Kapalaran

1246 Words
Shakira pov Umaga na pala, tinatamad akong bumangon medyo nahihilo ako. Bigla akong nakaramdam ng pagsusuka... agad akong tumakbo sa banyo. Parang bumabaliktad ang sikmura ko, wala naman akong mailabas kundi tubig lang. Kinabahan ako...napahaplos ako sa tiyan ko. Dalawang buwan nmahigit na hindi ako nadatnan. Hindi kaya??? Nanghina ako ng maisip ang bagay na iyon. Elliott... Bukas na ng umaga magaganap ang kasal. Tutol man ako ay wala akong magagawa pa. Bumaba ako para kumain. Nang maamoy ko ang amoy ng hotdog para akong nagalit. " Yaya... paki alis nga yang hotdog sa mesa... ayoko niyan.! pakuha ako ng. Buko pie..." Napatingin naman saakin si Daddy. " Shakira... are you ok? bakit bigla ayaw mo ng hotdog? Hindi ba isa yan sa breakfast mo na hindi dapat mawala?" Natigilan ako... Oo nga ano? Bakit biglang ayoko ng amoy niya? " Nagsawa na kasi ako dad... " " sabi ng Mommy mo hindi ka munang lumabas.... magpahinga ka daw para maganda ka bukas sa kasal mo" " Ok dad..." Buko pie lang talaga gusto kong kainin ngayon. Nang maubos ko halos isang buong buko pie doon na nagduda si dad. Maghapon niya akong pinagmamasdan. Nasa Garden lang ako umuupo at kain ng kain ng Mangga na ang saw sawan ay soy na may asukal. Bigla niya akong inabutan ng maliiy na paperbag. " What is this Dad?" Umupo ito sa tabi ko. Bumuntong hininga at nagsalita ulit. " nasa tamang edad ka na Shakira, hindi ka na isip bata... buksan mo yan." Binuksan ko nga. Pregnancy Test.? " Dad....?" " Anak hindi ako magagalit sayo at alam ko na minahal mo ang lalaking yun... sa nagdaang buwan nakikita kitang pinamamasdan mo ang phone mo. Alam ko na litrato niyong dalawa yun..." Niyakap ko si Daddy. Yun nga ginawa ko ang dapat. Lumabas ako ng banyo. Hinihintay pala niya ako. " Dad...? " Maluha luha akong lumapit sa kanya at pinakita sa kanya. Dalawang linya. Ibigsabihin ay buntis nga ako. Niyakap niya ako. " I'm proud of you Shakira..." " Dad paano pag nalaman ni Mommy na buntis ako?" " Sasabihin natin sakanya ang totoo-----" "ANONG TOTOO??" Pareho kaming napalingon ni daddy sa pinto. Mommy... Lumapit siya saakin at inagaw ang hawak kong pregnancy test. Isang sampal ang natanggap ko muli sa kanya. Sinabunutan niya ako at pinagsasampal ng ilang beses. " IMELDA! STOP IT!... NASASAKTAN ANG ANAK NATIN!" pag aawat saakin ni Daddy. " MALANDI KANG BABAE KA!" PAK PAK PAK PAK Halos napasubsob na ako sa pader. " HOW CAN LET THIS THINGS HAPPEN SHANELLE?...." Niyakap naman ako ni daddy " Imelda sabing tama na!...nasasaktan na ito! " galit na din siya. " Talagang masasaktan siya kapag hindi niya sinabi saakin ang totoo!... Ano Shanelle Akhira?! Aaminin mo ba saakin? " " Yes... I'm pregnant! " Sasampalin pa sana niya ako ng inilayo ako ni daddy. " Saktan mo pa ang anak ko Imelda! Ako na makakalaban mo! " Tinuro niya ako, galit na galit. " Pagkatapos ng kasal...ipapalaglag ko ang batang yan sa sinapupunan mo! Sa ayaw mo o sa gusto mo! Wag mo akong ipahiya sa Pamilyang Sy. " Pumagitna si Daddy. " HINDI!... ANONG GUSTO MO IMELDA? MAWALA DIN SIYA SAATIN GAYA KAY AKIKO? GAGAWIN MO DIN SA KANYA ANG GINAWA MONG PAGPAPALAGLAG SA ANAK NILA? AT ANONG KAPALIT YUN IMELDA?? BUHAY NG ANAK NATIN NA SI SHAKIRA? " " hindi ko gagawin ito kung sana ay hindi nila yun ginawa ng lalaking yun! Ano? Sa isang Probinsyano? Ni hindi man lang siya pumili! " " Bakit Mommy? Kailangan ba pinipili ang taong mamahalin? Kailangan ba ay may gintong kutsara sa bibig nito para masabi mong mahal mo siya?.... anong klase kang tao kung sa kayamanan ka bumabase?! " " ang lakas ng loob mong sumbatan ako!... bakit ginagawa ko naman ang lahat para sa kinabukasan mo---" " Talaga Mommy? Kinabukasan ko? O kinabukasan mo?!... Salapi lang naman gusto niyo eh.. hindi pamilya!.. yung pagtrato niyo saakin noong bata ako alam ko na eh... Masisisi niyo ba ako kung parati akong lumalayas dahil sa ugali niyong yan!... nawala na si kuya.. Bakit hindi pa kayo tumigil sa bisyo niyo? Sa hinahangad niyong kayamanan! " " NAIBENTA NA KITA AT WALA KA NG MAGAGAWA PA!... MATUTULOY ANG KASAL BUKAS... KUNG AYAW MONG AKO ANG PAPATAY SA LALAKING KINAHIHIBANGAN MO!... AKIHIRO! ORAS NA MAKIALAM KA PA SA DESISYON KO! MAGHIHIWALAY TAYO! " Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na ito. Iyak lang ako ng iyak! Pinakalma niya ako. Hindi umalis si Daddy sa tabi ko hanggang sa nakatulog ako. Kinabukasan Maagang dumating ang mga mag aayos sa akin. Bantay sarado ako ni Mommy kaya wala akong magawa. Wala sa tabi si daddy na naglalalakas ng loob ko. " Eto na ang gown mo dai! Super ganda bagay na bagay sayo.." Pilit lang akong ngumiti. " juntis ka dai?" bulong saakin ni Bakla. Napatingin ako sa kanya sa salamin. " Iba kasi ganda mo ngayon kahit nagkalaman ka ng kaunti..." " Wag kang maingay marinig ka ni Mommy... " Napa zipper naman ito ng bibig. " Matagal pa ba yan? Nasa simbahan na daw ang Groom.." Mommy " Ang belo nalang po ang isusuot Madam..." sagot naman ng isang bakla. " Mauuna na ako sa baba... dalian niyo dyan. " Pagkababa ni Mommy. " Nanay mo may regla!... Parati nalang galit maski sa pagpili ng mga damit niya. " " Ganyan na siya dati pa... mas lumala nga eh.. " " Oh ayan ok na... hawakan mo na ang bouquet mo... " Pagbaba naman, nakita kong may kausap si Daddy sa phone habang si Mommy todo instruct sa mga body guard niya. Simbahan Nakatayo na ako sa may pintuan. Nauna na kasing naglakad ang mga abay at mga ninong at ninang. Sinara nilang muli ang pintuan ng simbahan para sa pag entrance ko daw. Niyakap ako ni daddy. " Smile my baby.....matatapos din ito." bulong niya saakin. " Ano ka ba Akihiro yakap ka ng yakap sa anak mo..magugusot ang gown niya.." kahit kailan talaga si Mommy wala man lang siyang pake. Never pa akong niyakap ni Mommy. Kahit ngayon ay wala man lang. " Ito na ang huling yakap ko sa anak ko Imelda... pati yun ay pinagbabawal mo pa. " halatang naiinis na ito base sa itsura niya. Nagbigay na ng hudyat ang Wedding organiser para sa entrance. Nagsimulan ng tumugtog ang musica. Heart beats fast Colors and promises How to be brave Nang makapasok kami naunang naglakad sina Mommy at Daddy. Humugot ako ng malalim na paghinga tsaka nagsimulang maglakad. How can I love when I'm afraid to fall But watching you stand alone All of my doubt, suddenly goes away somehow One step closer Napahaplos ako sa tiyan ko. I'm sorry baby.... I have died everyday, waiting for you Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years I'll love you for a thousand more Wala sa mukha ko ang kasabikan na makarating sa harao ng altar. Pinasa ako ng mga magulang ko kay Hamilton. " she's all yours..." banggit ni Mommy. Nasa harapan na namin ang Pari. At nagsimula na din itong magsalita. " Bago ang lahat nais ko munang malaman kung may tututol ba sa kasalang ito.... magsalita o tatahimik nalang habang buhay...." Nakayuko lang ako. Dati sa tv ko lang napapanood ang ganito. " ITIGIL ANG KASAL!" Nagulat kaming lahat ng may nagsalita sa likod. Napalingon ako at nakitang hingal na hingal na si Elliott.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD