“Bakit?” kunot noo na tanong ng COO. “Lilinawin ko na wala kaming relasyon,” determindo kong sabi sa kanila. Umiling ang CMO dahil sa aking sinabi. “It’s not a nice idea, Miss Vetari. Kung aamin ka ay magagalit sa inyo ang mga fans at supporters niyo. Aakalain nila na pinaasa niyo silang lahat. Baka maapektuhan ang teleserye niyo. Nangyari na ito dati sa isang love team na under din sa amin, sobrang naging malaki ang losses nito sa love team at lalo na sa amin. Tinalikuran ng mga fans ang dalawa. Nalaos nang tuluyan ang magka-love team. Pag-isipan mong mabuti ang gagawin mo,” paliwanag niya sa akin. Tumikhim si Tremor kaya naman napalipat sa kaniya ang atensyon ng lahat. “She doesn’t like it. Let her be,” seryoso niyang sabi. Tumawa ang COO ngunit halata naman na sarkastiko ito. “Tremo

