hindi... ang ibig kong sabihin kung paano ka na...hindi naman habang buhay ay aampunin kita. Baka---" " Pwede ba akong manatili sayo kahit hanggang makahanap ako ng trabaho. .?" Trabaho? " ano naman ang alam mong trabaho?" Mukhang nag iisip pa ito. " yaya... " Natawa naman ako sa sagot niya. " yaya?.. hmmm nakapag aral ka ba? " " Oo... hanggang college... Pero home school ako eh... " Ano bang klaseng buhay meron itong batang ito. " hindi ba dito sa Manila ka nila ipapadala dapat. Baka mahanap ka nila kapag naghanap la ng trabaho..." " Oo nga pala ano...maging dito ay wala akong alam. " " sa susunod na buwan lilipat na ako sa bahay ko sa Tagaytay..." " Naks naman yayamanin... Tagaytay? Diba malamig doon... maganda ang simoy ng hangin? " Bigla siyanh naexcite. " Oo maganda... gusto mo bang sumama saakin doon? " " talaga isasama mo ako?" " Oo naman... Kesa iwan kita dito... baka mabasag mo na lahat ng gamit ko." " yaaaa! makakapasyal na naman ako... " " Bukas ay dadalaw ako doon para makita mga ideliver yung mga gamit... " " Sama ako! " Parang batang nakikiusap. " Oo na....basta mag behave ka.. " Ngumiti naman ito. At nag finger heart pa. Natawa nalang ako sa kanya. Hindi ko na alam kung kelan ulit ako tumawa ng ganito. Ang huli ay kay Earth noon. Kinabukasan. Maaga kaming nagbiyahe ni Shakira.... As usual ay maramig na naman siya tanong. Kung ano yun, bakit yun, papaano yung...halos lahat ng makikita namin sa daan ay tinatanong niya. Ganyan siguro yung taong hindi pala labas nagiging ignorante aa lahat ng bagay. Tagaytay Saktong binababa na nila ang mga furniture. " Wow ang ganda dito parang paraiso..!" nagtatakbo ito at paikot ikot pa siya. Hinayaan ko nalang ito at kinausap so Mang Paeng. " Mang Paeng, yung mga iba naideliver na din ba?" " Opo Sir... dumating na din ang designer ng bahay niyo nasa loob po ito. " " Salamat Mang Paeng.. yung sa farm kumusta po?" " Ok na din po... malalago na din nag ibang mga halaman. Yung pong mga mangga na dating puno ay may bunga na din.... " " Ok sige Mang Paeng... ang kaso po yung sa Rose Garden po wala pong may gamay sa pag alaga. Hindi po alam ng iba... " Ang Rose garden ay idea ni Mama. Maganda daw dito sa lugar magtnaim ng mga bulaklak., Rose,Tulips,Dalhia at mga iba pang pinatanim ni Mama. " Ako ng bahala sa paghahanap Mang Paeng... papasok na po ako.. " " Ah Sir... Kasama niyo po yung babae? " Natigilan ako ng tanungin niya ako. Nakatanaw ito sa tinutukoy nito. Napalingon ako ng makitang maika ikang naglalakad si Shakira. " Kasama ko nga po... " Tumakbo ako papunta sa kanya " anong nangyari sayo? " Dumudugo na naman ang tuhod niya. " Nadapa ako doon... may mga damong may tusok tusok.." Napabuntong hininga ako. " ang kulit kulit mo kasi eh.." " nagandahan kasi ako.. First time akong makakita ng mga bulaklak na sobrang dami .. " natuwa pa siya sa kalagayan niya. Dahil ako ang nahihirapan sa paglalakad niya. Binuhat ko nalang ito. Nagulat naman siya. Hindi ito nagreklamo... Pumasok kami at napahinto ako ng makitan nakatayo si Vivian ang designer ng bahay ko. " Vi... " Yung ngiti kasi niya nakakaloko. May ibig sabihin. Binaba ko si Shakira sa sofa. " Akala ko binuhat mo na ang bride mo para iakyat sa master bed room." panunukso niya saakin. " Ah Shakira... siya si Vivian ang designer ng bahay ko... Vi si Shakira..." Hinihintay niya ang kadugtong nga sasbaihin ko. " Vi... stop that...she's a-----friend." " Nauutal? Hahaha Hi Shakira... Nice to meet you.. akala ko ay ikaw na ang ibabahay niya dito. " " Shut up Vi... bata pa yan.... " Tumawa lang ito. Bumaling ako kay Shakira. " Umupo ka lang dyan... Kukunin ko lang yung first aid kit ko sa sasakyan.... Excuse saglit Vi... " " Ok... No Problem.. " Buti nalang dinala ko pala itong Kit na ito. Tama ang hinala ko...magkakasugat na naman ito. Pagbalik ko. Nag uusap ang dalawa at tumatawa. " Vi... yung padating na furniture saan banda mga yun? " Habang ginagamot ko ang tuhod nito ay kinakausap ko si Vi. Si Vivian ay isang kaibigan. May asawa na ito at may dalawang anak. Kaya wag niyong isipin na siya ay may gusto sa akin. " Para sa kusina ang mga yun....ang ibang parating ay para sa ibang kwarto." " Vi pwedeng paayos ako sa katabi ng kwarto ko. Magiging kwarto ni Shakira..." Nagulat siya. " Ahhh Ooookkkeyyy.... a Room for a FRIEND.... copy!" ito na naman siya may panunuksong tingin na naman. " May magiging kwarto ako dito? " Shakira " Oo... anong gusto mong design? " " kahit ano basta pink ang kulay... " masaya niyang sabi. Napangiti naman ako sa itsura ni Shakira. Para itong nag iimagine kung anong itsura ng magiging kwarto niya sa taas. " ehem!... " ? Napalingon ako kay Vi. Bwst nito... " Baka may ipapaayos ka pa... sabihin mo na?! " sabay tawa. " yung mga kabinet niya hindi masyadong mataas...sa banyo niya lagyan mo ng anti- slippery mat... disgraciada itong batang ito. " utos ko Pero itong kausap ko parang nang iinis. Yung ngisi kasi niya iba. " Dito ka lang Shakira... mag uusap lang kami ng Ate Vi mo... " Hinila ko si Vi paakyat sa magiging kwarto nito. " Alam mo Vi... kanina ka pa.. " " Alam mo Elliott...umamin ka nga saakin... Ano ba talaga ang babaeng yan?... may pabata bata ka pa dyan... " " Ampon namin... ayaw naman ipatira ni Mama sa Probinsya dahil puro mga lalaki ang mga pinsan ko... kaya saakin siya nag sstay " " Talaga lang ha... HAHAHA in fairness maganda ang BATA na yun... kaso may pagka clumsy... kawawa itong bahay mo. " " itong mga edge ng mga mesa.. Paki lagyan na din ng support... Itong kama... palitan mo walang mga edge sa mga dulo.. malikot matulog yun... Yung side ng kama palitan din.. para hindi siya mahulog at-----" Tinignan ko si Vi na namamatay na sa pagpigil ng tawa. " Vi naman!... ano ba!?!! " " Sorry Elliott... para ka kasing over protective sa anak...sabi ni Shakira... 25 na ito.. bakit kung makapag alaga ka dyan daig mo pa ang tatay na ayaw mauntog o madisgracia ito." " Ewan ko sayo... gawin mo nalang.." naiinis na ako at iniwan ito. Bumaba na din ito. " Ok mauuna na ako Elliott... Shakira nice to meet you... mauuna na ako at ipapalit ko pa ang ibang mga gamit dahil sa utos ng Iyong ama.. Hahaha" " Ano daw?!" Shakira " Wala....nagugutom ka na ba?" tanong ko. Nagpadeliver ako ng pizza. Hindi ko alam bakit naisipan kong ipayos ng mabuti ang kwarto niya. Bakit ako ganito ka over protective sa kanya?? Habang tinitignan ko ito... nasasanay na ako na nasa tabi ko lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD