Elo pov
" ano ba Bright akala ko ba kabisado mo ang simbahan na yan... Kanina pa tayo ikot ng ikot eh." reklamo ko.
Ang aga nga namin unalis pero hanggang ngayon hindi pa din namin nahahanap ang lintik na simbahan... ( sorry for the words)
" Alam ko nga... Kaso hindi ko na matandaan..."
Kasama ko sina Ivo, Ang Monteverde twins at ang bwsit na si Bright.
" Akina na nga... patingin ako." hinablot ni Deimos ang pirasong papel na muntik ng mabura dahil sa kakulutan ni Ivo.
" Ito kasing si Ivo... Dahil sayo halos hindi na mabasa ang address." Phobos
" oh bakit naging kasalanan ko? Kaninong kape ba ang natapon? "
" Kay Vana... " sabah sabay naming sagot
" Oh kaninong asawa si Vana?"
Sabay sabay kaming napatingin kay Bright.
" Mga hayop kayo... Kayo na magdrive...! "
" Kasi naman eh... sabing isama si Dexter para siya nalang... nagmamagaling ka..mamaya tapos na ang kasal... nandito parin tayo.."
" Ayun... Ayun... nakita ko na yung simbahan.. Daliiiiiiii!" sigaw bigla ni Bright.
Pagkarating namin maraming bodyguard ang nasa harap ng simbahan.
" Putragis...! Mapapalaban ata tayo dito.. " Phobos.
" natakot ka naman..."
" Kung hindi ka lang pinsan ng asawa ko... Ikaw babanatan ko.. "Phobos
" Ok... It's showtime! " Ivo
Nang harangin kami ng mga bodyguard wala kaming choice kundi labanan sila.
Lintik labing lima ang bantay.
" Hoy!? Pumasok ka na... kami ng bahala dito.. " Deimos.
Sumaludo ako tsaka pumasok.
" Bago ang lahat nais ko munang malaman kung may tututol ba sa kasalan ito.... magsalita o habang buhay na tatahimik...."
" ITIGIL ANG KASAL!" sigaw ko. Hinihingal pa ako.
" Sino ka? " tanong ng Pari.
" Ako ho ang lalaking mahal ng Bride. Ako ho ang ama ng pinagbubuntis niya.. "
Nagbulong bulungan ang mga tao sa simbahan.
" No!.... " sigaw ng Mommy ata niya.
" Father... hindi yun totoo... nag iiskandalo lang siya.. Ituloy ho niyo ang kasal."
" Pero tinigil ng binatang yun.. "
Palapit ako ng palapit.
Humarang ang Mommy niya.
" Subukan mong lumapit sa anak ko..."
" Mam... nagmamakaawa po ako. Hayaan niyo po kami ni Shakira... Nagmamahalan po kami. "
Sumenyas ito sa mga bodyguard niya upang bugbugin ako.
Tinanggap ko ang mga suntok nila. Hanggang sa maihagis nila ako malapit sa pintuan.
Tumakbo saakin si Shakira.
" Mommy wag please! Tama na! " niyakap niya ako.
" Ok lang ako....shhhh wag kang umiyak.!" hinaplos ko ang pisngi niya.
" Mommy please tama na...!"
Hinatak niya patayo si Shakira na halos masaktan ito.
Ayokong magalit.
Nagpumiglas si Shakira at bumalil ito sa akin.
" Shakira!..." sambit ni Hamilton
Nang makita niya ako, halos hindi siya makapaniwala.
" Elliott Cortez? "
" You know him? " tanong ng Mommy ni Shakira
" Yes....Batchmate ko sa College.... and he is the one of a kind monster."
Napangisi ako.
" Shakira! Kapag hindi mo nilayuan ang lalaking yan.." may kung anong bagay ang binunot niya sa kanyang bag.
Isang pistol. ? Sa tingin kaya niya mapapatay niya ako sa ganung klaseng baril?
" Mommy!.... Wag..patayin mo nalang ako kesa magpakasal ako sa iba....hindi mo din naman ako mahal! " hinarang niya ang katawan niya para saakin..
" Tita No!" pinigilan ni Hamilton ang Mommy ni Shakira... ngunit hindi niya ito binitawan.
isang putok ang umalingawngaw sa loob ng simbahan.
Nakaramdam ako ng hapdi saaking likod.
" ELLIOTT??... N-noooooo!" Shakira
" Ok lang ako... Nasaktan ka ba? Ang baby?"
" IMELDA!" sigaw ng isang lalaki na nasa likuran lang namin.
Tinulak niya si Hamilton at tinutok muli saakin ang baril.
" Tita ibaba mo na ang baril..." pakiusap ni Hamilton
" Hindi ako titigil hangga't hindi kayo kinakasal ng anak ko.. Kaya Shakira! Tumayo ka dyan!"
Biglang bumukas ang pintuan.. Slow motion pa na may parang hangin na malakas sa bawat paghakbang ng isang nilalang.
" ANONG KARAPATAN MONG TUTUKAN AT BARILIN ANG ANAK KO?! "
? Ganda ng extrance ni Mama. Para siyang bida sa pelikula na umeeksena sa isang kasal.
Idagdag pa natin ang outfit niya for the day.
Naka all red ito maging ang bag at sapatos niya.
Syempre kasamang sumugod ang mga Mafia Assassin ng Orga.
Nakalimutan ata niyang simbahan ang pinuntahan nila.
" Sino ka?"
" IMELDA SIYA SI JADE GRAZETER CORTEZ ANG NANAY NI ELLIOTT..." paliwanag ng Papa nito.
" MISTER SY... MAGKANO ANG UTANG NG BABAENG ITO SAINYO?!" ayan na galit na siya.
" Elliott may tama ka dadalhin ka namin sa hospital..." bulong saakin ni Shakira. Nasa ganun posisyon parin kami magkayap na nakaupo sa sahig.
" I'm asking you Mister Sy..." pinakalman na niya ang sarili.
" BINENTA NIYA SAAMIN ANG ANAK NIYA.... DAHIL SA LAKI NG UTANG NIYA SAAMIN MAGING SA COMPANY NILA. GUSTO DIN NG ANAK KO ANG ANAK NILANG SI SHAKIRA...."
" BIBILHIN KO KUNG GANUN SI SHAKIRA PARA SA ANAK KO.... MAIBIBIGAY MO BA?"
Si Mama talaga nakipag transaction pa talaga sila dito.
" Hindi ako papayag makuha niyo ang anak ko.... " Mommy niya.
Lumapit si Mama saamin.
" Baka gusto niyong tumayo diyan... "bulong saamin
Tumayo naman kami. Tinignan ni Shakira ang likod ko. Nagtaka ito bakit wala.
" Elliott b-bakit wala kang tama?.
" Mamaya ko na ipapaliwanag sayo..."
" Anak... Umalis na kayo dito sa simbahan kami ng bahala dito..."
"pero Ma?"
" Sige na anak... Alam mong ayaw na ayaw naming naiistress ang buntis ng angkan... Sige na.."
Aakmang lalapit saamin ang Mommy niya ng humarang si Mama.
" IMELDA TRINIDAD... dating katulong ng mga FUENTABELLA tama ba? Pinaglaban ka ni Akihiro dahil mahal ka niya. Maski ayaw sayo ng magulang niya ikaw pa din ang pinili niya.....maging ngayon ay ayaw sayo hindi ba? Nalulong sa Casino... kaya nabaon sa utang ang Company ng Asawa mo.... dahil sa matalino ka. Ikaw ang nagpataas ng rank ng Kompanya kaya sayo pinasa ni Akihiro..... hmmmm lalo lang naadik sa sugal.. Kaya pati anak mong panganay ay binenta mo, maski kasiyahan niya ay pinagkait niyo. Ang kamatayan niya ay ikaw ang sinisisi.... dahil hindi lang isa kundi dalawa ang kinuha mong buhay. Ngayon itong si Shakira ay binenta mo sa mga SY....para hindi makuha ang kompanya mo... May mali ba akong sinabi? "
Nakikinig lang kami.
" H-hindi T-totoo yan! "
" IMELDA PLEASE TAMA NA! "
" ANAK NG LETSE!----ay naku father sorry po... Sorry po Lord... " muntik ng magmura ito sa loob buti nalang naagapan.
Walang umimik sa amin.
" Harold Sy...kukunin ko si Shakira dahil nagmamahalan sila ng anak ko... ibabawas ko nalang sa UTANG MO SA AKIN. "
" SINO BA KAYO? " tanong ng Mommy niya.
Nilingon ko si Hamilton at sinenyasan ko siya siya na magpaliwanag.
" ako ay isang Grazeter... bilang ina kahit ibigay ko ang lahat ng pera ko.. Maubos man lahat ng kayamanan ko basta para sa kaligayahan ng anak ko ibibigay ko.... eh ikaw IMELDA? ANO ANG KAYA MONG IBIGAY SA ANAK MO? MALIBAN SA PANANAKIT SA KANYA?"
Doon hindi nakaimik ang Mommy ni Shakira.
." tita Imelda... hindi na po itutuloy ang kasal....hindi po natin sila kaya.. "
Liningon niya ito.
" Barilin mo man sila ng ilang libo... Hindi sila natatablan.... wala tayong laban sa kanila tita kaya sumuko na tayo.... Gusto ko si Shakira pero mahal niya si Elliott.... "
Mabait na tao si Hamilton. Maging sa school noon ay hinahangaan ng iba ang pagiging kalmadong tao nito.
" Pero---"
" IMELDA..... Tumigil ka na... hindi ko na kaya ang ginagawa mo sa anak natin kaya tinawag ko si Jade para humingi ng tulong sa kanila.... pagod na pagod na ako sayo.... mas mabuti nalang na maghiwalay na tayo.."
" dad?" Shakira.
Nagyakapan ang mag ama.
" Shhh it's ok baby....pagod na din akong intindihin ang Mommy mo. Doon muna ako sa Denmark sa Lolo mo. Elliott.... ingatan mo ang baby ko... ikaw na ang bahala sa kanya. "
" Dad.... "
" I will po...."
" A-Akihiro....." tawag niya sa asawa.
" Imelda..... mahal kita pero tama na... Sobra na... hindi ko na din kaya. "
Bumaba ang balikat niya ng magdesisyon ang asawa niya.
" Elliott.... Shakira... sige na umalis na kayo... " utos ni Mama.
Paglabas namin naghihintay sina Bright sa sasakyan.
" Ang tagal niyo.... Ano bang kaganapan doon sa loob, nagulat kami sumugod sina tita kasama mga tauhan." Ivo
" ayun nagsusumbatan sila ng utang... "
" yes! Makakauwi na din sa mga asawa!" Deimos
" Saan namin kayo ihahatid?" Bright
" Sa bahay ko sa Tagaytay. " sagot ko.
" Ano!? " Phobos
" Mag commute nalang kaya kayo? " Deimos.
Sumakay kami ni Shakira na yakap yakap ko ito. Tulala pa din ito.
" Wala kang utang na loob... Sana ay hindi ko binalik sayo si Earth eh.."
Napatingin naman bigla sa akin si Shakira.
" hehehe biro lang..."
Hindi namin alam ang nangyari sa loob ng simbahan. Hanggang dumating sina Mama at Papa para ipaalam ang nangyari.
Nagmatigas daw ang mommy niya kaya hanggang sa nakalabit niya ang baril at kay Hamilton tumama sa kanyang dibdib. Pinakulong ng mga Sy ang Mommy ni Shakira. Ang Daddy naman niya ay wala ng magawa pa... kaya muling nagpaalam ito sa kanyang anak. Yun din kasi ang araw ng pag-alis nito sa Denmark.
Hinabilin niya saakin. Uuwi daw ito sa mismong kasal namin. Nagpasalamat ako sa kanya sa pagprotekta kay Shakira.
Nalaman komg magkakilala pala sina Mama at ang Daddy niya. Siya pala ang kumontak kay Mama para mailigtas si Shakira.
Naging payapa na kami dito sa bahay kasama ang babaeng mahal ko.
" Magpakasal na tayo..."
" agad agad? Malaki na ang tiyan ko... Gusto ko kung ikakasal man ako...sexy ako sa wedding gown ko."
? Anim na buwan na ang tiyan na. Hindi ko kasi maaya aya noong dahil ayaw niya akong makita. Kung alam niyo lang para kaming mag kasintahan na LDR.
Nandito siya sa Bahay.. Ako nasa Condo.. Naduduwal daw ito kapag nakikita at naaamou niya ako.
Nag alaga ako ng mga buntis noon na EX... tapos mismong misis ko.... este magiging misis ko hindi ko maalaga dahil ayaw niya ako. Aba'y hustisya na naman.
Dalawang buwan mahigit halos sina Ivo nakakasama ko kapag nagagawi sila sa Manila.
" Eh kelan gusto mo?"
" Pagkatapos kong manganak..."
? Grabe naman siya...
" hindi mo ba ako mahal?"
" ayan ka na naman eh... Mahal kita... Ah basta minsan lang akong ikasal sa buong buhay ko. Gusto ko yung hindi bundat ang tiyan..."
" sige na nga payag na...."
" Dito sa Garden ko gustong ikasal...."
" masusunod mahal ko... "
Hinalikan ko ito.